Part 1

113 5 4
                                    

****************************************************************************

Hihiwa-hiwain ko itong short story na ito ha :) . Kasi kapag nasa isang chapter lang, mahaba masyado.. Nakakatamad basahin un :)) .

So, eto yung Part 1. 

Enjoy! :)

****************************************************************************

Hello sa inyo... Ako nga pala si Tracy(tingin po kayo sa multimedia box para makita ung picture niya). Isang guro sa paaralan ng Don Jose. Ang Don Jose School o DJS ay paaralan ng mga bingeng bata.

Sa oras na ito, papunta ako sa lugar na ayaw ko. Nakakatakot doon eh. Baka mapatay pa ako. Pero, kailangan eh.Para sa kanila daw. Gusto niyo malaman kung bakit ako pupunta doon?

Kung OO, sige, read niyo na lang susunod kong sasabihin o ikwekwento.

Pero kung ayaw niyo, well, sige. Okay lang kahit hindi niyo na malaman. Kayo din...

Alam kong mahabang-habang kwentuhan ito kaya sisimulan ko na. Malayo pa naman ako doon sa pupuntahan ko.

Ganito iyon,

Matapos ang ilang araw na pagpasok ko sa DJS, nagsimula mangyari ang mga di kanais-nais na pangyayari. Baka sabihin niyo ako ung suspect dahil simula ng pagpasok ko sa DJS nagsimula un ha, 4 na bagong teachers kami kaya hindi lang ako ung bago nung nagsimula iyon.

Ano nga ba iyong nangyari iyon??

Hmmm...

AYUN!

Ang aming mga bata ay isa-isang namamatay dahil daw sa mga "MULTO". Pero, tsismis lang un. Sure ako. Sino pa bang maniniwala sa multo ngayon?!Siguradong isang tao nanaman ang pumapatay doon na naghahanap ng hustisya o whatever tulad ng mga dahilan ng mga villain sa mga palabas ngayon.

Anyway, ang mga batang nawala't namatay ay galing lahat sa classroom na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit pero natitiyak kong may galit iyong pumapatay sa klaseng iyon. Ang klaseng iyon ay binubuo ng twenty-one na estudyante. Siyam ang mga lalaki habang ang mga babae ay labindalawa.

Kaya lang ngayon, labinglima na lamang kami.

Kasama na nga pala ako doon sa labinlimang iyon. Pito na ang mga namatay kong estudyante.Puro babae na sana silang lahat kaya lang...

ung pinakahuling namatay ay lalaki.

Mababait naman ang mga estudyante ko at magagalang. Marunong silang makinig(not literally na nakikinig with ears ha...). Kapag pinagsasabihan, di sila pipikit instead ay haharapin ka nila ng may dignidad. Mga bata pa lang sila pero matalino na agad.Kaya nga naisip ko na wala ng mangyayari pang masama sa pagtuturo ko dito sa DJS.

Pero, nagkakamali ako. Unti-unti silang nawawala sa akin. Ang mga estudyante ko.

Ang unang nawala ay ang pinakatahimik kong estudyante na si Leila Anne.

Hindi siya palangiti kaya nakakailang siya kasama pero, masaya syang kasama kapag kaibigan ka na niya. Natagpuan siyang patay sa gilid ng school matapos ang isang araw niyang pagkawala. Kapag nakita niyo ang kanyang pinagmatayan ay magugulat kayo dahil sa paligid ng katawan niyang nakakorteng K ay may mga bulaklak na kulay itim.

Nakakapagtaka na nga sa mga pulis kung bakit nakakorteng K ang katawan niya at may bulaklak na itim pero ang mas nakakapagtaka ay kung ano ang ibig sabihin ng sulat nahawak-hawak ni Leila Anne. "K-YI" Yan ang nakalagay.

Ang dahilan ng kanyang pagkamatay sabi ng mga pulis at mga nagcheck sa kanya ay gawa ng lason. At tama sila, dahil wala siyang kahit anong galos sa katawan.

Kinabukasan nung araw na iyon, sunud namang nawala si  Geraldine.

Si Geraldine, kahit binge ay isang model. Ang katawan naman niya ay natagpuan sa tabi ng swimming pool na aming school matapos ang dalawang araw na pagkawala niya.

Nagsimula siyang mawala kinabukasa nung nakita ang bangkay ni Leila Anne.

Ang kanyang katawan naman nung nakita ay nakakorteng Y.

Nagmukhang nga ring ruler ang kanyang mga legs at braso dahil sa mga hiwa kaya lang ay walang mga numero. Tulad ng kay Leila Anne, may matatagpuang sulat sa kanyang mga kamay. Ang nakalagay naman ay "Y-ER".Tulad ng kay Leila Anne, namatay siya dahil sa lason at di dahil sa mga sugat niya.

Kinabukasan ulit nun, nawala si Irah, ang pinakamatanda sa aking mga estudyante.

Siya din ang pinakamatalino sa kanila.

Natagpuan ang kanyang katawan sa tapat ng pintuan ng aming school. Nakitang wala na siyang mga mata at tila tinahi ang kanyang mga labi.

Cross-stitched pa nga eh.

Ang katawan naman niya ay nakakorteng L. Para magawa ng tunay na L ung katawan niya ay hinati ang kanyang katawan mula sa ulo hanggang baywang. Tapos, baywang hanggang paa. Lahat ng taong nakakita sa kanya ay tila nasusuka ang expression nila.

Sa kanyang kanang kamay, matatagpuan ang isang letter nanaman. Ang nakalagay sa pagkakataong iyon ay "L-SAN".

Inis na inis na ang mga pulis ng mga oras na iyon dahil tila pinaglalaruan daw sila. Nahihirapan  kasi silang hanapin ang killer dahil walang tao ang nakakapansin sa tuwing nangyayari iyon. Walang makapagsabi kung sino ang gumawa noon kaya sinabi ng ilan na multo iyon.

Pinatawag ng mga pulis ang mga magulang ng mga batang nawawala, pati na ako na homeroom adviser nila at ang mga school admins.

Kaya lang di natuloy ang meeting namin ng biglang nagkasakit kaming lahat.

I mean, silang lahat. Kunwari na lang may sakit din ako dahil ang awkward kaya,  tapos magisa mo lang haharapin ang mga pulis. Kahiya un ah.

Nung nagmeemeeting kasi kami. Pinaium kami nung isang pulis ng juice kahit naman sabi ng ilang pulis na wag daw. Pagkatapos naming inumin ung juice ay biglang nagsakitan ang mga tyan ng mga magulang at mga admins. Di ko nga alam kung bakit ako, hindi nanakit ang tyan. Kaya nakigaya na lang ako. Mamaya kasi ako pa maging suspect nun.

Yi,Er,San,Si,Wu,Liu...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon