CH - 02

153 6 2
                                    

Tatlong araw na simula nung makipag-break sa akin si Daniel. Tatlong araw na din akong hindi lumalabas ng kwarto. Hinahatiran lang ako ng pagkain ni Mama sa kwarto pero wala akong gana kaya halos hindi ko rin nauubos.



Sigurado naman akong alam na ng mga kaibigan namin kung ano ang nangyari sa relasyon namin. Paano ba naman, sunud-sunod ang text na natatanggap ko galing sa kanila. Kaya naman sabi ni Mama, huwag na daw muna akong mag-cellphone. Makakatulong daw yon sa pagmu-move on ko.



Binilhan din ako ni Ate Meryl ng bagong sim card para hindi daw ako ma-tempt na itext si Daniel. Ang hindi niya alam, memorized ko ang number niya!



Isang tao lang din ang madalas kong kinakausap, ang high school bestfriend kong si Rae.



Sa lahat kasi ng kaibigan ko, si Rae lang ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa dito sa pinagdadaanan ko.



FROM: RAE

3:05pm: "Jam, nabasa ko yung post. Anong nangyari?"


3:47pm: "Jam, okay ka lang ba?"


4:11pm: "Pssst. Jamie?"


5:01pm: "Jamie Lim!! Nandyan ka ba? Alam kong hindi ka magku-kwento, pero kung kelangan mo ng kausap ngayon, nandito lang ako! Para saan pa at mag-bff tayo!? Love you, sis!"


5:58pm: "Ano teh? Wala pa din paramdam? Nasasaktan ka ngayon, kaya nasasaktan din kami sa nangyayari sayo. Tinawagan ako ni Ate Meryl. Hindi ka daw lumalabas ng kwarto mo? Gusto mo puntahan kita? Magpapaalam ako kay Mama mamaya. See you!"



Sunud-sunod na text ni Rae ang nabasa ko sa inbox ko. Siya lang naman ang nakakaalam ng bago kong number. Wala din akong balak na ipamigay itong number ko na to. Yung luma ko naman na sim, pinatago ko na muna kay Ate para hindi ako ma-tempt na itext o tawagan si Daniel.



TO: RAE

6:33pm: "Sis, okay lang ako! Humihinga pa naman ako noh. Huwag kang mag-alala. Magkakabalikan pa naman kami. Baka busy lang siya ngayon dahil sembreak. Gusto ko munang mapag-isa ngayon, pero promise, kapag okay na ako, ikaw ang unang pupuntahan ko. Thank you, Rae!"



FROM: RAE

6:36pm: "Sure ka? Osiya, hindi kita pipilitin. Pero kapag hindi mo na kaya try mong isulat sa papel lahat ng nararamdaman mo pagkatapos sunugin mo yung papel. Makakatulong yon para gumaan pakiramdam mo. Ganun ginawa ko nung namatay si Puchi eh. I'm just here, just a beep away! :)"



Si Puchi? Eh aso niya yun. Sabagay, nakita ko naman kung paano niya iniyakan ng todo yung alaga niyang yun. Isang linggo lang yata naging okay na din siya.



Kaya naman eto ako ngayon, may hawak na notebook at ballpen.



-----



Journal Entry # 01



Ang sakit pala kapag iniwan ka ng taong mahal mo ng hindi mo alam ang rason. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko sa kakaisip kung ano nga ba talaga ang dahilan ng break up namin ni Daniel.



Bakit ayaw niya akong kausapin at bakit bigla na lang siyang hindi nagparamdam?



Maghapon lang akong umiiyak hanggang sa makatulog. Ang baho baho ko na din dahil tatlong araw na din akong hindi nakakaligo. Nasa kwarto lang naman ako kaya okay lang sa akin na hindi maligo.



Ano kaya ang gagawin ko kapag nalaman kong may iba na pala siya? Tatanggapin ko pa ba siya kung makikipagbalikan siya sa akin?



Eh paano kung habang nag-eemote ako ay wala lang pala sa kanya ang nangyayari sa akin? Hindi kasi niya alam na ganito ako. Nagpalit pa ako ng simcard at hindi din ako nag-o-online simula noong gabing yon.



Sa ganito na lang ba mauuwi ang tatlong taon na pinagsamahan namin? Ang sakit sakit...

When Our Relationship EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon