CHAPTER 1

72 2 0
                                    

PROLOGUE

"ANO na Trishna! Magtatanghali na at tulog mantika ka pa din diyan! Gumising ka na at bumili ng makakain namin!" bulyaw ni tiyang Lilet habang dinadabog ang pinto ng aking kwarto.

Miserable kong minulat ang aking mga mata ng balingan ang pinto. Gumagalaw ang nakasabit na damit at tuwalya doon habang patuloy ang pagdabog ng tiyahin ko.

Pagod akong bumangon sa kama. Napuyatan kasi ako kagabi sa pagtitinda ng balot sa kabilang kanto. Mas naging nakakapagod pa dahil wala pang napagbentahan kaya sakin ngayon ibinubuntong ni tiyang ang galit nito.

Ganito madalas ang nangyayari kapag walang napagbebentahan. GRO lang kasi ang trabaho ng tiyahin ko sa isang bar. At doon kami madalas na umaasa sa kinikita nito gabi-gabi. Extra income naman ang pagbabalot ko sa gabi. At ang asawa ni tiyang Lilet, ay siya na ang pumapit sa tricycle ng taty ko. Kaso, ipinang-iinom nito ang perang kinikita at walang naibibigay pandagdag gastos sa bahay.

Hindi ko minadali ang pagbukas sa pinto dahil sanay na akong ganoon ang pagkatok niya. Kinusot ko muna ang aking mga mata bago tuluyang buksan.

Nameywang si tiyang Lilet.

Nakasuot ng sobrang ikling shorts na kita na ang hiwa ng kepyas nito at naka spaghetti strap. Buhok niyang hindi pa nasusuklayan, medyo kulubot na ang balat, at nakasalubong ang kilay. Lagi siyang napapa-away kasi kahit normal na itsura nito'y napagkakamalan na mataray at parang nag-aamok ng away.

Ngunit sa kabilang banda noon, ay totoong ganoon ang ugali niya. Dagdagan mo pa ang pagiging dakilang tsismosa dito sa aming barangay.

Mas lalo siyang nagalit nang makita ang itsura ko na kagigising.

"Ano ka dito prinsesa? Hindi ka na nga nakapagbenta sa kanto nagawa mo pang matulog na parang wala kang prinoproblema?" sermon na naman sakin.

"Eh tiyang, alas sais na ng umaga ako nakauwi dito. Tinagalan ko na ngang magtinda para may mapagbentahan, kaso wala talaga." marahan kong paliwanag.

"Aba't kasalanan ko pa kung wala kang napagbentahan?" sarkatiko niyang sabat. "Problema mo na 'yan! Alam mo ang usapan, kapag walang benta, wala kang pagkain!" sabay pektus sa ulo ko.

Sa lakas non nagulo ang buhok ko sa bandang pinektusan nito. Inayos ko ang aking buhok at nayuko na lamang.

Ganoon ang usapan. Kapag wala akong napagbentahan, wala akong makakain. Kaya swerte nalang kung makabenta ako para may mailagay sa aking sikmura.

Kaso ngayon, siguradong kanin at asin nanaman ang kakainin ko.

Halos isaksak na sa aking baga ang pera na binigay. Napa-atras pa ako sa lakas sabay turo sa labas ng bahay.

"Lah! Sige! Bumili ka na ng pagkain sa karinderya. Gutom nako at malilintikan ka sa uncle Berting mo kapag walang naabutang pagkain sa mesa!" hinila niya ang kamay ko at tinulak-tulak palabas ng bahay.

Hindi ako lumaban. Kasasabi ko nga kanina, sanay na ako sa trato niya. Lahat na ata ng klaseng pananakit ay naranasan ko na. Kaya kahit ikaladkad nako sa daan ay wala na lang sakin.

Ganoon na ako kamanhid.

Kapatid ng tiyahin ko ang aking ama. Hindi ko rin kilala ang aking ina dahil noong maipanganak ako ay nilayasan kami ng tatay ko. Namatay naman ang tatay ko nang maatake sa puso habang namamasada ng tricycle. Kaya ang tiyahin ko nalang ang kumupkop sakin.

Wala akong ibang kilala na kamag-anak, kaya wala din akong ibang malalapitan. Kaya nagti-tiis na lamang sa pagiging malupit ng aking tiyahin. Tinitiis ko lahat ng pang-aabuso nila ng asawa niya dahil wala din naman akong matatakbuhan.

UHAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon