Chapter 1

20 1 0
                                    

BESTFRIEND

-----

"Did you seriously reject Cristan Ferrer? As in Cristan from the star section?!" bulalas ni Daem.

"Oo."

Sabay-sabay na napa-singhap ang mga kaibigan ko. Isa-isa kong tinignan ang hindi makapaniwala nilang ekspresyon. Si Janine lang ang tanging walang reaksyon. Nag-ce-cellphone lang siya sa tabi ko. 

"Grabe, ang haba ng hair mo! Si Cristan na 'yon pero hindi pa rin pumasok sa standards mo," si Avy.

"Tss. Standards." sa wakas ay sumali si Janine. "Pinagmamalaki nga no'ng hindi siya marunong mag-laba."

I bit my lower lip. It's not new to us how Janine would bash her own cousin. Yes. Janine and Cristan are cousins. Hindi ko nga alam kung bakit magka-ibang magka-iba sila ng ugali. Cristan is the playful one while Janine is the IDGAF type of person, especially when it comes to love life. Kaming dalawa na lang ang hindi pa nagkaka-boyfriend. Daem had lots of exes. Avy on the other hand is currently in a long distance relationship.

"Okay lang, at least guwapo! Ipaglalaba ko siya," Daem giggled.

"Ayan! Kaya ka napupunta sa toxic na relasyon kasi puro pogi hanap mo, mga wala namang substance!" sermon ni Avy.

"Ikaw nga mahilig sa malayo eh. Pinakealaman ko ba?" pagmamaldita ni Daem.

Sinabunutan siya ni Avy at nagbangayan na sila. Napa-iling na lang ako. Hinayaan ko silang magpa-palit palit ng topic. Sumandal ako sa backrest ng upuan at napukaw ang mata sa unahan. Sakto ang pag-pasok ni Luigi sa classroom.

As usual, ang kamay niya ay naka-kapit sa straps ng kaniyang bag. Tila ba sa higpit nito nakasalalay ang buhay niya. His eyes scanned the room like he was looking for someone and when it landed on me, umiwas siya agad. Natataranta siyang lumakad patungo sa kaniyang pwesto.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Pinanood ko ang mga susunod niyang galaw. Gano'n din ang ginagawa ng mga kaibigan ko.

"Pffft—para siyang nakakita ng multo," natatawang sabi ni Daem. "Balik ka na sa upuan mo, Emi. Takutin mo pa!" tumawa siya ulit.

My lips formed a smirk. Nahuli ko pang lumingon sa gawi namin si Luigi. His eyes widened when he saw me still looking at him. I raised my brows, as arrogant as possible. Mas mabilis pa sa alas kwatrong lumingon siya pabalik sa harap.

Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin. Tumayo ako at nagsimulang lumapit sa gawi niya. I could hear my friend cheering for me while laughing.

Habang papalapit, napansin kong hindi siya mapakali sa kinauupuan. Nalaglag pa ang pencil case niyang maraming laman. Gumulong ang mga ballpen sa marmol na sahig. 

"Ako na." Yumuko ako para pulutin ang mga iyon. His fat body could not handle bending down kaya inunahan ko siya. 

"S-s-salamat," he awkwardly said. 

Nang maka-ahon ay nasaksihan ko kung gaano kapula ang mukha niya. He looked at me in the eye ngunit nang magtapat ang mata namin ay umiwas siya agad.

Babalik at iiwas ulit.

I smirked at him. Hindi ko alam kung bakit nag-e-enjoy akong nahihiya siya. I tilted my head, not cutting the stare. Mabagal kong sinasalansan ang mga ballpen sa case. Pati ang pag-sara ay binagalan ko.

"S-s-salamat..." ulit niya at nanginginig na tinanggap ang inabot ko.

"W-w-walang anuman."

I chuckled. Pagkatapos ay umupo na sa kaniyang tabi. He was very attentive during the class session. Salungat sa akin na hindi nakikinig. I was just sketching him the whole time. Simula noong ma-bully siya sa canteen, natipuhan ko nang gawin siyang subject. There's nothing special about him except that he looked unique. His eyes... I just noticed they were more expressive sa malapitan. Mas okay siyang tingnan kapag side view. Minus the fatty neck, of course. 

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon