Good Choice
----Ilang oras akong nag-hintay sa main gate para kay Luigi. Umaasa ako na maalala niya ang usapan namin. Naka-upo lang ako sa may bench at kinikilala ang bawat taong dumaraan ngunit ni isa, walang matabang lalaki na lumabas.
I wonder where he exited? Baka sa likod? Is he still with that Cora? May bestfriend pala siya? Bakit ngayon ko lang iyon nakikita?
Tumingala ako sa malaking wall clock malapit sa guard. The clock says it's seven in the evening and I should go before Dad comes back home. Bumuntong hininga ako. Why am I waiting anyway? I searched for a valid reason in my head and I ended up with this: Naubos ang baon ko kanina at hindi ako nakapag-tira ng pamasahe. Oo, gano'n nga. Akala ko kasi sasabay ako sa kotse nila. Hays!
Tumayo na ako at lumakad paalis. Madilim na sa labas at wala na halos estudyanteng dumadaan sa kalsada. Tanging ang poste ng mga ilaw sa magkabilang gilid ko ang nagsisilbing liwanag. I walked slowly and drowned my mind with thoughts. Bawat hakbang ko ay bumibigat sa hindi malamang dahilan.
Ano ba ang nararamdaman ko ngayon?
Naiinis ako.
Oo, naiinis ako. I wanted to stomp my feet and scream! I wasted my three fucking hours for nothing. Now, I'm walking with my two-inches heels feeling betrayed kahit hindi naman dapat. Bigla na lang bumisita sa isip ko ang mga tanong ng kaibigan ko.
Do I like him?
No. Hindi ko siya gusto. The reason why I did what I did yesterday is because I felt guilty. I had all the opportunity in this world to stood up for him and yet what did I do? I sketched him! I drew his pain and let him suffer for my own satisfaction. Kahit wala akong kinalaman sa nangyari sa kaniya, somehow, I felt responsible.
And that's just my nature. It's natural for me to be nice to someone kahit sino pa. I don't understand why people are getting the wrong idea.
Luckily, I arrived home safe and sound. Wala pa si papa. Malinis ang bahay at may mahinang mellow rock music na tumutugtog sa sala. I saw Mom at the kitchen, cooking our dinner. She's slowly swaying her body while singing along with the music.
"Ma, andito na po ako!" I shouted from the living area.
Lumingon si mama sa akin at tumango. "Magbihis ka na at kakain na tayo. Bakit ngayon ka lang?"
"May tinapos lang, ho. Group project!"
"Okay," tipid nitong sagot.
Umakyat ako sa kwarto to do my usual routine. Pagkatapos ay agad akong bumaba para makakain na. Naabutan ko si Daddy at Mama sa kusina. They were talking about something I couldn't relate to. Tungkol yata sa bagong promotion niya sa kompanyang pinapasukan.
Umupo ako sa tapat ni Mama habang si papa ay nasa gitna ng hapag. Tinaas ko ang kamay para kumuha ng kanin. Nakaka-pang limang sandok na ako nang marahang hampasin ni Mama ang kamay ko.
"Masyado na 'yang marami, Emi. Baka naman tumaba ka ng husto. Watch your portions," saway niya.
Sinauli ko ang kalahati ng kanin ko at bumalik sa pagkaka-upo. Tahimik akong kumain habang patuloy sila sa pag-uusap.
"How's your grades, Emi? Balita ko, mas tumaas pa ang marka mo. You can run for honors kung ipagpapatuloy mo 'yan," Dad said with a proud tone.
Tipid akong ngumisi.
"Dapat lang. Kukuha si Emory ng medisina sa kolehiyo. Kung ngayon pa lang ay masasanay na siya sa pressure, hindi na siya maninibago." Bumaling sa akin si Mama. "H'wag kang babarkada sa mga taong walang pakealam sa pag-aaral. You should know your priorities, anak. Ang mga sinasabi ko ay para sa'yo. You do understand that, right?"
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love
RomanceThey said reality is harsh. You won't always end up with the ideal person. In fact, there's a little chance of meeting the man of your dreams; the ones in the book you read, or in the movies you've watched. In reality, you can't control what's goin...