"Ano bang mga hanap mo sa lalaki, Emory?"
Inakbayan ako ni Cristan at mas lalo pang inilapit ang katawan sa'kin. Uneasiness crept in my whole body when I felt his hot breath touched my ears. I tried to move a little para makatakas ngunit pinigilan ako ng kamay niyang naka-patong sa balikat ko.
"Pwede bang bitawan mo ako, Cristan? Hindi kita type," pandederetso ko at buong tapang na inalis ang kamay niyang lumalapit sa dibdib ko.
I heard his annoying chuckle. "Bakit naman hindi mo ako type?"
"Just because," sabi ko kasi ayokong pag-sisihan niyang nabuhay pa siya sa mundo.
"Really? Pa-hard to get ka naman masyado."
Irita ko siyang tinignan. My eyes met his sharp and very intimidating eyes. Kung titingnan ay mukha siyang suplado ngunit ang kumukulo na kayabangan sa kaniyang katawan ay tila hindi bagay sa sinisigaw ng kaniyang mga mata.
He raised a brow nang makita ang ekspresyon ko. "What? Ano bang kailangan kong gawin para magustuhan mo na ako?"
"Get lost," sabay irap ko.
His palm rested on his left chest. Umarte siya na parang um-a-aray kaya lalo akong napa-irap sa ere. If he's just here to ruin my sketching time, sana pala ay hindi ko siya hinayaan kaninang tumabi sa akin.
Walang klase kaya pinili kong tumambay sa botanical garden ng aming campus. Dito ako madalas kaysa sa loob ng room. Maraming tao na tumatambay rito na pwedeng obserbahan. I always practice sketching here. I love drawing since I don't remember when.
Itong makulit na si Cristan ay tumabi sa akin nang madatnan akong nag-i-i-sketch ng barkadang nagja-jamming sa harap ko. Isang buwan na siyang nanliligaw sa akin. Grade 7 pa lang ako samantalang siya ay grade 9 na. Kilala siyang playboy kaya ayoko sa kaniya. Mataas ang standards ko sa lalaki kaya naniniwala akong hindi sa ganitong edad ko iyon matatagpuan. Hindi ako iibig sa murang edad.
"Emi!"
May sumigaw sa pangalan ko pagkapasok ko sa canteen. I scanned the whole area and it landed on Daem. She was waving at me with a wide cheerful smile. Kasama niya ang iba pa naming kaibigan; si Janine at Avy.
"Dito!" She yelled kaya agad naman akong lumapit. "Saktong-sakto, ako na ang o-order para sa'tin. Anong sa'yo, Emi?"
"Sinigang," I simply answered.
"Okay, noted!" Kinuha pa niya ang iba naming orders bago pumila sa cashier.
I thought she was being so nice until I realized naroon ang crush niya sa 'di kalayuan; si Juan Antonio Garza. People also call him Nova. He's pretty popular for his outstanding cleverness and fear of girls.
Pasimpleng inipit ni Daem ang mga takas na buhok sa likod ng kaniyang tenga para mag-pa-cute. Napa-iling kami nila Janine sa nakita.
"Gwapo ni Nova, 'no?" Bumuntong hininga si Avy habang nakapangalumbaba.
"Bakla naman 'yan," si Janine.
"Huh? Baka kamo Hindi malapitan ng iba kasi may bumabakod," chismisan nila.
Nakikinig lang ako habang hinuhugot ang sketchpad sa bag.
"Ahh, oo. 'Yung maangas na babae sa lowest section. Alam mo bang nabugbog 'yon noong nakaraang sabado? Nasa ospital ngayon!"
"Ewan ko ba. Ang hilig kasi sumali sa mga gang. Ayan tuloy ang napapala."
Hindi ako naki-sali sa palitan nila ng chismis. Naghanap muna ako ng pwedeng subject para sa sketching ko. Gusto ko 'yong hindi umaalis sa pwesto at hindi malikot.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love
RomanceThey said reality is harsh. You won't always end up with the ideal person. In fact, there's a little chance of meeting the man of your dreams; the ones in the book you read, or in the movies you've watched. In reality, you can't control what's goin...