CHAPTER 2-Vomit.

5K 166 22
                                    

Atasha's POV.

"Byebye, Atasha! Nice meeting you! I will call you tomorrow kung saan mo need mag-go, okay?" Saad ni Yuki sa'kin.

Tumango tango na lamang ako at tiningnan ang dalawang bulto ng magkapatid na papalayo sa'kin.

I saw the two of them got in to a car at mabilis na nakaalis 'yon.

Sa limang oras na byahe, ngayon lamang ako nakaramdam ng hilo at pagsusuka.

Hindi ko na napigilan ito kaya't...may nasukahan ako.

Jusko po, kakabagong salta ko pa lamang dito'y kung anong kamalasan na agad ang nadala ko. Halos magpalamon ako sa lupa habang nakayuko ng makita ang dalawang pares ng takong sa'king harapan.

Lagot.

"What the actual Fuck?!" Nakakarinding sigaw ng babaeng nasa harapan ko habang ako'y nakatungo pa rin.Ayokong tingnan s'ya. Panigurado akong napakasama na agad nang titig nito sa'kin na ani mo'y ako'y papatayin.

Pinagdadasal ko na lamang na biglang may humigit sa'kin at itakbo ako sa malayo, ngunit, alam kong wala. Kakabagong salta ko pa lamang naman dito sa maynila.

"Who the hell do you think you are, you fucking Argh!" She let out her frustration sa sigaw n'ya. For sure, pinagtitinginan na kaming dalawa, pero, mukhang walang pakialam ang babaeng nasa harapan ko.

Unti unti kong itinaas ang aking ulo upang tingnan ang babaeng nasukahan ko. Bago pa lamang ako makahingi ng paumanhin ay natigilan ako nang makita ang mukha nito.

She's goddamn gorgeous. Oh, her eyebrows is thick and it looks so sexy. Bagay na bagay sa kan'yang mukha. Her pinkish lips na tila mo'y kay sarap hagka-tingnan. Ang mga mata nito na kulay gray, napakaganda. At ang tangos pa ng ilong nito.

Halos hindi ako makapaniwala sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Kahit kunot na kunot na ang noo nito at ang mukha na tila mo'y hindi maipinta dahil sa galit at pandidiri, hindi maikakailang, napakaganda n'ya.

Totoo ba ang nakikita ko? Baka mamaya guni guni lamang ito. Baka nasa langit na ako kasi bago pa ako makatunghay ay pinatay na agad ako nung babae?

Kinurot ko namg bahagya ang aking sarili at doon napagtanto na buhay pa ako, dahil, masakit.

"Why are you looking at me like that? You don't know how much this dress cost. O my gosh, I'm so irritated right now. Sa palagay mo ba, mababayaran mo agad 'to, ha?!"

Sigaw nito na ikinagulat ko.

Wala pang nakakasigaw sa'kin ng ganon, ngunit, alam kong kasalanan ko naman.

"I'm so sorry, po. Hindi ko sinasady-"

Dali dali akong nag sorry dito at pupunasan na sana ito ng aking kamay ng tapikin n'ya ako.

"Don't.Touch.Me." Madiing saad nito at tinitigan ako nang masama.

Kahit na masama ang tingin n'ya'y napakaganda n'ya pa rin sa'king mga paningin. Napakagandang babae. Hindi mapagkakaila kung gaano ito kaganda.

"Wala ka sigurong alam kung gaano kamahal itong dress ko, fuck. Ni buhay mo, hindi mo mababayaran itong dress na 't-" Doon ko na pinutol ang kan'yang sasabihin at sumabat at alam kong ikinagulat nito.

"Mawalang galang na po, ngunit, maaari ko namang labhan. Alam kong kasalanan ko po 'yon, pasensya na. Hindi ko ho sinasadya. Pero, wala naman ata kayong karapatan manlait ng gan'yan. Alam ko po na mukha akong mahirap, pero, hindi n'yo naman na ho need ipamukha pa sa'kin." Saad ko rito kahit naiinis na ako nang may pag galang.

Kita kong nag iba nang bahagya ang expression nito. Nagulat ata ito sa mga sinabi ko, kaya't natauhan ako.

Kasalanan ko naman, mas may karapatan nga na s'ya pa ang magalit kesa ako.

Admiring Her : The Heiress (Unedited.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon