CHAPTER 11: Pikoy

79 28 9
                                    

Unexpected Mr. Right

Chapter 11: Pikoy

Lina's Point of View

"Good Morning Mr. Pooh" bati ko sa favorite stuff toy ko na si Pooh. Lage kasi nasa tabi ko to e. Siguro 13years na nasakin tong si Mr. Pooh e. Gift kasi to sakin ni Papa nung bata pa ako. And for your information, Collection ko talaga si Pooh. Eh pano naman kase super cute kaya ni Pooh. Ang taba taba tapos walang salwal hahaha!

Bumaba na ako sa room ko and pumunta ako sa kitchen.

May nakita akong note sa fridge.

We'll be going out of country for a month. May mga food naman jan sa fridge and padadalhan ka na lang namin sa atm mo ng allowance mo every week. And do you remember Tita Ester mo? Lilipat na jan sa kabilang bahay si Tita Ester mo. Bukas ang dating nya. Pag may problema o kelangan ka, punta ka na lang sa kanya. Nasabihan ko na si Tita mo. So Happy Summer my dear.

Ma and Pa

Si Tita Ester kasi ay bestfriend ni Mama. Bata pa lang ako nung last na nakita ko si Tita. Nakatira kasi sila dati dito sa Lucena tapos nakapag-asawa si Tita na taga San Pablo kaya dun sila tumira sa San Pablo. Syempre masaya na nakakagulat na lilipat na sila dito sa Lucena. Makikita ko na ulit si Pikoy.

Si Pikoy ay anak ni Tita Ester at Tito Larry na lage ko kalaro ko noon. Pikoy ang tawag ko dun kase Pikonin un e. Asar talo lage. Pero mabait at cute un. Pinagtatanggol nga ako nun dati sa mga nambubully sakin e. Siya ung bestfriend ko noon. Di nga kami mapaghiwalay noon e. Para kaming linta sa isa't isa. Lalo na nung araw na namatay si Tito Larry na father ni Pikoy dahil sa lung cancer. Sabi pa nga niya sakin noon, 'wag mo ako iiwan Chacha' kaya simula non lage ko siya kasama at di iniiwan. Siguro after 2 years nakamove on na si Tita at may nakilala si Tita Ester na taga-San Pablo. Si Tito Glen. Dahil dun kaya sila lumipat sa San Pablo.

Flashback..

Way back 1998...

"Chacha! Wag moko kakalimutan ah" sabi ni Pikoy.

"Oo naman. Sus! Ikaw makakalimutan ba kita? Eh ikaw lang naman ung batang lageng pikon sakin e Hahaha! At tsaka diba friends forever tayo. Partners in crime tayo" sabi ko.

"Cha! Susulatan kita ah. At sulatan mo din ako" sabi ni Pikoy.

"Huh? Ayaw ko nga. Bakit sulat pa? eh meron naman yahoo messenger. Dun na lang tayo at mabilis pa" sabi ko.

"Tsk. Kahit kelan talaga ang hilig mo sa computer. Ah basta! Susulat ako sayo." Sabi ni Pikoy. Niyakap niya ako at niyakap ko siya.Umiiyak na ako.

"Pikoy mamimiss kita" sabi ko sa kanya.

"Ako din Chacha" sabi niya at tinatawag na siya ni Tita Ester.

End of Flashback...

Nagkasulatan kami pero talagang kinulit ko siya noon na mag yahoo messenger na lang kasi ang tagal pa para matanggap ung mga mails. Pero after 5 months nun hindi na siya nag oonline sa YM eh. Kaya ang naisip ko baka may bago na siyang bestfriend doon. Iniling ko na lang ang malungkot na alaala.

'Ano na kaya itsura niya?'

'Payat parin kaya siya?'

'Uhugin parin kaya siya?'

'Pandak parin kaya siya?'

'Negrito parin kaya siya?'

'Pikonin parin kaya siya?'

Unexpected Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon