CHAPTER 15: Skirmish

74 23 8
                                    

Unexpected Mr. Right

CHAPTER 15: Skirmish

Nakauwi na sina Lina sa kani-kanilang bahay. Iniayos ni Lina ang mga gamit niya. Inalis niya ang mga basa sa bag at isinampay iyon. Bumaba si Lina sa kitchen para kumuha ng milk. Tumaas na si Lina sa kwarto niya. Hindi makatulog si Lina dahil nababahala siya sa nangyari nung kahapon sa birthday nina Kath at Kenneth. Di niya alam kung tama ba yung ginawa niya.

FLASHBACK

"Ano?" Nagulat si Kenneth sa sinabi ni Lina. "Teka sino ba yan?" mejo pagalit na inis na tanong ni Kenneth kay Lina.

"Boyfriend ko. So lubayan mo na ako" sabi ni Lina. Nagulat si Kael sa sinabe ni Lina kay Kenneth.

"Boyfriend?" Di makapaniwalang tanong ni Kael kay Lina. Naguguluhan si Kael sa mga nangyayari. Oo ito ang gusto talaga ni Kael kaya lang feeling niya parang ang bilis naman ata kasi parang kakasabi lang niya kay Lina na manliligaw siya tapos ngayon boyfriend na siya ni Lina.

"Oo Kael. Sinasagot na kita" Nakangiting sabi ni Lina kay Kael.

"Impossible!" nagugulahan galit na sabi ni Kenneth. "You're joking right?" natatawang sabi ni Kenneth kay Lina.

"Mukha ba akong nagjojoke?" mataray na pagkakasabi ni Lina.

"Pare tigilan mo na si Lina" singit ni Kael.

"Wag ka mangelam dito" maangas na pagkakasalita ni Kenneth kay Kael. "Mag-usap tayo ng TAYO lang" sinabi niya kay Lina at hinigit ang kamay nito.

"Ano ba Kenneth bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Lina. Sinundan ni Kael sina Kenneth at Lina.

"Hoy! Bitawan mo nga si Lina" Sigaw ni Kael. Hindi siya pinansin ni Kenneth. Naabutan ni Kael sila Kenneth at hinawakan ni Kael ang balikat ni Kenneth para lumingon sabay na sinuntok ni Kael si Kenneth. Nabitawan ni Kenneth si Lina.

"Tama na!" sigaw ni Lina sa dalawa na inaawat niya. Narinig ng mga tao na nasa loob ng gazeebo ang sigaw ni Lina. Nabosesan naman iyon ni Eya at tumakbo papunta kung nasaan sina Lina. Kasunod naman ni Eya sina Harry, Kevin, Kath at Jhanine.

Nadatnan nina Eya na nagsusuntukan si Kael at Kenneth. Tumakbo sina Harry at Kevin sa dalawang nagsusuntukan at inaawat ung dalawa. Pinuntahan naman nina Eya at Kath si Lina. Si Jhanine tumakbo kay Kenneth.

"Babe! What's happening here?" naguguluhan tanong ni Jhanine kay Kenneth. Hindi pinansin ni Kenneth si Jhanine. Nagpumiglas si Kenneth sa pagkakahawak sakanya ni Harry. Ganon din ang ginawa ni Kael sa pagkakahawak ni Kevin dahil sa nakinig niyang tinawag ni Jhanine si Kenneth ng 'Babe'. Nagsink in kay Kael ang mga nangyayari.

Nakawala si Kael kay Kevin at sinugod si Kenneth at sinuntok sa mukha. "Gago ka pala eh!" galit na sabi ni Kael kay Kenneth. "May girlfriend ka pala tapos ginugulo mo pa si Lina!"

"Wala kang alam sa nangyayari kaya! ..." maangas na sabi ni Kenneth kay Kael habang nirerecover ang sarili sa pagkakasuntok ni Kael. "Wag kang mangelam!" sabay sinuntok ni Kenneth si Kael. Napaupo si Kael sa pagkakasuntok ni Kenneth sa kanya.

"Pwede ba tumigil na kayo!" awat ulit ni Lina sa dalawa. Tinignan ni Lina ung dalawa. "Ikaw! pwede ba? May girlfriend ka so please lang! Tigilan mo na ako!" maiiyak iyak na sinabe ni Lina kay Kenneth.

Tinalikuran ni Lina si Kenneth. Nilapitan ni Lina si Kael at tinanong..

"Ok ka lang?"

Di makapaniwala si Kenneth sa nakikita nya. Nagdabog si Kenneth at tumalikod at paalis sa kinaroroonan niya.

"Babe! Where are you going?!" tanong ni Jhanine kay Kenneth na di naman pinansin ni Kenneth.

"Kael masakit ba?" tanong ni Lina kasi may nakita siyang dugo sa may labi nito. "Pasensya na ah nadamay ka pa dito sa gulo"

Unexpected Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon