CHAPTER 14: The Surprising Answer

88 25 7
                                    

Unxeptected Mr. Right

Chapter 14: The Surprising Answer

"Lina! Ano ba? Ang tagal mo naman!" sigaw ni Eya. Nasa labas ang barkada at hinihintay nila si Lina.

"Anjan na!" sagot ni Lina. Lumabas na si Lina at nilock ang pintuan. "Teka daan tayo kila Tita Ester" sabi ni Lina.

"Huh bakit?" nagtatakang tanong ni Eya. "Oh babe narinig mo un ah" lumingon siya kay Harry at sinabe iyon.

"Isasama ko si Kael e" sabi ni Lina habang nilalagay niya ang bag niya sa may trunk ng kotse.

"Ohhhhhhh" sabay na react ng magsyota.

"Tigilan nyo ako ah" mataray na sabi ni Lina.

"Taray teh?" sabi ni Eya.

Pinaandar na ni Harry ang kotse at tumigil sa bahay nina Tita Ester. Bumaba si Lina at kumatok. Si Yassi ang nagbukas ng pinto.

"Hi Yassi. Where's your kuya Kael?" sweet na tanong ni Lina kay Yassi.

"He's waiting for you ate and he's naiinip na kasi you're so tagal" conyong sabi ni Yassi. "Kuyyyya!!!! Ate's here!!!!!!!!" sigaw ni Yassi.

Bumaba na si Kael sa kanyang kwarto. Nagpaalam siya sa mother nya at kay Carlo na nanonood ng TV at niyakap si Yassi. Nagpaalam na din si Lina sa kanyang Tita at Carlo at Yassi. Nilagay na ni Kael ung gamit nya sa trunk ng kotse at umupo sa tabi ni Lina.

Kotse ang gamit nila papunta sa Laguna. Sina Eya at Harry sa unahan sila nakaupo. Si Harry ung nagdadrive. Sina Lina naman ang nasa likod. Pinaggigitnaan si Lina nina Kael at Kevin.

"Ehem" pekeng pagubo ni Kael. Napatingin naman si Eya kay Kael. Nakaramdam naman si Eya kasi di pa napapakilala ni Lina si Kael kina Harry at Kevin.

"Hoy Lina! Pakilala mo naman ung sinama mo" sabi ni Eya. Nagulat si Lina sa sinabe ni Eya. Nakalimutan nya na hindi pa pala niya napapakilala si Kael sa barkada.

"Si Kael. Kababata ko" sabi ni Lina.

"Harry pare" tumango si Harry sa pagpapakilala niya.

"Kevin" iniabot naman ni Kevin ung kamay niya kay Kael at naghand shake sila.

"Hi!! Naalala mo ba ako? I'm Eya. We used to be playmates." masiglang pakilala ni Eya kay Kael. Nagsmirk lang si Lina sa inasal ni Eya.

"Nga pala! Eya san ba ung venue?" maibang tanong ni Lina kay Eya.

"Laguna lang" sagot ni Eya.

"Ahh lapit lang pala" sabi ni Lina.

Habang nasa byahe sina Lina, nagstop over sila sa 7/11 para sa snacks nila. Thirty miuntes pa lang sila bumabyahe. Mejo nagugutom na din sila kasi halos isa't kalahating oras pa ang byahe kaya nila naisapan bumili ng snacks. Isa pa naisip din ni Eya na 'Roadtrip na din to kaya sulitin na'. After nila makabili ng snacks, bumyahe na ulit sila. Binuksan ni Harry ung player at sinaksak ung flashdrive. Nilakasan ni Eya ung volume.

Playing... (Take my Hand - The Cab ft. Hey Monday)

Nagpaandar na ng kotse si Harry at binuksan ung bintana. Nagdub si Harry at sinabayan ung intro ng kanta.

'Suckers! Woah!'

Tawang tawa sina Harry at si Eya. Napapailing na lang si Lina sa mga ginagawa nina Eya at Harry. Natatawa na din si Kael kasi di niya inakala na malalakas din pala ang trip ng barkada ni Lina. Nakatanggap ng text si Kevin. Tinignan niya ito. Napansin din ni Lina na may katext si Kevin.

'It's the fallout boy mixtape!' dub ni Harry.

From: Kath

San na kayo Kev?

Unexpected Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon