Chapter 01

2 0 0
                                    

I had my eyes closed and felt the mild breeze of the wind that brushed through my skin. There is this familiar feeling of calmness and peace that resides somewhere inside me. The sound of the birds felt like a soothing melody, bringing a sudden rush of nostalgia.

"Lo, tara na. Medyo matagal pa byahe natin patungong airport." spoken by the young man behind me.
"You frequently spend time in this place. Does it hold a precious memory of the past?" he asked. I turn to face him with a small smile and give him a soft nod.

"I feel like it did, but I cannot distinguish what kind of memory it is. Nadarama ko lang na parang importante at hindi dapat makalimutan–tho I did forget it." I laughed fondly and started walking through the front yard. Sumunod naman siya at sinabayan ang lakad ko.

"Hindi mo ba mami-miss itong bahay Lo?" he asked while we walked out of the gate.

Isang lumang gate lamang ito na gawa sa kawayan. I kept the original structure of the house, which is why instead of a concrete gate or something made of steel, I chose to keep it as it originally was.

I scanned the whole property for the last time before I answered him, "I did want to spend my last breath in this house kung sakaling ako ang nasunod." I gave him a glance before slowly making my way to the car. Inalalalayan niya akong sumakay, ibinaba ko ang bintana ng kotse para pagmasdan muli ang lugar bago lumisan. 

He started the car and we made our way out of that small town. I felt something heavy inside me, seemed like I was leaving something important behind. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata. I didn't know it was this hard trying to find some memory that is supposedly timeless. 


   •••

"Oy, Tancio nagalihim na naglantaw na naman sayo si Selva oh." ani ni Jolito sabay siko sakin.

Nagpunas ako ng pawis bago ako tumingin sa nginunguso niyang direksyon.
At dun ko nakita ang isang dalagita na sa pananamit pa lamang ay alam mo nang pang mahirap lang para sakanila ang barya. Bigla naman itong nag-iwas ng tingin ng makita niyang nakatitig din ako sakanya.

"Ang pangit siguro natin sa paningin niya kaya siya nakatitig. Wag mo masyadong kulayan ang imahinasyon mo Jolito." tinawanan ko siya at bumalik saking ginagawa. 

"Taya ko pag yan gusto ikaw." sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.
Tinuloy namin ang pagma-masa ng cemento para sa ginagawang bakod ng bahay nila Selva. 

Kadarating lang ng dalaga dito sa probinsya sa bahay bakasyunan ng pamilya nila. Ngayon lang sila nakauwi rito at mapaayos ang kanilang mansyon.

May mahabang itim at kulot na buhok ang dalaga na umaabot hanggang baywang niya, may katangkaran ito at maliit na pangangatawan. Sapagkat may lahing español ang kanyang ama ay namana niya ang kayumangging balat ng ina. Maliit ang kaniyang mukha, makapal ang kilay at mahabang pilik mata. Ang kanyang manipis na labi ay pula at mayroong matangos na ilong.

Talagang kapansin-pansin ang ganda nito kahit hindi mala-porcelanang puti ang balat o mamula-mula sa pagkamisteza. Naiiba at tumitingkad ang ganda nito kaysa sa mga dalagang kasama niya. 

"Oh ikaw man ata ang magka-gusto niyan Tancio." pagkuha ni Jolito sa atensyon ko. Di ko namalayan na napatagal pala ang pagtitig ko sa dalaga. Umiling ako at ngumiti lamang sa panunuya niya. 



Pagka-uwi ko ay nagmano ako saking ina na nadatnan kong naghahain ng pagkain sa hapag. Tinulungan ko siyang ilapag ang mga ito sa lamesa.

"Nako hijo ako na dito, mabuti pa tawagin mo na ang iyong ama para sabay-sabay na tayong kumain." ani ni Ina at kinuha sa mga kamay ko ang hawak na kutsara.

The Heart Remembers What The Mind Forgets Where stories live. Discover now