Chapter 03

3 0 0
                                    

Agad akong naglibot sa malawak na bulwagan nang mapagtantong naiwan ko nga pala sina Jolito kanina. Maraming bisita ang nandito kaya medyo nahirapan ako sa paghahanap. Bumalik ako kung saan ko sila naiwan kanina pero wala na ang mga ito kaya't napakamot nalang ako ng ulo. 




Saan naman kaya napunta ang dalawa, nang bigla kong napagtanto na baka ay nasa kusina ang mga ito. Agad kong tinahak ang daan patungo sa kusina ng mansyon at doon ko nadatnan si Jolito na nakaupo sa may gilid ng pintuan habang may hawak na plato ng pagkain.



Nakita niya ako at itinaas ang hawak niya para ayain akong kumain. Umiiling akong naglakad palapit sakanya.


"Ayos ah parang walang nangyari." ani ko


"Makagutom palang maghabol sa manok oy." ngingiti-ngiti niya pang sabi


Tinakpan ko ang bibig niyang puno ng pagkain na nginunguya.


"Don't talk when your mouth is dirty Jo. Kapal ng gilagid mo ah, ako yung humuli ikaw yung napagod?" tinanggal niya naman ang kamay ko sa bunganga niya


"Tawag dun "friendship". Nakakapagod man sa tenga yung litanya nung Mayordoma, buti pinakain pa ako." reklamo pa niya. Wala talaga mapapala sa isang to masyadong walang pakialam.



"Uwi na tayo pagkatapos mo. Nakakahiya at nasaksihan pa ng Señyora ang nangyari, sarap mong gawing tinola." tinawanan niya lang ako at nagpatuloy parin sa pagsaksak ng pagkain sa bibig niya.



"Ayos lang yan oy nakita mo man ang Señorita. Akala mo di ko kita mga titig mo, mas malagkit pa ani sa biko." itinaas baba pa niya ang kilay. Nagkamot ako ng leeg bago siya binatukan, muntik niya pa mabitawan ang hawak na plato.


"Gagawin talaga kitang palaman ng siopao tamo." umakto siyang sumusuko na at mas binilisan ang kain.


Pagkatapos ubusin ay natigilan siya at nag-isip saglit bago ako lingunin, "Ikagagalit ba ni Erna kung magbabalot ako pagkain pauwi?" napatampal nalang talaga ako saking noo.


"Ito naman nagtanong lang man eh." dagdag pa niya.


"Aalis na ako, kunwari di kita kilala." at mabilis akong naglakad palabas. Nagmamadali naman siyang bumalik sa kusina at naghabol ng lakad.






•••






"Tancio nak, pasuyo ako nitong mga bulaklak na pinapahatid ni Tiya Beka mo sakanila." bungad sakin ni Ina pagkalabas ko galing kwarto.


Nagkakamot ako saking ulo at tinignan ang mga bulaklak na naka-ayos sa may lamesa sa maliit naming sala.


"Sige Ina maghihilamos lang ako tsaka kakain saglit bago pumaroon sakanila Tiya." ani ko saka pumasok sa banyo.


Kinuha ko ang aking salakot at agad naglakad patungo saking patutunguhan.



"Magandang araw sayo Tiya, ito na po ang mga bulaklak na pinapahatid niyo." bungad ko sa isang may edad na babae na nagwawalis sa kanyang bakuran.



"Ay Tancio hijo andyan ka na pala." sabi niya habang naglakad patungo sakin


Inabot ko naman sakanya ang mga bulaklak na nakabalot sa mga dyaryo.


"Bagong pitas po yan, preskong-presko katulad ng ganda niyo." biro ko sakanya habang sinisilip niya ang mga bulaklak.


"Ay nako kang bata ka," tawa niya "O sya ito na ang bayad ko rito. May pasobra na yan dahil sa paghahatid mo." nakangiti niyang sabi.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heart Remembers What The Mind Forgets Where stories live. Discover now