Chapter 28

29 10 7
                                    

"Wala naman sa kanya eh!" Pinapagalitan ako ngayon ni Kylah dito sa may upuan sa labas na may puno sa gitna ng palibot ng inuupuan ko, yung naging fountain nung 2019, kung naaalala mo pa.

Kinakain ko yung tinapay na binili ko sa canteen habang nakatayo siya sa aking harapan, na nangungulit na naman.

"Nasa kaniya nga." Pag i-insist ko, na pinipilit na hindi tumawa, kasi baka mahuli niyang nagsisinungaling ako.

"Sabi niya nasayo raw!"

At yun na nga, hindi na ako pwedeng magsinungaling. Napatunayan na ng witness na nasa akin ang tula, at ngayon ngayon lang ay nahatulan akong guilty ng judge na nasa harap ko ngayon.

Kaya hindi ko na mapigilan, at nailabas ko na ang maninipis kong mga tawa dahil sa kaniya.

Pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha habang unti-unti nang natatapos ang pagtawa ko, at lalo siyang nagiging cute kapag sumisimangot siya. Kaya napatawa ako ulit.

"Tumatawa ka pa! Pabasahin mo na kasi akooo!" hindi pa rin siya sumusuko sa pangungulit niya ah, ang tibay niya naman.

"Ayoko ngang ipabasa." Saad ko, at kumagat sa tinapay, at nginuya ito.

"Pero nasayo nga yung tula?"

Kahit may laman ang bibig ko, ay tumango ako sa kaniya at sumagot ng, "Oo."

"So niloloko mo lang pala ako the whole time since nung hinihingi ko yung tula sa'yo?"

Napangiti ako sa aking pagnguya, at tumango.

Hindi na nawala ang pagsimangot niya sa mukha niya, at napatanong siya sa'kin ng isang bagay.

"Ba't mo ako inuuto?"

Lalo akong napangiti at gusto ko nang tumawa, pero baka tumalsik yung nginunguya kong tinapay, kaya hanggang ngiti nalang ako.

"Ganyan ka na ba?" Tanong niya.

Ngunit pinili kong manahimik at kumain.

"Ano ba! Magsalita ka naman!"

Umiling ako, pati yung ulo ko—ibig sabihin, ayokong magsalita. Yumuko ako at tinuloy ang pagnamnam sa lasa ng kinakain kong tinapay.

"Nakakainis ka!" sabi niya, pero bahala siya dyan.

Nakaramdam nalang ako ng paghampas sa kaliwang braso ko kaya ko nagawang tumingin ulit sa kaniya.

Ayan pa rin ang nakasimangot niyang mukha, na halatang inis na inis na sa'kin. Bigla siyang naging agresibo sa pagkilos, umupo nalang siya bigla sa tabi ko, at napatiklop sa kaniyang mga braso.

Ano na naman kaya ang pauso ng babaeng 'to?

Basta ako, kinakain ko lang yung tinapay.

"Paano mo nagagawang kumain nang hindi ako binibigyan?" Wika niya, na nanggugulo na naman sa pag kain ko.

Nilunok ko na yung tinapay para makapagsalita ako nang maayos upang sagutin siya. "Alam mo, kanina ka pa, wag mo nga akong guluhin."

"Ayan, nainis din kita sa wakas!" Saad niya at sinundan niya ng pagtawa.

Walang hiyang 'to, gusto lang pala akong inisin.

Sinabihan ko siya, "Bumili ka ng tinapay don. Kung tinatamad kang bumili, hahatian nalang kita, sabihin mo lang."

"Wag na, alam ko naman na kulang pa sa'yo yan."

Hindi ako makapag-isip ng ibang isasagot, kaya sinagot ko nalang siya ng, "okey..."

"Inaantok tuloy ako. Ikaw kasi eh."

Wala naman akong ginawa, wala naman akong kasalanan, bakit ako yung dahilan ng pagkaantok niya?

Crush Kita Since 1998Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon