Chapter 32

121 4 0
                                        




"Bakit malungkot ang beshie ko?" I glared at Olivia when she said that and it made Kejan and Leal laugh.


When she saw me annoyed lumayo siya bahagya sa akin at ngumiti, "Sorry, soryy.. ulit ulit kasi mga ka-block ko eh." she explained.


She drank from her beer and I glared at her dahil halatang gusto niya pa talagang tumawa.


"Alam niyo may nakita ako kanina—" I immediately grabbed Kejan's hair for him to stop talking. Malas niya at tumatabi-tabi siya sa akin kaya naman hindi ko talaga binitawan ang buhok niya hanggang sa hindi iyon maubos.


"Si lalabs hindi naman mabiro.." I glared at him with what he said.. hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya. He's into it again, reminding us that I used him to pretend as my boyfriend nang may ipakilala sa akin ang sperm donor ko na lalaki.


Ewan ko, parang meron na gusto patunayan ngayon itong sperm donor ko na'to. He even talked to me about how I addressed him, he told me that it's unnecessary to address him that way because he's my Dad and it bothers him that I call him sir... na para bang responsibilidad ko pa na panatagin siya at tawagin siya ng ganoon kasi kung ako ang papipiliin isa siyang napakalaking kupal sa buhay ko at iyon ang itatawag ko sa kanya.


Pero nang napansin ko na ganap na ganap naman siya sa pagiging Tatay namin netong mga nakaraan dahil lang tinawag ko siyang sir ay nagsisi tuloy ako. Umabot pa sa bumisita siya sa bahay namin kaya naman I addressed him the way he wants me to address him.. para matapos na.


Akala ko nga ay matatapos na pero talagang may pinakilala pa siya sa akin na lalake... because he said he's worried about my future. Future niya mukha niya! Ang gusto ko lang sa future ay huwag na siya makita.


At eto tuloy ang topic namin ngayon kasi sinama ko si Kejan para matigil na ang pagiging performative tatay niya.


Iyan pa ang ginamit niyang endearment noon.. muntik na ako mapaamin noon na hindi ko naman talaga siya tunay na boyfriend.


"Gusto mo magkunwari ulit tayo na maghalikan tapos tingnan natin kung naka move on na talaga ang ex mo—" agad ko ulit na inabot ang buhok niya pero lumipat na siya sa tabi ni Leal kaya naman wala na akong nagawa.


"Sige.. sige ipakita mo kung sino ka!" hamon niya sa akin pero ihinaharang naman si Leal kung umaamba na akong lumapit. Dahil sa sinabi niya ay napahalakhak naman si Olivia.


"Eto naman tawang-tawa.. sa una lang yan pag nag defense ka tingnan natin kung tatawa ka pa." Leal said and Olivia hit his head dahil kinakalimutan niya na muna raw iyon.


While they were talking about Olivia's paper I zoned out while sipping on my beer.


It was another tiring day at work, lagi naman talaga ako pagod dati pero ngayon na naroon na si Camilo ay mas lalo lang naging mahirap sa akin. Tuwing iniisip ko na magtatagal pa ako sa trabahong iyon dahil nasa senior high palang si Chloe para na akong masisiraan ng ulo.


I even am thinking of selling our estate in Antipolo but my conscience doesn't allow me to. Kung hindi ko kayang ibenta ang bahay namin sa Antipolo lalo naman ang bahay namin sa Daraga.


Kahit nga magastos ang maintenance ay hinahayaan ko nalang dahil gusto ko maayos pa rin iyon kahit hindi na kami roon nakatira. Noong una na wala pa akong trabaho ay ang pera ni Mommy ang ginagamit ko roon pero ngayon ay hindi ko na iyon binabawasan para kung may emergency ay may pera kaming magagamit.


Sinunod ko ang sinabi ni Camilo, I just talk to him if it's necessary. Kahit nga tungkol sa trabaho ay iniiwasan ko rin, kadalasan ay iniiwan ko nalang sa office niya o pinapasabi ko na lang sa ibang empleyado.


Daraga Series #1: The Fire's SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon