Chapter 5

113 5 0
                                    

That wasn't the reply I was hoping for.. I know I'm at fault for being sensitive, I know I am at fault for being clueless.. I guess I deserve that, I deserve to be slapped with the truth. Tngina pano pa ako pupunta sa kanila bukas.

I was sure na hindi na talaga ako pupunta, kung nasa tamang circle of friends lang ako. Nag chat na ako sa gc namin na hindi ako makakapunta pero parang hangin lang ako habang nag-uusap silang tatlo about sa materials na dadalhin.

@everyone Hello hindi ata ako makakapunta bukas, sobrang sakit ng ulo ko, may high fever ata ako.. sorry bawi na lang ako.

Pero hindi talaga ako pinapansin. I rolled my eyes nang makita ko ang private message sa akin ni Leal.

Leal: Subukan mo huwag pumunta papasabugin ko bungo mo para hindi na sumakit yan.

Me: hoy may sakit talaga ako, hindi nga ako makatayo.

Leal: ptngina mo Lorianna ikaw namilit na sa bahay nila, panindigan mo'to haup ka.

Me: May sakit nga ako.

Akala ko ay naniwala na siya nang hindi na siya magreply ulit ngunit agad naman akong napamura nang gisingin ako ni Manang Beth kinaumagahan.

"Lorianna nanjan yung mga kaklase mo, gising na! Gagawa pala kayo ng project!"

I groaned frustratingly, ayaw sana lumabas dahil gusto kong panindigan yung high fever ko pero nang ilang beses na bumalik sa Manang Beth para katukin ay wala na akong nagawa Nagdadabog pa ako habang naglalakad pababa, I even smacked Vern's head dahil irita ko.

"Si Ate parang tanga, mas mature pa si Chloe sayo eh!" he hissed because naglalaro kasi siya ng ML at na-distract siya sa ginawa kong pagtampal sa kanya. I sneered at his words dahil iyon talaga ang lagi niyang sinasabi sa akin pag naiinis siya sa akin.

The two were having breakfast sa dining at agad kong tiningnan nang masama si Leal na masayang naglalagay ng sinigang sa maliit na bowl.

"Oh Rayen kain ka!" he said nang mapansin niya ako, makaaya kala mo ako yung bisita rito. I sneered at him, pakatapos ko mag-agahan ay agad na akong bumalik sa kwarto para magbihis na.

Kahapon ay excited pa ako, I actually prepared an above the knee puff sleeved dress at iilang accessories pero siyempre umurong lahat ng excitement ko dahil sa nangyari kagabi kaya naman I just chose an oversize gray hoodie na may maliliit na tatlong dinosaur print sa harap. Pagkatapos ko masintas ang puting running shoes ay bumaba na ako.

"Bat nakapanty ka nanaman?" Olivia teased me and I raised my middle finger at her. Maikli lang kasi shorts ko at medyo may kalakihan ang hoodie ko, madalas din na ganito ang suot ko pag hindi ko trip mag-ayos kaya lagi nila akong pinagti-tripan.

Hindi kalaunan ay umalis na din kami, sumakay lang kami ng jeep at nag-tricy dahil papasok pa sa malaking subdivision at baka isang oras pa kami maglakad kung hindi kami sumakay.

Minsan lang ako mamangha sa bahay, I mean I live in a subdivision with residents na iba-ibang negosyante, most of them are in modern style so I don't really get fascinated with big houses anymore.. but this house, I mean bahay pa ba'to?

Their house is huge, kita na namin ang looban dahil medyo elevated ang lupa ng bahay nila kahit mataas ang gate.

Pagkarating namin ay nagtutulakan pa kami kung sino ang pipindot ng doorbell, mabuti nalang ay agad nang may nagbukas ng gate nila kundi masisira na ang pagkakaibigan naming tatlo dahil sa doorbell na'yan.

"Anong kailangan niyo?" sabi ng guard sa amin na naka uniporme pa.

"Classmates po kami ni Paris, may gagawin po kaming project.." Leal said at lumipas pa ang ilang minuto bago kami pinapasok.

Daraga Series #1: The Fire's SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon