"Bakit umitim ka?" I rolled my eyes when Mama asked Vern habang kumakain kami sa restaurant ng Amara. Mommy's hotel was named after her late Mother, Thaylla Amara Belonzo.
"Nag-movie marathon kasi sila.." simple kung sabi habang kumakain at agad naman napakunot ang noo ni Mommy with what I said.. well wala naman talagang makakaintindi noon kasi wala namang connect but I just shrugged with her reaction and Vern's obvious glare.. eh iyon ang pinaalam niya eh.
Movie marathon ka pa ah.. gago nagswimming daw sabi ng Nanay noong tinanong ni Lolo, ang kapal nga ng mukha may isa pang extra na damit at balak pa sana mag-overnight.
Sana dinala niya na lahat ng damit niya since wala na rin naman siyang uuwian kung sakali.
Bukas na ang quarterly assessment namin at nakapagschedule na ako ng pag-aaralan. Napaisip tuloy ako kung kakayanin.. bahala na, oo yan.
We have three subjects tomorrow, okay I'll review for 3 hours sa Gen Chem, 3 hours naman sa Gen Bio and 2 hours sa Academic Writing sige kaya ko yan... so 7 PM palang, matutulog ako ng 3AM.. okay lang naman.
Ptangina
Rayen: Nakatulog ako!
Chat ko sa gc namin, I pouted nang hindi magreply si Leal at Olivia.. si Paris naman ay hindi talaga naga-seen sa gc namin.
I actually added her 4 times dahil 4 na beses din siya nagleave... nainis ata at inignore message nalang. Habang nasa byahe papuntang school ay saka palang ako nag-aaral.. punyemas ano isasagot ko.
I was about to rant to Paris nang dumating siya pero nang nakita ko ang itsura niya ay agad akong natigilan.
"Natulog ka ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya, she's naturally pale pero hindi ko alam kung bakit.. iba ngayon. Para na siyang hihimatayin.
Hindi tuloy ako mapakali habang nag-eexam, lingon ako nang lingon sa kanya at napagalitan pa ng proctor. Akala ata nanggagaya ako kay Paris.
Mabilis lang ako natapos dahil.. wala naman ako nasagot, buong last part ng test paper ay wala akong nasagot, eh yung may solution iyon eh ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan ng solution.
Ako ang una natapos at siyempre impressed na naman sila.. kala nila nag-aral ako eh ang totoo.. wala lang talaga ako masagot.
I went to canteen at bumili ng mineral water at kahit anong biscuit. Nang pagbalik ko ay agad ko pinuntahan si Paris na nagri-review na para sa next sub.
"Kumain ka nga muna.." naiinis na saad ko at nilapag ang pagkain at mineral water na hindi malamig sa arm chair niya.
Napakunot naman ang noo niya sa akin, "Kumain na ako—" I glared at her. "Ano namang kinain mo?"
"Almonds.. it's great for memory—"
"Kumain ka na.. kundi guguluhin kita." I said at agad niya namang binuksan ang biscuit na binigay ko.

BINABASA MO ANG
Daraga Series #1: The Fire's Sanctuary
RomantizmLorriana Rayen Almarino, a Bicolana who's shaped like a ray of sunshine. Her personality is rooted in the fact that she never experienced the cruelty of the world.. or should I say, she always runs away when discomfort comes to her. She's the exact...