87

133 3 1
                                    

"So, hindi mo talaga sasabihin sa'kin kung sino ang naghatid sa'yo at kung kanino 'yang hoodie na suot mo?"

Napabuntong hininga ako. Alas tres na nang madaling araw, pero gising na gising pa rin kami ni Pyper. Katatapos lang namin manood ng finale season ng Manifest, naubos din namin yung isang tub ng ice cream at isang box ng pepperoni pizza na binili ni Pype.

"Miranda Solielle Cinco, please naman, maawa ka sa best friend mo." Pyper is looking at me with pleading eyes.

Wala talaga akong balak sabihin kay Pype na si Onyx ang naghatid sa'kin pauwi at kay Onyx din ang suot kong hoodie, BUT alam kong hindi ako patutulugin ni Pype hanggat hindi niya nakukuha 'yung sagot sa mga tanong niya.

Kaya wala akong magawa kung hindi sabihin kay Pype ang lahat nang nangyari, magsimula sa kung papaano ko nakita si Derek at Vanessa na naghahalikan sa locker room. Kung papaano ako nginisian ni Vanessa noong mahuli ko sila. At kung papaanong ni hindi ako sinundan ni Derek dahil mabilis siyang hinawakan sa kamay ni Vanessa para pigilan.

Does she even know that I'm Derek's girlfriend? If she knew I was the girlfriend, hahalikan pa rin ba niya si Derek? Yes, I think she will still do what she did... dahil mismong si Derek na boyfriend ko ay nagawang halikan ang ibang babae na hindi niya girlfriend.

"Tangina talaga niyang lalaking yan! Wag na wag siyang magpapakita sa'kin!" Kaunti nalang at may lalabas nang usok sa butas ng ilong ni Pyper dahil sa galit. "Ihahambalos ko talaga sakaniya 'yung takong ng sapatos ko kapag nagpakita dito 'yan!"

Natawa ako dahil sa reaksyon ni Pype. Dati pa man mabigat na loob niya kay Derek, and she doesn't deny that. Pero dahil sa pagloloko ni Derek, mas dumoble pa 'yung galit at inis niya sa tao. At hindi ko siya masisisi. Misko naman ako, mas nangingibabaw 'yung galit na nararamdaman ko kay Derek.

He betrayed me. He broke all of his promises. And it made me think that maybe he was cheating on me even before, which is why he couldn't tell everyone that I was his girlfriend.

"Alam mo beh," panimula ni Pyper at saka ako inakbayan, sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at hinayaang tumulo 'yung mga luhang kanina pa nagbabadya. "hindi kita sinisisi kung hindi ka nakinig sa'kin noon pa man. Alam kong mahal na mahal mo si Derek pero sana h'wag ka na ulit maniwala sa mga kasinungalingan niya ha. Alam kong pipilitin ka no'n makipag-ayos, pero tama na beh, unahin mo na muna ang sarili mo."

Tanging tango lang ang naisagot ko kay Pyper. Walang tigil sa pagtulo 'yung luha sa mata ko. Hinayaan lang ako ni Pyper na iiyak lahat. She's caressing my back while I keep on crying.

Nang huminahon na ako at tumigil sa pag-iyak, halos hindi ko na maimulat nang maayos 'yung mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak.

"Gusto mo ulit ng ice cream? Nakakapag-umiyak no?"

Tumango ako at sabay kaming natawa. Agad namang tumayo si Pype at pumunta sa kusina para kuhain 'yung isa pang tub ng ice cream na nasa fridge.

"I knew that we needed two ice creams for tonight!" Proud na sabi ni Pyper habang hawak 'yung ice cream.

"Anyway, kalimutan muna natin si Derek. Hindi siya worth ng time natin." Sabi ni Pyper pagkatapos niyang maglagay ng ice cream sa bowl niya.

"Ano palang sabi nila Alyshi kanina?"

Pyper shrugged. "Wala naman. Masyado na silang focused sa double helix kaya hindi na nila nagawang magtanong pa."

"Pero teka maiba ako," pag-iiba niya ng topic. "So, si Onyx ang naghatid sa'yo at kay Onyx din 'yung hoodie na suot mo?"

"Yup,"

"Papaano kayo nagkita? At bakit ka niya hinatid? Sabi sa'yo type ka talaga ni Onyx, e!"

"Actually, nagulat din ako nung makasalubong ko siya sa hagdan. Paalis na ako nun dahil biglang umulan habang nasa rooftop ako. Eksaktong sira 'yung elevator nung condo building kaya ayon nagkasalubong kami sa hagdan."

"Tapos?" 'Yung mga mata ni Pyper kanina na halos mag-apot sa galit kay Derek ay kabaliktaran naman ngayon. Pyper is now staring at me while listening intently with a smile on her lips and in her eyes.

"Ayon nga, tinanong niya kung doon daw ba ako nakatira, pero sabi ko hindi. Nagte-tress passing lang ako para makapasok. Sabi ko sakaniya nag-aabang ako ng tao na lalabas para makapasok ako."

"Sira ka kasi, e! Buti nalang talaga wala silang guard sa building dahil baka makulong ka pa dahil sa ginagawa mo!"

Natawa ako dahil totoo naman ang sinabi ni Pype. Lalo na kapag madaling araw at nagkaka-nightmare ako, doon ako nagpupunta para magpahangin sa rooftop. May nakilala na rin akong isang tenant doon sa building na madalas madaling araw na umuwi at madalas siya ang nagpapapasok sa'kin sa loob ng building dahil akala niya doon din ako nakatira.

"Tapos nag-offer si Onyx na pahiramin ako ng hoodie dahil nakita niya na basang-basa 'yung t-shirt na suot ko."

"Tapos ano pang nangyari?" Kinikilig na sabi ni Pype.

"And he offered to give me a ride home. Malakas daw kasi 'yung ulan at gabi na at baka mahirapan ako makahanap ng masasakyan pag-uwi. Pumayag na ako dahil madaling araw na at malapit lang din naman 'yung condo building niya sa apartment natin."

"Tapos? Tapos anong pinag-usapan niyo habang nasa biyahe?" Malaki pa rin ang ngisi niya sa labi. Hindi ko na rin nakain 'yung ice cream ko at mabilis na itong natunaw sa bowl.

"Wala naman masyado. Nag-sorry ako kasi hindi ako nakanood kanina. Tapos sabi niya okay lang daw, marami pa naman daw silang susunod na gig na pwede kong panoorin."

"Beh alam mo bang inggit na inggit na ako sa'yo."

"Baliw ka talaga!" Hinampas ko nang mahina sa braso si Pype.

"Totoo kaya! Sakto single ka na ulit, pwedeng-pwede kanang pormahan ni Onyx."

"Hindi pa... kailangan ko pang kausapin si Derek nang harapan."

"Nako po, do'n din naman punta mo beh. Di hamak na mas mabait, mas gentleman at mas gwapo si Onyx kay Derek! Buti pa nga 'yang si Onyx nagagawa kang ihatid. Mas maraming fans pa 'yan ha, pero hindi ka tinatago."

Napailing nalang ako dahil sa sinabi ni Pype. Mag-aalas-kuwatro na kaya napagdesisyonan na namin matulog. Niligpit na namin ni Pype 'yung kalat sa sala bago kami nagpaalam sa isa't isa para matulog.

Nahiga na ako sa kama, pero bago ako tuluyang matulog ay tinignan ko muna 'yung cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng nightstand.

I have more than 20 text messages from Derek and more than 15 missed calls but I didn't bother to read any of his text messages, but I open the one single message from Onyx on Instagram.

I have more than 20 text messages from Derek and more than 15 missed calls but I didn't bother to read any of his text messages, but I open the one single message from Onyx on Instagram

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos kong replyan si Onyx ay natulog na ako.

Tama si Onyx at Pyper. I need to do what makes me happy. And starting tomorrow, I will value myself more than ever.

W H A T Y A S E Y

Such Blatant LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon