Chapter 7.2 - I Fell Inlove With My Best Friend.. <3

146 7 7
                                    

Yikees! Gabi na pero naisipan ko pang mag-UD.. Well, para lang naman 'toh sa aking mga girl-friends na walang sawang sumusuporta sa aking story eh! But for now, I dedicated this to Shania (Ms.Independent) Haha! xD Thaaanks for your support and sorry for your long wait! Enjoy reading, gurL! :**

---------------------------------------------------------------

Miley's POV

"So.. start na tayo?" tanong ko sa kanila.

"GAME!" sabay-sabay naman nilang tugon.

I sighed. Sa totoo lang, kinakabahan ako para sa project namin. Sa totoo lang, marunong naman akong umarte at kumanta .. siguro? kaso nga lang, nakakahiya!!! Yun nga ang pinaka-secret ko in my whole life eh! Mabubunyag na tuloy ng sanlibutan ang pagiging "Best Actress at Best Singer" ko nito.. Hihihi. Joke! xD

"Uhm.. Guys, ako na nga pala ang bahala sa guitar para sa song natin!" Sabi ni Ruiji. Ou nga pala, may banda nga pala siya kaya marunong pagdating sa music instruments! Buti na lang handa si Bes at may dalang copy ng chords para sa song namin. Da best talaga si Steff! ^_^

"Wait lang ha?" sabi ni Aki at kumuha ng inumin. Hindi ko maiwasang matawa.. halata mo kasi sa kanya ang kaba and hiya at the same time. Haha! Wag kang mag-alala, Aki.. Di ka nag-iisa, same here!! :">

"Ano nginingiti-ngiti mo dyan? At saka, bakit ka ganyan makatitig sakin? Alam ko namang gwapo ako pero hindi mo naman ako kelangan tingnan ng ganyan at baka malusaw ako."  Nakita ko siyang nag-smirk. Psh! Ayan na naman po siya. So ganun agad? Grabe ha, tinatangay na ako dito dahil sa lakas ng hangin na dala niya. Kapal ha? Well, gwapo nga siya. Pero it does not the reason why I'm looking at him! And correction, di ko siya tinititigan, tinitingnan ko lang siya, okay? -_-

"Amp. Fil-Am ka! Bleh." binelatan ko siya. XP

"Ha! Ganun na ba ako ka-gwapo para magmukhang amerikano sa paningin mo?" Naka-ngise pa siya. Grrr.. I can't take this na talaga! Pasalamat ka, gwapo ka talaga dahil kung hindi... hay, nevermind! ~.~

"Hindi yun ang ibig kong sabihin! When I say Fil-Am, it means FEELINGERO at AMBISYOSO ka po." nakita ko namang nawala ang pagka-ngisi niya. Wahahaha! :D Ano ka ngayon?

"Sabi ko nga eh.. Geh.. Start na tayo.." Ano nangyari dun? ABA! Pikon? Hahahaha! xD

"1...2...1.2.3. GO!" pagsisimula ni Jen at fi-nocus na ang camera samin. Yikes! Kinakabahan ako pero carry yan! Fighting! AJA. *\(^.^)/*

"Goodluck satin, Aki!"  teka, badtrip ba toh saken? O.o

"Ha? Ahh.. Oo. Goodluck din sayo, Miles.. At sa ating lahat!" nakita ko namang biglang sumigla na ulit yung mukha niya. ABA! May mood swing pala 'tong lalakeng 'toh! :""> Ang BIPOLAR ha?

"Hep! Hep! Tama na yan. Lets start na at nang makapag-mall na tayo! Wipeee!" parang batang nagtatatalon si Jen habang fino-focus na ang camera. Haha! Parang bata talaga tong babaitang toh! :")

"Hayz. Nakalimutan na nga nila eh. Pinaalala mo pa!" sabi naman ni Ruiji. Wag nilang sabihing mag-aaway pa sila? Kala ko ba start na? :'3

"Guys, come on. Start na tayo, please? Para matapos na natin kaagad 'toh." nakita ko namang biglang natahimik na si Ruiji at napayuko pa na parang nahihiya. Aguguguy! Parang may malansa dito ha? Ma-interview nga mamaya! Hahaha! xD

Nag-sign na naman si Jen means magi-start na.. Okay, get ready! ;)

["Best Friend" Acoustic version by Salapao&Christ J.] Now playing --------------------->>>>>

One More Chance [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon