Chapter - 01 ( The Ninja Turtles )

56 18 9
                                    

Jarred

Tulad ng dati, naabutan ko si Ellaina sa kwarto namin na tulalang nakatanaw sa bintana. Sa tabi nito ay ang magtatatlong taong gulang naming anak na si Jarella.

“Mommy, what’s wrong with you? Hindi kana imik?” sabi ng anak namin sa kanya.

Marahil ay nagtataka na ang bata sa kondisyon ng kanyang ina. Sanay pa naman ito sa kakulitan ni Ellaina. Pero ngayo’y tila robot na ito. Kung anong sabihin ay susundin.

Kaya gagawin ko ang lahat para mabawi ang chip niya sa babaeng may hawak nito. Ayokong isipin na may kinalaman ang asawa ng Yuna na iyon sa lahat ng nangyayari. Sinabi man nina Angelo na normal na arkitekto lamang ang Paolo Villanueva na iyon ay hindi ako maaaring pakampante. Malay ba namin sa buhay nito? Paano kung isa rin ito sa mga kalaban? Paano kung alam din nito ang tungkol sa chip ni Ellaina?

“Jarella...” tawag ko sa anak saka ito kinalong.

“Daddy, what’s wrong with mommy? Para na siyang doll ko...” anito habang nakalabi.

Hinaplos ko ang buhok ng bata saka tiningnan ang asawa. “May sakit ang mommy, baby. Kapag magaling na siya’y pwede na ulit kayong maglaro.”

“Yes!” tuwang reaksyon ni Jarella. “Maglalaro ulit kami ng palaso. Kapag natuto ako ay matatalo ko na rin si Kuya Ace!”

Natatawa akong tumango sa paslit. Si Ace kasi ang talagang hinahasa ni Ellaina sa paggamit ng palaso para sa future nito. Kaya lang ay hindi maiwasang gumaya ni Jarella. Just like her parents, she loves bow and arrow.

Mayamaya ay masuyo kong pinakiusapan si Jarella na matulog na sa kanyang silid. Hindi kasi ito pwedeng manduhan dahil malakas ang tantrums nito. Kailangang daanin sa pakiusapan. Kaya laking pasalamat ko nang sumunod agad ang bata sa akin.

Pagkaalis ni Jarella ay saka ko inakay si Ellaina patungo sa higaan. Wala pa rin itong anumang emosyon nang sumunod sa akin. Maliban sa pagkain, pagbabanyo at pagtulog ay wala na itong ibang kayang gawin. Nakakapagsalita naman daw ito pero hindi ko pa naririnig at hindi rin siya nakakakilala.

“Ellaina, may gusto ka bang sabihin sa akin?” masuyo kong tanong sa asawa habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok. Umaasa akong maririnig ang pagsasalita niya.

Umiling lang ito. Nami-miss ko ang ingay nito sa paligid.

“Huwag kang mag-alala, babalik ka rin sa dati. Hindi ako papayag na manatili kang ganyan...”

I kissed her temple saka ito niyakap nang mahigpit.

KINABUKASAN, tulog pa ang aking mag-ina ay tinungo ko na ang rooftop para sa meeting namin nina Azzerdon. Naroon na ito pagdating ko kasama sina Chad, Raiko, Joven at Angelo. Hindi ko inaasahan ang kapatid kaya taka akong nagtanong sa mga kasama.

“Bakit nandito siya?”

Hindi naman sa ayaw kong naroon si Joven. Ayoko lang siyang ma-involve sa gulo dahil katatapos lang ng problema nito sa Isla Castillo. He needs a break.

“Malaki ang maitutulong niyang half-half mong kapatid sa atin,” ani Azzer.

“Malawak ang business niya at pagnagkataon ay kakailanganin natin ang impluwensya ni Joven para makaharap si Paolo Villanueva,” sabi naman ni Angelo.

Tumango-tango ako. “Naimbestigahan n’yo na ba ang taong iyon nang mabuti? Hindi ako naniniwalang ganoong kalinis ang negosyo niya,” saad ko.

“Sa ngayon ay wala kaming nakikitang negatibo sa mga negosyo ni Villanueva. Pero...”

“Pero ano?” sikmat ko kay Chad.

Si Joven ang nagpatuloy. “Ang mga pamangkin niya, Tristan Villanueva at Harry Villanueva. Minsang nagkaroon ng involvement si Tristan sa isang malaking sindikato sa Amerika. Pero matagal na iyong natapos at batay sa nakalap ko’y wala siyang alam na mga sindikato ang ka-transact niya.”

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon