Yuna
Ilang araw ang lumipas pagkatapos niyon. Nakalimutan ko na ang nangyari at nagpapalit na rin ako ng salamin. Payapa ang aming bahay maliban sa ingay ng mga bata.
Pagsapit ng gabi ay patang-pata ang katawan ko dahil sa pag-aasikaso sa mga anak. Nagkataon kasi na bumisita sina Patpat at Xyren kaya ang dami kong inalagaan, huwag nang isama si Dale na laging naiiwan sa akin kapag may out of town work ang mga magulang nito.
Nakapagtataka lang na kahit pagod ay may lakas pa rin akong makipagharutan kay Paolo sa kama. Sumisigla pa rin ang katawan ko kapag nilalandi nito at nakakaya ko pa ring gumiling.
“P-paolo...” anas ko habang nasa ibabaw niya at magkahinang ang aming katawan. Tiyak na tanghali na naman akong magigising nito kinabukasan.
Hayss... Ang gwapo naman kasi ni Paolo. Ang bango-bango pa tapos magaling pa sa kama kaya paano ako tatanggi tuwing papatong ito?
Wala na yata akong makikitang lalaki na kasing galing at kasing husay nito sa lahat ng bagay. Kung meron man, tiyak na hindi niya kasing pogi.
Sa sobrang dami ng iniisip ay hindi ko namalayan na umuungol na pala ako nang sobrang lakas habang inaangkin ng asawa. Ungol na may panaka-nakang sigaw. Ramdam ko kasi ang kahabaan niya sa loob ko at kung hindi pa niya tinakpan ang bibig ko ay hindi ako titigil.
“Sweetheart, para kang megaphone sa ingay!” ani Paolo nang matapos kami. Hinugot niya ang pagkalalaki sa loob ko at humihingal na hinaplos ang aking buhok.
Ako man ay ganoon din at pikit ang mata habang nasa ibabaw pa rin ng katawan niya. Dala ng sobrang pagod ay nakatulog ako sa bisig ni Paolo.
Paolo
Mahimbing na ang tulog ni Yuna nang maingat ko siyang ihiga sa aking tabi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ito sa ibabaw ko pagkatapos ng aming pagtatalik. Hihilahin ko na sana ang kumot upang itakip sa aming hubad na katawan nang bigla akong mapalingon sa saradong pinto ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang mapansing tila may pumipihit niyon.
Dahil nasa sariling bahay ay hindi ako nakadama ng anumang hinala o kaba man lang. Kinumutan ko ang asawa pagkuwa’y nagsuot ng roba bago lumapit sa pinto at binuksan iyon. Nagulat ako nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng itim na hood. Tinutukan niya ako ng malaking pana or whatever it is.
“Huwag kang kikilos nang masama kung ayaw mong masaktan!” sabi ng malagom nitong boses.
“Anong kailangan mo at paano kang nakapasok?” mariin kong tanong. Mukhang tutulog-tulog sa ibaba ang mga tauhan ko.
“May hinahanap kami at hindi ikaw ang nais naming makausap...siya!” turo nito sa natutulog kong asawa.
Dahil sa narinig ay nagpantig ang aking tainga. Paano ako nakatitiyak sa kaligtasan ni Yuna kung hahayaan ko sila nang ganoon na lang? Over my dead body!
Nang tinangka nitong pumasok ay bigla kong isinara nang malakas ang pintuan. Pagkatapos niyon ay kinuha ko ang baril sa aking drawer.
“P-paolo, anong nangyayari?” pupungas-pungas na tanong ni Yuna na nagising sa kumosyon.
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay kinuha ang telepono at tinawagan sina Samson sa ibaba. Nang maalala ang mga anak sa kabilang kwarto ay lakas loob akong lumabas. Nagulat ako nang mabatid na hindi pala nag-iisa ang lalaki. Pare-pareho sila ng suot. Mukhang tama ang kwento ni Yuna sa akin noong isang araw.
Pinaputukan ko ang mga ito ng baril ngunit mabilis silang nakailag. Hinabol ko ang mga ito ng bala subalit agad silang nakatalon sa bintana ng veranda.
“Paolo!” umiiyak na tawag ni Yuna. Yakap na nito ang dalawa naming anak. Agad ko silang nilapitan.
“Sir!” Saka lang dumating sina Samson.

BINABASA MO ANG
The Encounter
ActionNagulo ang mundo ng buong Mondejar University nang mawala ang chip device na tanging magpapagana ng utak ni Ellaina. Kaya gagawin ni Jarred ang lahat upang mahanap ito. Sukdulang dukutin niya ang taong nakapulot niyon na walang iba kun'di si Yuna. S...