Prologue

113 25 21
                                    

Jarred

“Anong nangyari kay Ellaina?!” pasigaw kong tanong kina Angelo at Chad bago nagmamadaling tinungo ang rooftop kung saan naroon ang asawa.

Pagkarating doon ay gayon na lamang ang pagkagimbal ko nang makita ang tulalang kabiyak. Nilapitan ko ito at niyakap nang mahigpit bago tsi-neck ang buong katawan. Wala itong kahit na anong galos ngunit halatang may nagbago sa aking reyna.

“Ellaina, My Queen...”

Parang walang narinig ang aking asawa. Nakatitig ito sa kawalan na tila robot. Binitiwan ko siya pagkuwa’y matalim na binalingan ang mga kasama.

“Naabutan namin siya sa laboratory na nakatali at walang malay. Nang i-check ko ang katawan niya ay nalaman kong may kumuha ng chip sa kanya...” paliwanag ni Angelo.

Naikuyom ko ang kamao sa narinig. “Napasok tayo ng kalaban nang hindi ninyo nalalaman?” asik ko sa mga ito.

“Wala kaming nakitang kahina-hinala. Isa pa, akala namin ay kasama ninyo si Ellaina sa La Vista. Nagulat nga kami pagkakita sa kanya roon,” ani Chad.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Biglaan ang pagtungo namin ni Azzer doon noong isang araw dahil sa hiling ni Tatay Agustin. Hindi ko inaasahang ganito ang daratnan ko.

Sino ang bagong kalaban? Parang sasakit ang ulo ko sa isa na namang problemang dumating sa amin. Akala ko’y maayos na ang lahat. Ligtas ang chip ni Ellaina. Maari itong alisin at ibalik sa katawan niya nang walang problema. Bakit ngayon ay ganito na naman? Nakakapagod na minsan ngunit hindi ako maaaring sumuko dahil sa babaeng pinakamamahal.

“Ellaina...” anas ko habang nakatitig sa asawang tulala. Pagkuwa’y bumaling ako kay Angelo. “Ano na ang mangyayari sa asawa ko ngayon?” tanong ko rito.

“Kailangan nating mabawi ang chip upang hindi magamit ng kalaban. At para na rin mabalik si Ellaina sa dati.”

“Paano natin gagawin iyon? Ni hindi natin kilala ang kalaban...”

“May tracking device na ikino-nect doon si Raiko kaya malalaman natin ang kinaroroonan nila.”

Nakadama ako ng pag-asa sa narinig. Kung sino man ang gumawa nito kay Ellaina ay mananagot sa aking mga kamay. Kung kinakailangang ubusin ko sila ay gagawin ko matamihik lamang ang aking pamilya.

“Gawin mo na ngayon din! Hindi pwedeng ganito si Ellaina!” sabi ko kay Angelo.

“Hinihintay ko lang si Azzerdon—”

“Wala pa ba siya? Nauna pa siyang nakauwi kahapon kaya paanong wala pa ang taong iyon?” galit kong reaksyon sabay kuha ng telepono sa bulsa at tinawagan ang bayaw.




Azzerdon

Tuwang-tuwa ako habang nilalaro ang pangalawa naming anak ni Danica sa crib. Mag-iisang taon pa lamang si Dreau pero feeling ko’y malapit na itong magbinata sa sobrang matured ng awra. Mukhang napaglihian ng asawa ko ang mga kuya niya noon kaya ganito ang second baby namin. Kung tumingin ay parang si Jarred at ang kamao namang nakakuyom lagi ay parang kay Joven. Mabuti na lang at kamukha ni Tatay Agustin si Dreau. Natalo ang dugo ng mga Evañez.

“Azzer, inaantok na yata si Baby Dreau...” boses ni Danica na kalalabas lamang mula sa banyo. Humahalimuyak ang bango nito at parang gusto na agad sundan ang anak namin kahit bawal pa raw ayon sa epal na midwife na nagpaanak dito noon.

“Ang laki-laki pa ng mata, paanong antok?”

“Kanina pa iyan gutom. Pagkadede niyan ay tiyak na makakatulog.”

“Sayang, naglalaro pa naman kami...” Kinuha niya si Baby Dreau sa crib.

“Si Ace ang laruin mo. Nasa baba lang iyon.”

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon