Chapter 1

20 1 0
                                    


Nasa terrace ako ng tinutuluyan kong hotel unit, nagmumuni, Ewan ko ba wala akong ganang lumabas at sabayan silang mag lunch sa labas ilang beses na akong kinatok ng  kapatid ko para sabihin na sa labas na kaming lahat kumain, chinat din ako ni Brian at ng iba ko pang kaibigan pero tumanggi akong sumama.

Nakaramdam ako ng gutom Kaya tumawag ako sa hotel service para magpadeliver ng pagkain.

Habang busy ako sa pag aayos ng sarili dahil naisipan Kung lumabas pagkatapos kumain ay biglang nagdoorbell for sure yung pagkain na Yun,

"Good morning Ma'am here's your food, enjoy!" Masiglang saad ng babae at iniabot saakin ang pagkain.

"Thank you" I only replied, ngumiti naman Ito bago lumisan, Kaya isinirado ko na ang pinto.

Sa selpon na ako nagbayad through gcash since kaunti Lang ang dala Kong cash.

When I'm done eating my breakfast, inayos ko muna Yung pinagkainan ko bago lumabas ng hotel.

I was waiting for the elevator door to open, mas naunang bumukas Yung kabilang elevator Kaya nagmamadali akong sumakay dun. Nag maka sakay ako ay napatingin ako sa isang elevator which is yung hinintay kung bumukas kanina when I suddenly saw  Jerald, Lewis' younger brother.

Our eyes suddenly meet, his eyes become wider like his totally in shock seeing me here and a sweet smile  appears on his lips,

Wait.....

So there's a big possibility that Lewis is also here. damn

Bago paman nakapag wave si Jerald sa akin ay sumirado na ang pinto ng elevator, pero nasa shocking states parin ako at nagsimula ng mag overthink.

I forgot to stalk him Kaya naman d ako nakakita ng update, well minsan Lang naman ako makakita Kung anong ganap sa buhay nya dahil Hindi naman sya masyadong nag oonline, maybe twice a week minsan once Lang.

Mag f-four years na tong feelings ko sakanya, I don't know everytime na sinasabi ko sa sarili ko na move on, na maybe Hindi talaga sya yung para sakin, naiisip ko yan pag nakakakita ako ng kahit katiting na pruweba like nag sstory sya ng babae sa Facebook nya o d kaya pag nakikita ko syang sobrang close sa kausap nya in person. Like? Did he even know that I exist? Or maybe I'm just fooling my self.

Kasi minsan nagtatama ang tingin namin or maybe just my imagination, Kasi Malay ko ba Kung saakin ba sya nakatingin or sa mga kasama ko which is yung mga kaibigan ko na palagi Kung kasama everytime na lalabas ako, I'm an introvert person maski nga ata sa pagbili ng makakain gusto ko parin magpasama. I don't know but I just really don't know how to talk straight sa mga tao lalo na sa mga hindi ko kakilala, may time pa nga na nabubulol ako dahil sa kaba like dude, nakakahiya.

So back to the topic na nga, everytime na nakikita ko sya specially sa simbahan, my eyes was always on him, secretly watching him, ang paborito ko talagang tinitignan sakanya is yung mukha nya. Hindi nakakasawa.

I tried to look on another guy, nagkaroon ako ng isang crush but it's doesn't mean hindi ko na gusto si Lewis, iba Kasi Yung feelings ko Kay Lewis kaysa sa iba, basta I can't explain.

Yung guy is 1 year older than me, tapos sa chat Lang Kami nag uusap I'm 20 yrs old that day, tapos isang araw Palang sobrang haba na nag pag uusap namin nung guy tapos kinabukasan nagchat Siya then I don't know parang nawalan agad ako ng interest lalo na nung na stalk ko sya turned out that he likes another girl Kaya tinigilan ko nang makipag chitchat sakanya. Which is Hindi naman ako nahirapan. Parang pampalipas nga oras Lang ganun.

Bumukas na ang elevator at nakarating na ako sa lobby ng hotel Kaya agad akong bumaba, dahil sa sobrang lawak ng hotel ay medjo mahaba haba pa ang lalakarin ko palabas,

Unforgettable FeelingsWhere stories live. Discover now