Chapter 9: Katarina and Luc's Past

14.5K 277 2
                                    

Chapter 9: The Past

-Flashback-

Tahimik akong nagbabasa ng libro. Nasa palace kami ni Juliet, Princess of Geneva. Kailangan ko daw kasing mag-attend nung boring na birthday party nung spoiled brat na yun. Ako lang mag-isa, since ako lang ang babae at vampire sa pamilya namin.

"Hey, Katarina. Kanina ka pa basa ng basa diyan. Tara! May ipapakilala ako sa yo." Napatingin ako sa kanya. May kasama siyang lalaki. Si Luc. Syempre, dahil di ako sanay na makakita ng lalaking vampire, di nagkacrush ako agad sa kanya. Nalaman kong magkababata pala sila. Halata namang gustong-gusto ni Luc si Juliet. Lagi kasi siyang sumasama dito. Laging ginagawa lahat ng gusto ni Juliet.

Si Juliet naman, may pinagpapantasyahang iba, si Maxwell. Ang outrageous, pero cool at mabait na kababata niya. Unang pagkikita pa lang namin, click na agad kami nung kumag na yun. Oh yeah. Ang gulo no? Si Luc may gusto kay Juliet, na may gusto kay Maxwell, na may gusto sa kin, na may gusto kay Luc. Wow lang.

Nasira yang chain na yan nung diniretso ako ni Maxwell. Ayun, sinabi ko sa kanyang hindi ko siya kayang ituring na kasintahan. Na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ituring sa kanya. So lumipat siya kay Juliet. Si Luc naman, galit sa nangyari. Kaya ako ang ginamit niya. Para pagselosin si Juliet. At inggitin si Maxwell. Ako namang tatanga-tanga, pumayag na maging kasintahan niya.

Dun na nagsimula ang affair namin. Siya nakakuha ng first ko. Dun din nabuo si Giancarlo.

Ang saya-saya ko nun. Akala ko happy ending kami. Yun nga lang, biglang nakipaghiwalay si Maxwell kay Juliet. Ako lang pala talaga ang mahal niya. Okay na daw sa kanya na hintayin ako. Sinabi niya na di talaga ako mahal ni Luc. Na ginagamit lang niya ko para pagselosin si Juliet.

Napansin ko din si Juliet na nakikipagflirt na kay Luc. Si Luc naman, walang ginagawa para pigilan si Juliet. Eh dahil buntis na ko nang di ko alam, halos combustible na ang emotions ko. Tinanong ko kay Luc kung totoo yon. Na ginagamit lang niya ko. Yakap lang ang sinagot niya sa kin. "Mamaya, sa may garden. Sasabihin ko sa yo lahat. Pumunta ka, ah?" Yun lang ang sinabi niya. Di tense na tense daw ako.

Nagsuka ako after, na pinagtaka ni Juliet. Then the maid asked me kung alam ko ba daw na buntis ako. I was so shocked. Buntis ako. "Luc will be pleased." I smiled to myself, habang hinahaplos ang tiyan ko. Excited na ko mamaya.

Yun nga lang kapunta ko dun, nakita kong yakap ni Juliet si Luc. She was crying. "Di ba ako lang ang mahal mo? Ginamit mo lang ang babaeng yun para pagselosin ako, di ba? Luc... Mahal kita. Mahal na mahal na kita..." Hinaplos lang ni Luc ang mukha niya. "Yeah... I love you, too... Tahan na."

Then she kissed him. Damn. I felt tears flow down my eyes. Then I ran. Ran away from the pain. Ran away from the man who broke my heart into pieces.

-end of flashback-

The Vampire Baby Surprise [Edited] + Bonus MaterialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon