Chapter 2

3 1 0
                                    

CYRENE's P. O. V.

"Sayang naman wala si Jean," malungkot na sabi ni Phanie.

"Ay true! Nakakagutom ang lamig ng panahon," saad naman ni Trisha.

Tinawanan ko sila. "Sus! Namimiss niyo lang luto niya. Mahirap pala talaga kapag wala yung cookerist natin," umiling pa ako na kunwari ay malungkot.

"Plastic!" umakto pang sumusuka si Phanie.

"Baklang to!" pabiro ko namang sabi.

Sunday kasi ngayon. Ang ganda pa ng usapan namin kagabi na makikisamba kami ngayon but guess what? Parehong late na nang magising kaming tatlo. Phanie, Trisha at ako lang ang nandito ngayon sa apartment. Kahapon pa umalis si Jean, pinuntahan niya yata yung kapatid niya.

"Mcdo na lang us guys? Libre ni Trisha," tumatawang sabi ni Phanie.

"Gaga! Bakit ako? Kung pwede namang si Cyrene na lang ang manlibre," sagot naman ni Trish at sa akin bumaling.

"Ay kahit huwag na tayong kumain. Willing to wait ako kay Jean. Bahala kayong magutom," tumatawa kong sabi.

"Ish kuripot naman!" reklamo nilang dalawa.

"Hala, wala si Jean dito. Kayo ha, pinaparinggan niyo yung wala," humalakhak kaming tatlo sa sinabi ko. Napaisip ako, si Phyl kaya? "Si icecream, try natin tawagan," I suggested.

"Oo nga naman," Phanie agreed. "Ay guys, she sent me a text. Guys wag na kayo labas, lapit na me, may dala me fuds.. si jean kasama ko pala. Si Eman kaya, hindi naman siguro siya busy ngayong Sunday, ano?"

So si Trish na ang tumawag kay Eman. Thanks God at hindi siya busy. Ngayon lang ulit kami magkakasama. Conflict kasi mga scheds namin, ang may pinakamalalang sched ay si Jean. Deserve niya 'yon, ginusto niya mag-nursing student.

Nag-ayos lang kaming tatlo for awhile. After 15mins ay nandito na yung tatlo. We did friendship hand gesture. Si Trish ang nag-set up nung TV. Tinulungan ko namin si Jean sa pag-slice ng cucumber, tomato and paghimay ng lettuce. Nagkanyakanya na muna kami ng galaw. After 15mins, maayos na ang lahat.

Samgyupsal sa bahay ang set-up namin. Dalawang Novelino wine, isang mojito gsm blue, and isang Jack Daniel's whiskey ang alak na meron kami. May softdrinks din actually and isang fundador.

"Huy ambaduy naman ng napili niyong movie," reklamo ni Jean. "I paid 5h sa netflix account ko ha so don't me," umiiling niyang sabi.

"Ay kaloka, Jean!" Phanie defended herself. "Babaitang 'to! Classic movie 'yan, ano!"

I love Lizzy kasi yung napili ni Phanie na movie. Itong si Jean naman, kaagad na nagreact.

"Actually nakakaiyak daw 'yang movie na 'yan. I just overheard somewhere," sabi ko.

"I think iyan 'yung movie nung lalaking priest something gano'n," sabi naman ni Trisha.

"Shut up! Whatever!" Tinarayan na tuloy kami ni Phanie.

"Kapag 'yan baduy, papalitan ko," Jean trying to point out her kagustuhan. Tinawanan nalang namin siya.

Nagsimula na 'yung movie. Maingay pa rin kami. Nagrereklamo na nga si Phanie dahil ini-spoil ko pinapanood nila.

"Cyrene, tama ka na muna. I-close na lang ang mouth, okay?" reklamo ni Phanie.

Tahimik kaming kumakain at nanonood for almost 20mins. Not until nasa part na ng nakakaiyak na scene yung movie. May isang sumisinghot-singhot na. Tahimik na lang akong tumawa. Nagkataon pang may bed scene kaya maingay na naman kami. Si Eman, kawawa naman. Laugh trip na nga kami, napagtritripan pa si Eman. Mabuti na lang talaga at kaibigan namin siya.

"Baka mamaya gusto mo na kaming i-friendship over, ha! Tapos mayamaya may makita kaming sp mo sa fb na, 'I cut-off you because achuchu' ganon," tumatawang sabi ni Icecream. Icecream ang tawag namin kay Phyl kasi yung buong pangalan niya ay Phyl Magno. From her second name na Magno, sounds like Magnum.

"Ay nagsalita pa nga 'yung inaraw-araw 'yung gulo," biro ko sakaniya.

"Hoy Magnum magbago ka na!" biro rin ni Eman.

"Actually, may gusto akong ichika sainyo," sabi niya sa'min.

"Ayan na! Dan dan dan dan!" sabay na sabi namin sakaniya.

"A week ago, I met a guy---"

Jean interupted, "Gaga!" bulyaw niya. "Anong a week ago ka dyan e halos araw-araw iba-iba lalake mo. Sus, huwag kami," tumawa kami sa sinabi niya.

"Shut up, Jean! So ito nga, diba I met a guy, he's also from Engineering department. Then, he asked me out, ako naman, nag-agree kaagad. Mamahalin 'yung gamit niyang kotse. And nung nandun na kami sa pupuntahan namin, nashookt ako as in. Alam niyo kung bakit?"

Nagtinginan muna kami. "Hindi, nandon ba kami non?" pabirong sabi ni Trisha.

"Mamahalin yung kotse niya pero sa motel na cheap niya ako dinala. OMG talaga! Ang kapal pa ng mukha, gusto niya pala ako makaseggs like hello? Ano tingin niya sa'kin easy girl? Ew kadiri and sa motel na cheap pa talaga," naiirita siya sa sarili niyang kwenta.

"Gaga! Baka pinagbigyan mo, kadiri," Jean rolls her eyes.

"Hoy, hindi! Malandi ako pero hindi ako basta-basta nakikipagseggs, ano! Saka hoy Jean, mabaho utak mo," tumatawa niyang sabi.

"What happened next?" tanong ni Eman.

"Wala naman, nag-grab ako umalis. Kadiri 'yon! Nakakaturn off. Dalhin ba naman ako sa cheap na motel and kahit sa hotel pa niya ako dalhin, hindi ako papayag," she defended herself.

"Sabihin mo sakaniya ako na lang i-motel niya," sabi ni Phanie. Binato namin siya ng unan. "Joke lang, 'di kayo mabiro," nag-peace sign pa siya sa'min.

"May vacation ba kayo this summer?" I asked them.

"Yep, after final examination siguro," sagot ni Phanie.

"Meron din sa'min. Hindi ko lang alam if kailan, basta ang sabi is kailangan lang namin matapos yung duty namin," sagot naman ni Jean.

"Whatever your plan is, I'm in," chill na sagot ni Icecream.

"Count me in as well," sagot ni Trish.

"Akala mo naman talaga papayagan," pangontra ni Jean.

"Yep, I'm super stress kaya need ko mag-unwind," sabi ni Trish.

"I'll update you guys," sabi naman ni Eman.

"Sina Daddy kasi, magma-Macau sila so ako lang ang maiiwan dito sa Cagayan. Mag-Sta Ana sana tayo or Gattaran. Sagot ko na since maiiwan naman si Tito Mac, yung driver nina kuya. Pero syempre if gusto niyo lang naman, or pwedeg staycation na lang muna kayo sa'min," sabi ko sakanila.

"Sta Ana nalang, maganda ro'n," sabi ni Phanie and the rest agreed.

After nung I love Lizzy, ang sumunod naming pinanood ay Where the crowdad's sing. Actually, maganda ang plot twist niya. Ayaw ko mang-spoil. Must watch! Panoorin niyo na lang.

6:50pm na nang matapos kami. Tulog na nga yung tatlo. Paano ba naman, itinabi ko na nga yung fundador, binuksan pa nila. Isang shot lang daw not until naubos na. Knock out tuloy sina Phanie, Jean and Icecream.

Sa kwarto nagpahinga si Trisha. Kanina pa kasi tumatawag yung Mom niya kaya nauna siyang nagpahinga. Unti-unti rin akong nakaramdam ng antok. Pinanood kong nag-aayos at naglilinis si Eman, not until, tuluyan ng bumagsak ang mata ko.

---

Don't forget to leave your votes and comment po. Follow me also. Thank you!

Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon