Chapter 6

0 0 0
                                    

Friday.

A long weekend is soon to approach. Karamihan sa amin, as usual ay nagcracram na matapos lahat ng pending na activity. After the incident happened nung wednesday ay hindi ko na pinansin si Russel. May mga text siya pero hindi ko binasa. Binubura ko 'yon kaagad. Nagmamadali rin akong umuwi kahapon para lang hindi ko siya makita anywhere.

Hindi ako galit sa kaniya. Naiinis ako. Naiinis ako to the point na gusto ko siyang sapakin. Eh, ang sama niya kaya. Siya 'yung makapal ang mukha na nagsend ng location e hindi lang din naman siya sisipot.

Sino siya para pag antayin ako ng almost 30 minutes?!

No room for any explanation!

And ayaw kong makinig sa gusto niyang irason!

Hindi ako galit, naiinis lang!

Naiinis to the nth power!

"Guys, ha, I'll expect your outputs tomorrow! If hindi kaya bukas, magkaklase tayo ng Sunday," sabi ni Sir Mower. "Kung may reklamo kayo, puntahan niyo na lang ako sa office. Good bye!"

"Eh?" lamang ang naging reaksyon namin nang makalabas ng silid si sir.

'Yung output na tinutukoy niya ay 'yung by twos na gagawin namin sa CE LAW. Akala ko next month pa ang pasahan nun kaya hindi ko inaasikaso. Hindi ko pa actually binubuklat 'yung file na sinend niya.

"Cy, may kasama ka na?" Nate asked me.

"Wala pa, ikaw?" sagot ko at tinanong din siya.

"Wala din," sagot niya naman.

Since classmate ko naman siya, "sige, tayo na lang magkasama."

"Nabasa mo na ba 'yung file?" he asked again.

"Hindi pa."

"Good, same!"

"Simulan na ba natin?"

"Yep, huwag lang sa library."

"Ha? E, doon nga lang payapa."

"Basta!"

"May iniiwasan ka?"

"Naninigurado lang. I'm sure crowded ngayon ang lib since 'di ba nga hindi lang naman tayo ang nagkra-cram ngayon."

"Reason," he chuckled.

May iniiwasan talaga ako.

Kanina pa nga nagvavibrate itong phone ko. Halos puro gift alarm from Russel. Jean even sent me a mesage. Makulit ang lahi nilang dalawa kaya 'yung phone ko na lang ang nag-adjust. Shinut down ko na lang.

"Gusto mo sa may likod ng building ng CAHS?"

I leered.

"Bakit?" he asked, confused.

"Gagamit tayo ng laptop tapos walang table do'n?" I reasoned out.

"Eh, ayaw mo naman kasi sa lib," said by him.

"Ish! Sa apartment mo or anywhere basta may table."

"Puro kami lalaki don."

"And so? Bakit? Re-rape-in niyo ba ako?"

Natigilan siya, "you are nuts!"

"Ish! Seryoso nga, Nate. Parang hindi mo naman ako kilala. Hello, since grade 11 yata tayo naging magclassmate?" pabalang kong sabi.

"Kunin ko lang 'yung motor. Antayin mo na lang ako sa back gate," sabi niya.

Pagkarating namin sa apartment niya ay literal na hindi lang widened ang inilaki ng mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon