Maingay ang paligid, dahilan kung bakit nagising si Cyrene. Umagang-umaga badtrip na naman sya. Ayoko na talaga! Gusto ko na umuwi sa probinsya! Nayayamot nyang sabi sa sarili. Nagising tuloy sya ng wala sa oras.
Deserve mo 'yan! Drunk girl kasi!
Cyrene Ortega Forteza, 20 years old, 2nd year BS Civil Engineering student.
Kasama nya sa apartment ang lima niyang kaibigan mula pa pagkabata. Truth be told, kahit magkakaiba sila ng program na kinuha ngayong college ay masaya at matibay pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Troy "Phanie" Mendez Castro, 21 years old, BS Fashion designing. Perfect na kasama. Maingay, maganda, magasto, at independent. The only thorn in the group, I mean, the most beautiful gay raw.
Jean Sagun Adriano, 20 years old, BS albularyo, I mean BS in Nursing. Matangkad, morena, malandi slight lang, at malaki ang pakinabang sa grupo, hindi madamot.
Trisha Acar Martinez, 21 years old, Bachelor of Laws (LL. B.). Mahirap biruin, seryoso sa buhay pero masaya kasama, tahimik, bookworm, mahirap kausap, maraming alam, malalim magsalita, malalim ang hugot sa buhay, ayaw magpatalo, siya palagi ang tama, talo naman pagdating sa inuman, and lastly, mahigpit man ang parents, nakakapagBDO naman.
Phyl Magno Ellecion, 20 years old, BS Mechanical Engineering. Joker, palibhasa laging iniiwan, malakas mantrip, may sariling mundo, madaldal, palaging may kaaway, paano ba naman kasi, ineentertain yung mga lalaking may girlfriend na nagchachat sakanya. Hays! Social media things.
Emmanuel Abad Reynolds, 20 years old, the only real guy sa grupo. Knight and shinning armor ika nga nung lima. Protective, lalo na at BS in Criminology ang program na kinuha. Independent, working student, matalino and student leader.
Ang tibay ng samahan nila sa totoo lang. Almost 15 years na rin silang magkakasama and never sila nagkaroon ng issues sa isa't-isa. Tampuhan, counted yan, matik na! There's no frienship na walang tampuhan, pero dapat inaayos din kaagad.
Mabilis kumipas ang panahon. Parang kailan lang noong magkakasama silang tumatakas kapag tanghali para lang magswimming sa ilog, ngayon naman, resort na napupuntahan nila and kagaya ng dati, hindi pa rin sila nagpapaalam. One of them ay super mahigpit ang parents since family of attorneys sila.
Isa lang ang kasabihan nila sa buhay. Iyon ay ang sulitin nila kung ano man ang kaya nilang gawin. Ang mahalaga ay yung kung ano ang hinaharap nila ngayon. As much as possible ay ayaw nilang madaliin ang takbo ng kanilang buhay. Masaya sila kung ano sila at kung anong meron sila ngayon.
One thing is for sure, despite their individual struggles in life, they still chose to be stronger each day and everyday.
"Padayon, guys!" sabay-sabay nilang sabi sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Summer Night
Novela JuvenilSometimes it seems that we live our lives between the lines of "take a risk and life must go on." Life has a way of boxing us into what we are allowed to do, what we think we can't do, and the things we are afraid to try and pursue. You can't do tha...