17

8 0 0
                                    

CHAPTER
17

Isang araw na ang nakalipas mula ng iwan ako ng pamilya ko, they left me behind. They left me like there's no coming back. They left me like I'm just a piece of trash that don't deserve to be keep.

Hapon na ngayon pero hindi pa din ako makaramdam ng gutom, ang daming tanong kung bakit nila ako nagawang iwan. May nagawa ba ako? Nagkulang na ba ako? May nasabi ba ako? Ano?

Nakakasira ng bait ang ganito.

Hindi ako pumasok sa mansyon ngayon, wala din naman maghahanap sa'kin do'n dahil marami naman ang katulong sa mansyon 'di naman mahahalata na may kulang.

Pero hindi pa man natatapos ang araw ay may kumakatok na sa pinto ng bahay, wala rin akong balak na pagbuksan ang kung sino man ang nakatok na 'yon dahil impossibleng ang mga kapatid ko 'yon dahil wala na sila. Iniwan na nila ako. At ang ibig sabihin ng iniwan ay hindi ka na babalikan. Pero wala naman sigurong masama kung mag aantay ako dahil pamilya ko sila, ang pamilya kahit iwan ka man ay babalikan at babalikan ka pa rin.

Mag hihintay ako sakanila kahit taon pa o dekada ang hintayin ko—.

Naputol ang pag iisip ko nang biglang nasira ang pinto ng bahay, bumungad sa'kin ang mukha ni Timothy na puno ng pag aalala at emosyon na ayokong pangalanan.

Dahil kahit ako mismo ay nakakaramdam ng ganon para sa sarili.

Hindi naman mahirap sirain ang pinto nang bahay dahil gawa lang ito sa plywood, nakasama rin ang ibang haligi ng bahay sa ginawa ni Timothy.

Inalis ko ang paningin sakanya dahil hindi ko alam kung anong emosyon dapat na ipakita sakanya. Alam ko kung anong itsura ang meron ako ngayon pero wala akong pakialam ang gusto ko nalang ngayon ay ang maupo sa sulok at hayaan ang sarili na malunod sa kakaisip.

“Oh, god, what happened to you?!” Naramdaman ko nalang ang hawak ni Timothy sa mukha ko. Pinipilit na iharap sakanya ang paningin ko. “Ami.”

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko ng banggitin n'ya ang pangalan ko, ramdam ko ang pag aalala at pagiingat n'ya sa'kin. Pagod akong tumingin sa mukha n'ya, malambot ang ekpresyon ng mukha n'ya pero ang emosyon nito ay nagsusumigaw ng pag aalala. 

“Wala na akong pamilya, iniwan na'ko,” para akong bata na nagsumbong sa kaibigan.

'Agad naman na yumakap sa'kin ang mga braso n'ya, pinararamdam non na hindi ako nag iisa na meron pa'kong natitirang kasama.

“I'm here, I can be your family,” humigpit ang yakap n'ya sa'kin matapos n'ya 'yon sabihin.

Hindi ko alam pero kahit papa'no ay nakuha kong kumalma sa simple n'yang salitang 'yon.

Pero alam ko ang paglalapit namin ay may mga bagay na kailangan kong intindihin dahil una na rito ang pagiging mayaman n'ya at ako hamak na katulong lamang nila.

Kahit na ganon ay gusto kong sundin ang kagustohan ko ngayon, kung kailangan kong magbingibingihan sa mga sasabihin nila patungkol sa'kin ay gagawin ko 'wag lang akong mag isa.

Kung kailangan kong maging malakas para makasama s'ya gagawin ko kahit sa ngayon hinang hina pa din ako sa pang iiwan ng pamilya ko, I'm willing to do anything just to be with him.

And I can also feel that I'm not the only who's willing to do anything. He loves me and I felt it.

He always do anything just make me feel his love for me.

“I need you, Ami. Please need me too,” mahina at sapat lamang sa pandinig ko ang sinabi n'yang 'yon.

Asahan mo na simula sa araw na'to, hindi mo na ako kailangan i-please pag kailangan mo'ko.

Kailanganin mo lang ako, Timothy. Dahil 'yan ang pagkukunan ko nang lakas.

Kailangan din kita dahil ikaw na ngayon ang sandigan ko.

Kailanganin mo lang ako dahil hanggang sa ganon ay mas kakailanganin kita.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala kami—hindi pala s'ya lang ang nakaupo at ako ay nakaupo sa mga hita n'ya. Nakayapos pa rin ang mga kamay nito sa'kin. Para akong bata na nagpapakandong sa ama. Itanggi ko man ay halata pa rin sa'kin na gusto ko din ang pakiramdam na ganito.

“Sleep, hmm.”

Parang isang susi 'yon ng mata ko dahil 'agad itong namungay, humikab din ako saka wala sa sariling ipinikit ang mga mata pero bago pa man ako mahila ng antok ay naramdaman ko ang malambot at mainit n'yang labi sa noo ko, marahan din ang pag haplos n'ya sa buhok ko kaya hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tuluyan na'kong nakatulog sa bisig n'ya.

Nagising ako nang malambot na higaan at kumot ang naramdaman kong nakayakap na sa'kin, hindi rin pamilyar ang silid sa'kin kaya nagtataka ako.

Pa'no ako napunta sa silid na'to?

Umupo ako sa kama para tumayo nang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko, pumasok mula sa pinto ang isang kasambahay may dala dala itong tray na may lamang pagkain.

Ngumiti ito sa'kin pero wala akong naging reaksyon dahil 'di ko alam kung saang lugar ako naroroon ngayon.

“Ah, ma'am, gising na po pala kayo. Kumusta po?” Walang pasabi din itong umupo sa tabi ko, nakangiti pa rin s'ya kaya ngumiti na rin ako ng bahagya sakanya.

“Hmm, maayos naman ako, nga pala nasaan ako?”

“Nasa barrio pa rin po kayo ma'am bahay nga lang po ito ni Sir Timothy. Umalis lang po s'ya saglit, kain na po kayo,” tumango ako sakanya at ibinaling ang paningin sa dala n'yang pagkain.

Kumalam naman ang sikmura ko kaya nilantakan ko na rin ang dala n'ya, may mga nakwento din s'ya tungkol kay Timothy.

Makikita mo din sa mata n'ya ang paghanga sa lalaki wala namang masama don kaya hinayaan ko lang s'ya.

“Alam mo ba na ikaw palang ang babaeng nakakaapak sa bahay ni Sir,” biglaang saad nito sa'kin kaya napalingon ako sakanya.

Mas matanda sa'kin si Mila, nagpakilala s'ya sa'kin matapos n'yang ikwento sa'kin ang buhay pag ibig n'ya. Napailing nalang ako dahil don, may isang anak na rin s'ya sa kinakasama at napunta lang pala s'ya dito pag may tawag mula kay Timothy.

S'ya pala ang pinagkatiwalaan ng lalaki na mamahala sa bahay na ito sa tuwing wala s'ya, ito rin ang naglilinis sa bahay at nagpapanatili sa malinis nito.

“Kahit pamilya ni Sir Timothy ay walang alam na may bahay s'ya na ganito—”

Naputol ang sasabihin n'ya ng makarinig kami ng dalawang magkakasunod na katok mula sa pinto.

“Andito ka na pala, sige uwi na'ko,” nilakihan n'ya ang bukas ng pinto kaya nakita ko si Timothy na nakatayo dito may hawak itong mangilan ngilan na paper bag na 'di ko alam ang mga laman.

“Thank you,” rinig kong sabi ni Timothy, narinig ko pa ang yabag ni Mila palayo sa'min. “How's your sleep?”

“Okay naman.”

Napunta ang paningin n'ya sa tray na ngayon ay wala nang laman, ganon ba ako kagutom?

“You finished the food that I cooked for you.”

Custavino Series #1: His Tainted Obsession Where stories live. Discover now