14

17 1 0
                                    

CHAPTER
14

Wala ako sa sarili buong mag hapon dahil sa nangyari, hindi na naman maintindihan ang dapat kong maging reaksyon sa nangyari.

Umalis si Ian ng walang paalam sa'kin, si Rain naman ay hindi ko makita kaya hinayaan ko nalang. Alam kong may alam si Rain sa nangyari.

Si Kuring naman ay hindi na'ko kinibo kahit pa nagkatapat na kami, iniiwasan n'ya na din ako. Si Tess ay busy sa gawain sa mansyon kaya alam kong wala pa itong alam sa nangyari.

Naibuga ko ang malalim na hininga na kanina ko pa kinimkim, mabuti nalang at sa kusina ako tinuka ng mayordoma namin kung hindi baka kanina pa'ko nagkakalat sa labas.

Walang alam ang kasamahan nila sa bahay sa naging eksena nila Ian at Sir Timothy, lahat ng ito ay abala pag aasikaso sa mga tao na dumating sa mansyon. Mga anak ng Donya at Don ay narito.

Masyadong rin malaki ang pamilya nila kaya lahat ng katulong sa mansyon ay abala.

Dumating ang ilang pinsan pa ni Sir Timothy, anim na lalaking maskulado ang sabay sabay na dumating pero isa lamang ang kilala ko sa mga pinsan ni Sir 'yon ay si Sir Kristoffer.

May mga ibang lalaki pa ang narito pero ang anim na lalaking magkakasama ang nakaagaw ng atensyon ko, para silang may sariling mundo sa likod ng mansyon, nakikita ko sila rito mula sa kusina.

Seryoso man ang mga ekpresyon ng mukha nila pero 'di mo maipagkakaila ang mga itsura nito na hindi naglalayo sa isa't isa.

Naguusap ang ito, kung minsan naman ay nagbabatohan ng kung anong hawak nila ay 'yon ang ibabato. Nakakatuwa lang na kahit papaano ay may ganong samahan silang makita.

Natigil ang pag tingin ko sakanila ng magtama ang mata namin ni Sir Timothy, madilim ang mata nito, naka igting din ang mga panga habang nakatingin sa'kin. Binalik ko nalang ang atensyon sa ginagawa sa loob ng kusina.

“Honey, can you please stop looking those bastard? I'm starting to be jealous,” napalayo ako sakanya dahil bigla nalang itong sumulpot sa tabi ko. “Why?”

Tumingin ako sakanya ng masama. “Lumayo ka sa'kin,” saad ko.

Ngumisi ito sa'kin at mas lumapit pa lalo. “Why would I?” Umangat ang kilay nito ng makitang lumayo pa rin ako. “Sinusubukan mo ang pasensya ko.”

“Pwede ba bumalik ka na don! Abala ka,”  banas na sabi ko sakanya, hindi inintindi ang sinabi ng lalaki.

“My honey is mad, what did I do?”

“Tanongin mo sarili mo.”

“I didn't do anything, honey,” humawak ito sa'kin pero 'agad ko ding inalis 'yon.

Umirap ako sakanya, bumalik ako sa ginagawa hinayaan lang s'ya sa kung anong gusto.

“Fine! Second chance, don't do anything stupid or else you'll end up tied in my bed.”

Tinalikuran ako ng lalaki, inis ko naman na sinundan ng tingin 'yon. Second chance mo mukha mo!

Ikaw na nga nangnakaw ng halik ikaw pa ang may karapatang mainis. Balatan ko 'yang alaga mo, eh.

Don't do anything stupid, mama mo stupid.

Inis akong bumalik sa ginagawa pero bumabalik sa isip ko ang iniwang salita ng lalaki sa'kin.

“Bwesit,” gigil na bulong ko.

“Hi, Ms,” natigil ako sa ginagawa dahil may tao pala sa likod ko. “Ahm, where can I get another glass? For wine,” magalang na tanong ng lalaki sa'kin.

Ngumiti naman ako sakanya bago naglakad papasok sa pinaka kusina ng mansyon, andon lahat ng mga kagamitan. Hindi na'ko nag abala pang magsalita, sumunod naman s'ya sa'kin.

“Ito po,” binuksan ko ang isang aparador kung nasaan ang mga wine glass na hanap n'ya, tumango naman ito saka kumuha.

“Thanks. Mauna na'ko,” tumango naman ako sakanya, ngumiti pa s'ya sa'kin bago tumalikod.

Bumalik ako sa kung saan ako galing kanina dahil 'di ko pa tapos ang ginagawa.

“Nawala lang ako saglit may kangitian ka na, are you really testing my patience, honey? Hmm.”

Nagsalubong ang kilay ko ng maramdaman ko na naman ang presensya n'ya sa likod ko, 'di ako nagsalita hinayaan lang s'ya. Ramdam ko din ang mainit n'yang hininga ng lumapit s'ya sa'kin mula sa likod, tumatama ang hininga n'ya sa leeg ko.

“You're the one who pursuing me to tied you up in my bed. I want you so bad, but I don't want to force you,” saad n'ya sa paos na boses, amoy na amoy ko rin ang alak na nanggagaling sa bibig n'ya.

“Please, honey, behave. As much as I want to own you right here right now but I can't, I respect you as a woman. Forcing you mean disrespecting you also.”

Hindi ko alam pero iba ang naging epekto ng huling sinabi n'ya, he don't want to disrespect. Ano pwedeng maramdaman sa ganito? Hindi ko na kasi alam, masarap sa pakiramdam na ayaw n'ya akong mabastos, na ayaw n'ya akong pwersahin sa bagay na ayoko pa.

Should I be thankful for that? Or, that's what he really need to do, because I'm a woman? 

Nakayapos na ng mahigpit ang mga braso n'ya sa bewang ko, ipinagpasalamat ko nalang na wala masyadong tao sa parte ng kusinang 'to dahil halos lahat ay nasa labas para mag asikaso.

Kusa naman s'yang bumitaw sa'kin, pinaharap n'ya din ako sakanya para makita ang kabuuan ng mukha ko.

He smiled a bit, parang ngiti na may gustong sabihin.

“Bakit?” Tanong ko ng hindi na makayanan ang tingin n'ya.

“I want to be with you, can we go outside? In your garden, can we?” Napatingin ako sa mga mata n'yang nangungusap, gustohin ko man na uminhindi ay 'di ko nagawa dahil kusang sumama ang katawan ko sakanya.

Hawak n'ya ang kamay ko pero hindi n'ya ako hinihila, hinayaan n'ya lang akong dahan dahan na maglakad habang hawak n'ya. Iba ang pakiramdam ng puso ko na ngayon ay naramdaman ko ulit ang init ng kamay n'ya.

Mahigpit ang hawak n'ya ro'n pero 'di ako nasasaktan, sa klase ng hawak n'ya parang isang babasagin ito. Sandali n'yang binitawan ang kamay ko para hubarin ang suot suot n'ya coat, ginawa n'yang sapin 'yon kung saan kami mauupo.

Madilim na rin pala sa labas kaya kitang kita ko na ang ganda ng kalangitan na punong puno ng bituin. Inalalayan n'ya akong makaupo at nang makita n'yang maayos na ako ay s'ya naman ang sunod na naupo sa tabi ko.

Hindi na rin ako nagulat ng maramdaman kong hinawakan n'ya ulit ang kamay ko, sa simpleng ginawa n'yang ito para bang naalis na rin ang inis na namuo sa'kin.

Malinaw ko nang masasabi sa sarili ko.

I like this man beside me.

Custavino Series #1: His Tainted Obsession Where stories live. Discover now