03

4 0 0
                                    

Frus•tra•tion.
/frə’strāSHən/

noun
the feeling of being upset or annoyed, especially because of inability to change or achieve something.

Mas malinaw pa siguro sa mata ng yumao niyang lola ang nararamdaman niya ngayon. Halos pang-gigilan niya kanina ang braso ni Kaz sa inis.

Tiningnan niya ang lalaking katabi niya pa rin ngayon at si Xander na nasa harap pa rin nilang dlawa at pinapanood silang magbulungan.

"And I am asking you right now, right at this moment, in front of that cheater, to pretend na boyfriend kita," she stated, in her most mahinanon pero may gigil na tono.

"I don't want to," sambit ni Kaz.

Expected niya naman iyon pero bakit parang kumirot iyong puso niya?

"Bakit may girlfriend ka ba?" Tanong niya rito. Na sinagot naman ng huli, "None, I'm just not interested."

Asciana sighed after hearing his answer. He's not Kaz if he's interested. Sa kaunting oras ata na nakasama niya ito ay masasabi niyang kung ano siya sa online game, ganoon din siya sa personal. Period. 

"Boyfriend ko siya," baling niya muli kay Xander. May naglalrong ngiti sa labi niya at mas lumapad pa iyon when she heard Kaz hissed beside her. Kinuha niya ang kamay ni Kaz and she intertwined their hands, showing it to Xander na hindi na maipinta ang mukha.

They both watch Xander's back walking away from them. Noon niya lang din napansin na kasunod pala nnito ang pinalit nito sa kaniya na hindi man lang nagawang ipakilala sa kaniya ni Xander.

"I am not your boyfriend."

She could hear frustration from his voice. Nang tingnan niya ito ay nakatingin na ito sa mga food stalls at kunot ang noo.

Ang cute naman nito. Bulong niya sa sarili bago bumuntong-hininga, napakalalim niyon but it's a sigh of relief dahil kahit papaano ay nakabawi siya kay Xander at naasar niya si Kaz. 

"Ah!"

Hiyaw niya nang maramdamang kumirot muli ang ankle niya. Nang tingnan niya iyon ay halos magkulay ube na ito. Maghahanap na sana siya nang pwedeng uupuan pero nagulat siya ng buhatin siya ni Kaz, bridal style. Dali-dali siya nitong dinala sa stall kung saan nakapwesto ang mga medic.

May kalayuan iyon mula sa pwesto nila at may kabigatan din siya kaya seeing how Kaz handles her ay may kung ano na namang kiliti sa puso niya.

Pansin niyang kapag si Kaz ang kasama niya ay lagi na lang siyang parang kinikiliti. Rinig din niya kanina na mage user ito sa buong mundo kaya hindi niya maiwasang tanungin ang lalaki, "Mambabarang ka ba?"

Her question made Kaz halted, "What?" 

"I'm asking you if you're a mambabarang," she stated making the latter more confused. Nagpatuloy na rin ito sa paglalakad dahil malapit na sila sa stall.

"What's mambabarang?" 

"You seriously don't know what that is?" 

One of the medic team saw them kaya dali-dali itong lumapit sa kanila at inistruct si Kaz na paupuin siya sa wheel chair na dala ng kasama nito. 

Asciana was then taken sa loob ng isang tent kung nasaan ang doctor-in-charge at agad naman nitong inusisa ang paa niya. 

Kaz was beside her the whole time she's being treated. The doctor instructed the do's and don'ts and he advised her to rest properly. 

"It's a witch," sambit ni Asciana nang ihatid siya ni Kaz kung nasaan si Celeste. Bahagya pa siyang tumingala para makita ang mukha ng lalaki na nakatingin na rin pala sa kaniya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Tale of Heartbreak and Redemption (CH SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon