" If you really love him a lot. Then, Don't let being hurt by someone you love to stop loving him... "♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣
It's been three year's mula ng maka graduate ako ng high school. At ang iba kong step brother's ay umalis sa bahay para mag aral at mag trabaho sa ibang lugar.
Madami ng nagbago, umpisahan natin sa mga kapatid ko na nakasama ko sa loob ng tatlong taon.
*Kuya Masaomi, single pa din at nag level up na sya sa pagiging pedia. Nalampasan na nya ang phobia niya sa dugo at nag take pa ito ng isa pang major sa medicine, naging doktor na siya ng mga bone fractures. Kaya naman lagi na lang late itong umuwi.
*Kuya Ukyo, well sya pa din ang mother figure sa bahay. Lagi nya kaming tinutulungan ni Yusuke sa mga studies namin, at lagi na lang niyang inaalam kung sino ang mga nanliligaw sa akin. At katulad ni Kuya Masaomi late na din siyang umuwi.
*Kuya Hikaru, minsan lang syang bumisita sa bahay pero ang alam ko editor in chief na sya sa isang publication ng mga novels.
*Kuya Tsubaki, still hyperactive at makulit. Stable na ang trabaho nila ni Kuya Azusa. Nagda-dub na din sila ng ibang asian novelas.
*Kuya Azusa, kalmado pa din, at laging nyang pinapangaralan si Kuya Tsubaki.
*Kuya Natsume, katulad ni Kuya Hikaru bihira din syang pumunta sa bahay, naririnig ko lang dun sa kambal na vice president ito ng gaming company na pinagtatrabahuhan nito. At di sya pumapalya na bigyan ako ng mga latest na laro nila.
*Louis, ayun focus pa din sa parlor pero nag aral uli ito at kumuha sya ng crash course na fashion designing at sa ngayon graduating na sya, sa Tokyo University sya pumasok dahil mas maganda dun ang F.D na course
*Yusuke, ayun kumuha sya ng criminology, di ko nga maintindihan kung bakit yun kinuha nun. Pero atleast nakikita ko na nagsusumikap sya sa pag aaral.
*and lastly si Wataru, ayun Grade 7 na sya at sa Saint Paul Academy sya napasok kung saan nag aral si Iori. Binatilyo na din ito at maalam ng tumulong sa bahay.
Yung ibang wala ay wala din akong masyadong alam, hindi sila masyadong natawag pero alam ko na di lang pinapaalam sa akin nina Kuya.
At ako? Eto kumuha ako ng photography, ito talaga ang pangarap ko mula bata pa lang ako. May bestfriends din ako, well kilala nyo na sila so let me introduce them again.
*Yunan Kirisaki, sya yung second dance ko nung debut ko at anak ng may ari ng Meiji University. Ang akala nating lahat eh sa ibang bang bansa sya mag aaral pero nagulat na lang ako ng makita kong magkaklase kami sa ilang subject. Ang sabi na lang nito 'Bakit pa ako aalis ng bansa, eh may university na kami. Sayang lang ang pera' kaya eto bestfriends na kami.
*Cupid Daidouiji, ang mayabang kong pinsan. Engineering ang course ng bruho at jusmio napaka playboy. At lagi din kaming magkasama.
*and last but not the least si Ayato Sakamaki, ang hudas barabas na pinsan nina Yusuke. Di ko nga akalain na magiging magkaibigan kami eh lagi pa nya akong inaasar nun, well everythings change
Lahat ng kapatid ko single pa din, hay at sa tingin ko gusto pa din nila ako dahil ibang iba pa din ang pakikitungo nila sa akin. Alam kong di ko sila mapipigilan kaya hinahayaan ko na lang.
Napatingin na lang ako sa langit at dinama ang simoy ng hangin. Alam ko, ramdam ko na malapit na uli kaming mabuo.
"Chi!!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, natakbo palapit sa akin ang bestfriend kong si Yunan, para itong hindi anak ng may ari ng school.
"Problema mo?" Tanong ko agad ng makalapit ito sa akin.
"May laro sa court sina Subaru, tara na bili" yakag nito sa akin pero hindi naman ako umalis sa pwesto ko, kung pwede nga sana ayoko munang makita sila. "Uy Chi i-cheer mo naman ang step brother mo." Alam din niya ang tungkol sa mga kapatid ko. Si Subaru graduating na din at captain leader na sya ng basketball team ng school namin. Walang nakakaalam na magkapatid kami maliban kay Yusuke at sa mga kaibigan ko.
"Yunan alam mo namang naiwas ako sa kanila, umuwi na lang tayo" sabi ko sa kanya.
"Ang KJ mo naman, matitiis mo bang pagkaguluhan ako ng mga babae dun sa gym? Andun na din si Cupid at Ayato" natampal ko na lang ang noo ko, malakas ang convincing powers nito kaya naman di ko ito matitiis.
"Ok, tara na. Pero aalis agad tayo pagkatapos" tumango lang ito. Naglakad na kami papasok ng gym at nakita ko na punong puno ito. Umupo kami sa second floor ng gym, andun na din yung dalawa at nakain ng mga junkfoods.
"Himala andito ka, hindi ka ba natatakot na makita ka ni Subaru?" Sabi agad sa akin ni Ayato pag kaupo ko sa tabi nito.
"Imposibleng makita ako nun ang daming tao dito" nakabusangot na sagot ko at inagaw ang pagkain nito.
"Alam mo cousin dear of mine, pagmahal ka ng isang tao, kahit gaano pang kadaming tao makikita't makikita ka nya. Gaya na lang ngayon, nakatingin dito si Subaru " sabi naman ni Cupid, napatingin naman ako sa itinuro nito at sakto naman nakatingin nga sa akin si Subaru. Nagkatitigan kaming dalawa, kung hindi lang tumunog yung buzzer baka hindi pa ito nag iwas ng tingin.
"Hmm, masyadong intense ang titigan portion nyo ah, I wonder why?" Sabi ni Yunan. Inirapan ko na lang ito.
Nag umpisa na ang laro at masasabi kong magaling talaga si Subaru. Napaka liksi nitong kumilos at magaling umalalay sa mga kagrupo nito. Hindi ito makasarili sa laro at hindi din bossy.
"Inspirado ang mokong ah" sabi ni Ayato, di ko na lang pinansin ang sinabi nito.
Natapos ang laro sa score na 97-69 well ang group nina Subaru ang nanalo. Agad naman akong tumayo para makaalis na.
"Chi teka lang, baka maipit tayo mamaya na tayo" sabi ni Cupid
"Ah basta uuna na ako sa inyo, madami pa akong gagawin sa bahay" iniwan ko na ang mga ito at naglakad na pababa. Nasa may gate na ako ng gym ng biglang my bumangga sa akin kaya muntik na akong matumba buti na lang at may sumambot sa akin. "Salamat---Subaru???" Agad akong napalayo dito. Namula ang mukha nito at napahawak pa sa batok.
"Pwede bang mag usap tayo?" Tsk ito na nga ba eh
"Next time na lang ha, kakaunin ko pa kasi si Wataru at magluluto pa ako sa bahay. Sige bye" at naglakad na ako ng mabilis.
Sorry Subaru, hindi pa lang talaga ako handa sa mga ganitong bagay. Tapos biglang tumunog ang cellphone ko, text message galing kay Papa.
From: Papa
Hi there Princess, gusto lang kitang kamustahin. Pasensya na kung matagal na tayong di nagkita, pero promise one of these days magkikita uli tayo. I love you Psyche, always remember that.
Bakit ganun? Kinabahan ako bigla kay Papa, well baka namiss ko lang talaga siya.
To be continued...
♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚
AN: gaya nga ng sinabi ko, once na ma beat nyo ang request ko mag a-update ako kaya eto na ang book two ng MY BROTHER'S pero iba na ang title well nadagdagan lang.
Mas madaming twist, kilig, drama at comedy dito sa MY BROTHER'S CONFLICT…
Thanks for reading thanks…