CHAPTER ONE

1.5K 49 1
                                    

I already give up, pero binigyan uli ako ng pagkakataon para mahalin ka, at sa pagkakataong ito gagawin ko na ang lahat para piliin at mahalin mo ako...

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

Nasa bahay lang ako at nagluluto ng hapunan namin, wala pa kasi si Kuya Ukyo, malamang overtime na naman yun. Si Wataru at Louis lang ang kasama ko.

"Ate Chi tulungan na kita" sabi sa akin ni Wataru.

"Ok, makikihugas naman ng mga gulay, salamat" tumango naman ito. Nagluto na kaming dalawa.

Nang matapos kaming magluto ay kumain na kami nina Wataru at Louis. Nakakalungkot din na kakaunti na kami, samantalang dati maingay at masaya ang buong lugar.

Sa sala muna kaming tatlo nagpunta, nagkukwentuhan sa mga nangyari sa buong araw. Makalipas ang isang oras ay dumating si Kuya Masaomi, Kuya Ukyo, yung triplets, si Kuya Hikaru at Subaru. Teka bakit andito yung iba at sabay sabay pang dumating? Bumukas uli ang pinto ng bahay at dumating si Yusuke.

"Anong meron?" Tanong ko kay Louis

"Ihanda muna lang ang sarili mo Chi" sabi nito at agad akong kinabahan dahil sa seryosong mga mukha nila.

"Tsubaki at Azusa, samahan nyo muna sa kwarto nya si Wataru" utos ni Kuya Ukyo, sumunod naman yung dalawa at dinala sa kwarto ang bunso nilang kapatid.

Tumabi naman sa akin si Kuya Masaomi at hinawakan ang kamay ko. "Psyche, i know that you're a strong woman now." Bumuntong hininga muna ito bago ituloy ang sasabihin, nag uumpisa na tuloy akong kabahan. "Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin pero..." tumulo na ang luha nito at ganun din ang iba pa nitong kapatid. "Wala na si Papa at Mama" nabingi ata ako sa sinabi nito, hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko na lang ang pag agos ng luha ko.

"P-paan-nong n-nangy-yari na w-wala na s-sil-la?" Tanong ko at pilit pinapatatag ang sarili ko.

"Yung eroplanong sinasakyan nila ay nag crash sa gitna ng pacific ocean, at hanggang ngayon hindi pa alam kung nasaan ang sasakyan dahil sa sobrang lalim ng dagat" sagot ni Kuya Ukyo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak ng malakas. Niyakap na ako ni Kuya Masaomi.

"Papa, bakit mo ako iniwan" wala na akong nagawa kundi ang umiyak, hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga sandaling yon.

▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▧▨▦▨▧▨

Tatlong araw matapos kong malaman ang trahedya sa buhay ko, ay nalaman namin na walang natagpuan na buhay sa sakay ng eroplano at patuloy pa din ang paghahanap sa mga bangkay. Pero dahil sa lalim ng pinagbagsakan ng sasakyan ay nahihirapan na ang mga divers na hanapin ang mga katawan.

Hindi na muna ako pumapasok sa school at naiintindihan naman daw ito ng mga professors ko. Dumating na kahapon si Kuya Kaname, at ngayong araw naman dadating si Iori at Fuuto.

Nakaupo lang ako dito sa chapel kung saan nagsasagawa ng misa para sa kaluluwa nina Mama at Papa. Tulala lang ako at para laging may sariling mundo. Wala din ako masyadong kinakausap. Dinadalaw din naman ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila masyadong kinakausap.

"The Lord will lead them to the light of his kingdom and live for eternity" sabi nung priest.

Umagos na namant ang luha ko, wala na talaga sila Papa. Nagulat naman ako ng may magpunas ng luha ko, napatingin ako sa kanan ko.

"Ang drama mo naman, parang ikaw lang ang nawalan ha." Bumuntong hininga pa ito, "Masakit din na mawalan ng ina at pangalwang ama, pero sabi nga nila lahat ng bagay ay may dahilan. Kaya wag kang umasta na parang katapusan na ng lahat. Andito pa naman kami para sayo"

"F-fuuto" yumakap na agad ako dito at umiyak sa dibdib nito.

"Di halatang namiss mo ako ah, katulad ka pa din ng dati." At hinaplos pa nito ang ulo ko habang umiiyak. Alam kong pinapagaan lang nito ang loob ko.

Limang minuto ang lumipas bago ako lumayo kay Fuuto, tinulungan pa ako nitong ayusin ang buhok at mukha ko.

"Tara na muna sa labas, para di ka naman ma stress dito" tumango lang ako at inalalayan ako nitong maglakad. Nagpaalam na muna kami sa iba na uuna na kami sa pag uwi.

Malaki na nagbago kay Fuuto parang nagmature na ito, malaki din ang itinaas nya at lumagong ang boses na bagay dito.

Naglakad na kami pauwi sa bahay, alam kong kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Dumiretso agad kami sa sala, kumuha muna ito ng tubig at binigay sa akin.

"Salamat" sabi ko at uminom, parang ngayon lang ako nakaramdam ng pagod at gutom. "Hanggang kailan ka dito sa Japan?" Tanong ko dito.

"Depende sa gusto ko. Tapos na naman ang kontrata ko. Pati mas gusto kong dito ituloy ang career ko" napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Mag aaral ka din?"

"Oo, mag eenrol siguro ako sa Meiji" balak pa din pala nyang mag aral. Tumunog naman ang cellphone nito at sinagot agad nito.

"Babalik muna ako sa chapel, tinawag ako ni Kuya Masaomi. Dito ka lang at baka may katangahan ka pang gawin" tumalikod na ito pero humarap uli. "May pasalubong ako sayo at nasa kwarto mo na. At isa pa nga pala. Namiss kita ng sobra" tapos umalis na ito. Hindi pa rin ito nagbago pagdating sa pangaasar.

Humiga na lang ako sa sofa, inaantok talaga ako. Ipinikit ko na ang mata ko at nag umpisang matulog, pero wala pang ilang minuto ay naramdaman ko ang pag angat ko sa sofa. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at nakita ko si Iori na buhat ako.

"Iori?" Mahinang sabi ko

"Nagising ba kita? Im sorry" naglalakad pa din ito papunta sa kwarto ko. Pagpasok nito sa kwarto ko ay inihiga ako nito sa kama.

"Iori" sabi ko dito habang nakaupo ito sa tabi ko.

"Matulog ka na uli, bukas na lang tayo mag usap. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo" tumalikod na ito sa akin, pero tumayo ako at pinigilan ko ito.

"Samahan mo muna ako, kahit ngayon lang." Nagmamakaawang sabi ko, kailangan ko talaga ng makakasama ngayon.

"Its not a good idea Psyche, but I know what you're struggling right now, so I guest I will take care you for tonight" tapos lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Iori I miss you so much and Im sorry." Umiiyak na sabi ko.

"Hindi ito ang tamang panahon para pag usapan ang bagay na yan." Tapos tumabi na din sya sa akin sa higaan, niyakap nya ako at ganun din ako sa kanya.

"Thanks, and Good night Iori" sabi ko at pumikit na. This is the very hard days of my life.

To be continued...

My Brother's ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon