CHAPTER SEVEN

1K 44 0
                                    


Kung kailangan kong isakripisyo ang mga pangarap ko para lang sayo, malugod kong tatanggapin yon.

♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕

♬We we're stranger's starting at are journey
Never dreaming what we have to go through?
Now here we are, and I'm suddenly standing at the beginning with you.

No one told me, I was going to find you.
Unexpected, what you did to my heart.
When I loose hope, you we're there to remind me.

This is start...

"Damn it cut, Fuuto dapat mas maging sweet ka sa partner mo. Shit, artista ka ba talaga?! Simpleng school play hindi mo ayusin" napangiwi naman ako habang pinapakinggan ang pagmumura ng professor ng theater club. Nanunuod kasi ako sa kanila para kumuha ng mga picture para sa news paper ng campus.

"At talagang may lakas ka ng loob na sabihin sa akin ang mga yan? In the first place kayo ang humingi ng pabor sa akin at alam nyo kung gaano ako ka busy. And secondly, hindi ko agad binibigay ang best ko sa practice, magpasalamat nga kayo at pumayag pa akong sumali sa patapon nyong club. So better yet maghanap na kayo ng kapalit ko" prangkang sabi nito sa professor na halatang nagulat. Naglakad na ito pababa ng stage.

"W-wait Mr. Asahina, sorry for the foul words. Pero wag ka namang mag back out, kailangan ka talaga namin dito" pagmamakaawa ni Prof.

Tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa teacher na halatang kinakabahan. "In one condition"

"Ano yon?" Tumingin sa akin si Fuuto at ngumiti.

"I want that girl to be my leading lady." Sabay turo sa akin na ikinagimbal ng buo kong sistema.

"P-pero---" nauutal na sabi nung prof

"Kung ayaw mo edi bye bye" at tumalikod na uli ito.

"Ok, sya na ang leading lady. Martha ikaw na lang ang supporting ng bida" sabi ni prof dun sa babaeng dapat na bida, tapos lumapit ito sa akin. Ibinigay nito sa akin ang makapal na script."Ikaw na si Juliet Capulet, Miss. Bukas ang start ng practice at kasama mo si Mr. Asahina, good luck" pagkasabi nito ay bumalik na uli ito sa pwesto nito at inayos ang gamit.

Tiningnan ko ang pamagat ng kwento. Modern Romeo X Juliet, eh? Masyadong cliche.

"So Juliet, can I have you for the rest of our lives?" Agad naman akong kinilabutan ng may bumulong sa akin. Pagharap ko ay nakita ko si Fuuto.

"Ano namang kabaliwan ang pumasok sa isip mo at isinali mo ako sa play ha" sabi ko dito at inihampas pa dito ang script na hawak ko.

"Hey ang brutal mo naman Oneechan. Dapat mabait ka sa mas bata sayo"

"Tigilan mo nga ako Fuuto, kung ano man yang pumasok sa kokote mo utang na loob wag mo na akong idamay" at tinulak tulak ko pa ito. Pero hinawakan lang nito ang kamay ko at itinapat sa dibdib nito.

"Hindi mo ba naisip na baka dahilan ko lang ito para makasama ka ng matagal?" Seryosong sabi nito at natigilan ako, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito.

"Im sorry, masyado lang kasi akong busy at hindi ko alam kung paano pa ako magkaka oras para dito" mahinang sabi ko at tumungo.


"Ok pasado na sya" naputol naman ang pag dadrama namin ng umimik yung professor,

Huh? Acting lang yon? Oh boomchakala ...

____________________________________

"Chi, mauna ka ng umuwi. Dadaan pa ako sa studio" sabi akin ni Fuuto

My Brother's ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon