The battle begins between us, and im willing to win your heart, but i'll still respect your decision...
♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠
"Yow Chi, kamusta ka na?" Napatingin naman ako sa dalawang lalaking magkamukhang magkamukha, mga ka-team ko sila sa swimming kaso umalis na ang mga ito.
"Oh Kaoru, Hikaru. Long time no see ah. San ba kayo nagsusuot at ngayon lang uli tayo nagkita?"
"Well, nasa host club lang kami kasama sina Tamaki at Haruhi."
"Mukhang nagbabagong buhay na talaga kayong dalawa ah" tapos umakbay pa sa akin yung dalawa. "Oy ang bigat naman ng mga kamay nyo tsong, san nyo ba ako dadalhin? May klase pa ako."
"Dadalhin ka namin sa aming paraiso" at hinila na ako ng mga ito sa host club na sinasabi ng mga ito.
"Bakit nyo ba kasi ako dinala dito?" Sabi ko habang pinapalibutan nila akong pito. Let me introduce them:
*Tamaki- ang super isip batang founder ng host club
*Kyouya- ang strict, super visor at vice president nila.
*Honey- ang bunso sa kanila na aakalain mong elementary student kahit 20 years old na sya.
*Mori- ever reliable na kaibigan ni Honey a.k.a ama amahan ni Honey
*Kaoru&Hikaru- ang notorious twins nila na wala ng ginagawa kundi ang mang gulo
*Haruhi- well alam ko ang 'secret' nya pero diko sasabihin, secret nga diba. Ang apple of the eye ng anim na myembro ng host club.
"Chi, pinakiusapan lang naman kami ng pinsan mo na si Cupid na pasayahin ka namin" sagot ni Kyouya at inadjust pa ang salamin.
"Stress ka daw kasi nitong mga nakaraang araw." Dugtong pa ni Honey. So nag aalala talaga sa akin si Kupido huh
"Hay, salamat na lang pero may klase pa kasi ako"
"Ahm ano, inexcuse ka na ni Yunan eh. Kaya wala ka ng dahilan para umalis" sabi pa ni Kaoru.
Napabuntong hiningan na lang ako, wala na talaga akong takas.
"Ok fine, so entertain me" at ngumiti naman ang mga ito.
Thanks Cupid
♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣
"Hoy Yusuke ang tagal mo naman!!!" Sigaw ko kay Yusuke. Mag aaral kasi kami para sa isang subject na pareho kami, iisa lang ang professor namin dun at binigyan kami nito ng exam.
"Teka lang, lilinisin ko lang ang kwarto ko" narinig ko pa ang pag lilipat nito ng mesa.
Sumandal muna ako sa pader, napatingin naman ako sa pintuan ni Louis ng bumukas iyon at lumabas ito.
"Hi Chi" nakangiting bati nito sa akin. May dala itong cage at may laman iyong tuta.
"Wow ang cute naman nito Louis, sayo ba to?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi akin to" tapos iniabot niya sa akin yung cage "Para sayo ito" tinaggap ko naman yon.
"Salamat Louis" ngumiti lang at tumango ito bago bumalik sa kwarto nito.
Tiningnan ko yung tuta sa loob, isa itong wolf dog na kulay gray at gold ang mata. Teka parang siya si---
"Chi pasok kana"
"Ay aso ka!!!" Gulat na sabi ko dahil sa biglaang tawag sa akin ni Yusuke. "Wag ka namang manggulat!"
"Sorry" napakamot na lang ito sa ulo nito at pumasok na kami sa kwarto nito.
Malinis na ang lugar at puro pula ang kagamitan
"Teka, san galing ang asong yan?" Tanong nito ng umupo na kami sa sahig
"Bigay sa akin ni Louis. Ang cute nya no?"
"May pangalan na ba sya?"
"Wala pa nga eh, pero kung titingnan mo sya, para syang si---"
"Iori" pagtatapos nito sa sasabihin ko at sumimangoy
"Well, gusto ko sanang pangalanan sya ng kakaiba kaso wala pa akong maisip'' bumuntong hininga naman ito
"Kung papangalanan mo sya, dapat yung maganda. Dahil ang ganda ng aso mo"
"Siguro nga. Tara ng mag umpisa" at inayos ko na ang mga gagamitin namin.
"Chi, may itatanong lang ako" tumingin naman ako sa kanya.
"Yung si Yunan ba eh nanliligaw sayo o may espesyal sa inyong dalawa?" Nanlaki naman ang mata ko at napatawa.
"Bakit mo naman naisip na nanliligaw sa akin yun?"
"Kasi naririnig ko ang tawanan nyo pag andyan sya sa kwarto mo. At minsan dyan pa sya natulog, kaya hindi ko maiwasan na isipin na may relasyon kayo." Lalo lang akong napatawa.
"Bro, best friend ko lang si Yunan at parang kapatid ko na din. Pati naman si Ayato at Cupid ganun din ang turing ko" mukhang napahiya ito.
"Sorry"
"Ok lang yun, tara mag umpisa na tayo" tumango lang ito.
Buti na lang at ginawan kami ni Kuya Ukyo ng reviewer na madaling matandaan, hindi nya kasi kami matuturuan ni Yusuke dahil na din sa busy ito.
Makalipas ang isang oras ay nagdesisyon muna kaming tumigil para kumuha ng pagkain sa kusina. Naabutan pa namin doon si Kuya Masaomi na kakatapos lang kumain.
"Kuya ngayon kang lang dumating?" Tanong ni Yusuke habang nakuha ng juice at cookies
"Kanina pa naman, ngayon lang ako nakakain dahil tinuruan ko pa si Wataru sa homeworks nya" tapos humikab ito.
"Ako na ang maglilinis ng kinainan mo Kuya, magpahinga kana" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.
"Salamat Chi, galingan nyo ni Yusuke sa pag aaral. Mauna na ako sa inyo" at hinalkan ako nito sa noo.
"Chi tara na uli sa kwarto" tumango lang ako at mabilis na nilinis ang pinagkainan ni Kuya.
Pagka akyat namin sa kwarto ay kumain muna kami habang nag babasa ng mga note. Lumipas uli ang isang oras at nakaramdam na ako ng antok.
"Chi" napalingon naman akn kay Yusuke. Ang lapit ng mukha nito sa akin at konting galaw lang ay maglalapat na ang mga labi namin.
"B-bakit?" Nauutal kong sabi.
"High school pa lang tayo gusto na kita, kahit nga hindi pa tayo nun magkapatid gusto na kita kaya nainis ako nung malaman ko na kapatid kita. Pero may pangalawang pagkakataon na ako sayo"
"Yusuk---" agad nanlaki ang mata ko ng halkan ako nito sa labi, hindi agad ako nakagalaw at nanatiling nakamulat ang mga mata ko.
Lumayo na ito sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "I love you, Psyche" tapos tumayo na ito at inayos ang mga gamit namin, ako naman eh dina digest pa ang nangyari.
Inihatid ako nito sa tapat ng kwarto ko.
"Thanks Chi, sana makapasa tayo pareho" sabi nito at inabot ang gamit ko.
"Sana nga. Good night Yusuke"
"Good night din" at pumasok na kami sa aming mga kwarto. Kaagad kong kinuha ang notebook ko.
August 24, 20--
Ngayong gabi hindi ko akalain na ganun na katagal akong minahal ni Yusuke, hindi ko din inasahan ang biglaang pag halik nya sa akin, masyado akong nagulat sa lahat...
Itinago ko agad iyon at humiga, argh nakakalito na!!!
To be continued...