Prologue

28 2 0
                                    

(Setting: second Dimension)

"Aaaaaaaaaaayyyyyy"

Dinig namin ang isang nakakabingi at napakatinis na tili mula sa banyo ng parlor namin.

"Ay ano ba yan Marcus! Napakalakas naman ng tili mo! Diosme baka mawalan tayo ng customer!" Sermon ni Drew sa kaibigan naming si Marcus.

Bigla namang lumabas sa banyo si Marcus at patakbong lumapit samin habang patuloy kami sa pagrerebond ng buhok ng customer namin.

"Drail, Drew. May extra napkin ba kayo dyan? May period kasi ako eh bukas pa sana ako bibili kaso ngayon naman ako nagkaroon." Halos pabulong na sabi nya samin. Sus kunwari pang bumulong eh kung makatili naman kanina wagas.

"Doon sa bag ko meron. Buti na lang pala at meron din ako ngayon." Sabi ko sa kana at agad naman syang pumunta sa pinaglalagyan ng bag ko para kumuha.

Bumalik na kami ni Drew sa pagaayos ng buhok ng mga customers namin. Sana naman maging payapa na ang buhay ko nyan. Kung maka sigaw naman kasi ei. Nakakaburaot tuloy.

"Good morning sisterssssss!" Ay nako isa pa ito. Aga aga nakakaloka na! Kailan ba ako makakakuha ng kapayapaan at pagkakaisa?!

"Oh Richard! Mukhang bihis na bihis ka ah! San ka ba nagpupunta nitong nakaraan. Di na tuloy tayo nakakapagbonding." Pangiintriga ni Drew kay Richard. Apat kaming magkakaibigan. Kaming tatlo nila Drew at Marcus ang nagpapatakbo ng negosyo naming parlor. Samantang etong si Richard ay parampa-rampa na lang sa kung saan.

"Dyan lang sa tabi tabi. Ay mga mare may chika ako! Alam nyo ba, si Vren, yung kaklase natin nung high school. Ayon tunay na lalaki pala! Masyado ang kahihiyang ibinigay nya sa pamilya nya dahil tumanggi daw magpatakda. Kaya ayun, tinakwil nung mga magulang." Kwento nito habang tumitingin ng mga picture sa magazine. Napalunok ako sa nadinig ko.

"Ay nakakaawa naman! Pero bakit ba kasi lumihis ng landas yang Vren na yan. At lumantad pa talaga ah." -Marcus. Nakalabas na pala sya ng banyo ni hindi namin namalayan.

"Well papel. Wala naman tayong magagawa don. Sana lang magkaroon pa ng direksyon ang buhay nya." Mapait na kumento naman ni Drew. Ipinagpatuloy ko na lang ang trabahong ginagawa ko dahil nalulungkot akong isipin na hindi nga talaga pwedeng maging isa akong tunay na lalaki. Palibhasa ang tingin sa mga katulad ko ay salot ng lipunan. Haaay..

**************

Malungkot akong naglalakad pauwe ng bahay namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang balita tungkol kay Vren. Ang daya naman kasi!

Nakaramdam ako ng isang kakaibang pakiramdam. Naiihi ako syet! Luminga-linga ako sa paligid. Walang malapit na bahay. Medyo malayo pa rin ang bahay namin dito. Pero di ko na talaga kaya!

Lumapit ako sa isa sa mga puno at doon umihi. Syempre nakatayo alanganamang nakaupo. Edi nagbabawas na ako non?

*swishswishswish*(tunog po ng ihi yan)

Matapos nun ay tumingin ako sa inihian ko. May dugo shocks! Meron nga pala ako ngayon! Wala naman sigurong makakapansin.

*shrug*

"Tay,Nay nandito na po ako." Sigaw ko nang makarating ako sa bahay namin.

"Oh Drail nandito ka na pala. Aysin mo na ang lamesa at paniguradong darating nanaman ang nanay mong lasengga." Lasengga. Haha. Tama naman si tatay. Mula kasi ng iluwal ako ng tatay ko mula sa sinapupunan niya ay wala naman lagi ang nanay ko. Magtatrabaho siya tapos ang pera ay ginagamit lang pambili ng alak. Mabuti na lang at hindi masyadong kailangan ang pera dito. Mga pagkain lang kasi ang binibili. Ang ibang gamit ay pwedeng hingin o di kaya ay ibinibigay na lang sa bawat pamilya.

Matapos kong mag-ayos ng lamesa ay sya namang dating ng nanay ko. Hindi ito masyadong lasing dahil maaga pa. Pero mamaya paniguradong aalis itong muli at pag uwi ay lunod nanamn sa alak. Haay.

"Drail may isusuot ka na ba sa isang araw?" Tanong ni Nanay.

"Sa isang araw? Ano hong meron?"

"Nakalimutan mo na ba? Sa isang araw na ang araw ng pagtatakda ah! Wag mo sbaihing hindi mo pinaghahandaan yon?" Sabi ulit ni nanay.

Araw ng pagtatakda. O_O dumating na ang pinaka kinakatakutan ko. 25 years old na nga pala ako. Sa araw na iyon kasi pagtatambalin ng pamahalaan ang isang tomboy at isang bakla para ipakasal.

"Drail! Tinatanong ka ng nanay mo" nagulat naman ako nang magsalita si tatay. Ahm.. pano ba ito..

"Nay, ahm.. pwede po bang pass na lang? Next year na lang? K-keri?" Kabadong tanong ko. Eh hindi pa kasi ako handang magpatakda! Lalaki ako! Lalaki!

Padabog na hinampas ni nanay ang lamesa sabay sabing "At bakit ha? Lalaki ka ba?!"

O_O
*gulp*

----------------

Confused. (A Journey Across The Second Dimension)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon