Chapter 3

22 1 1
                                    

Drail's POV

Anong nangyari sakin? Napatulala na lang ako at hindi ako makapagsalita. Ang gandang tomboy naman kasi nya. Biglang parang nanlamig na lang ako. Lalo na nung hawak niya ang kamay ko. Bakit ganun? Ano ba tong nararamdaman ko?

Dinala ako nung babae sa isang bahay. Mukhang bahay ata nila ito kasi binabati sya ng mga tao.

"Mamaaaa!" Sigaw niya nang makapasok kami sa loob.

"Nasa kusina na po sila ma'am Brenda." Sabi ng isang babaeng may katandaan na. Ma'am Brenda?

"Thanks manang. Halika ipapakilala kita kila mama." Baling sakin nung babae tapos hinila nanaman ako. Ayan nanaman.

"Ma, Pa, andito na po ako." Lumapit siya sa lamesa at humila ng upuan.

"Saan ka nanamn ba galing bata ka? Dapat kasi nagpapaalam ka samin ng mama mo." Sabi ng isang lalaki.

"Pa naman kunwari pang hindi alam. Syempre kailangan mag- ehersisyo ng dalaga nyo para hindi tumaba gaya ni Kuya." Sabi nung babaeng nakabangga sakin.

"Hoy para sabihin ko sayo hindi taba yan! Muscle ang tawag dyan! Nagtatago lang kasi baka makita ng mga chix at pagkaguluhan ang kuya mo." Sabi ng isa pang lalaki na parang kaedad ko lang ata.

"Whatever kuya." Natatawang sabi niya bago umupo sa mesa. Nakalimutan ata na nandito ako.

"Ehem." Pagpaparamdam ko. Dinala ako dito tapos papatayuin lang ako ganon?

"Sino ka?" Tanong nung tinatawag nung babae na kuya.

"Ay mama, papa, kuya, eto nga pala si..." sabi nya sabay tingin sakin. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala.

"Ahm Drail po." Sabi ko sabay hawak sa palda ko at nagbow. Baka kasi ikahiya nanaman ako pag nalamang lalaki ako.

Nakita kong napaawang ang bibig ng mga kaharap ko. May nagawa ba akong masama?

"A-ah Drail! Ma, pa, kuya, si Drail. Drail ito ang papa ko, ang mama ko, at ang kuya ko." Tumango tango naman ako sabay sabing "hello po" sa pinakasweet na tonong alam ko.

"*clears throat* bakit sya nandito iha?" Sabi ng mama nya na nakangiti naman.

"Ahm nasagasaan ko po kasi kanina nung nagba-bike ako. Dinala ko po dito para magamot." Paliwanag naman nung babae. Hindi man lang sya nagpakilala.

" ay ganon ba? Iho?? Ay maupo ka muna at samahan mo kaming kumain. Kumain ka na ba?" Tanong nung mama nya sa akin. Bat ang bait nya? Hindi tulad ng nanay ko.

"Hindi pa nga po eh" nakangiting sabi ko naman at inipit ang buhok kong maigsi. Pinaupo nila ako at pinalagyan ng plato ang tapat ko. Tahimik akong kumain samantalang sila ang saya-sayang naguusap. Kahit kailan hindi naging ganito ang pamilya ko. Kahit ang pamilya nila Marcus at Drew. Kaya lang mas masaya yung pamilya nila kaysa sa pamilya ko. Hindi naman kasi mga lasenggo ang nanay nila.

"So, Drail right? Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan masyado nitong anak namin?" Tanong sakin ng papa nung babae.

" hindi naman po. Medyo masakit lang po ang likod ko." Sabi ko naman. Bakit parang lalaki itong papa ni.. sino na nga ito?

" ay ako nga pala si Brenda. Sorry hindi ko nasabi kanina." Natatawang sabi naman ni Brenda. Katabi ko sya. Ah sya pala yon.

"By the way, taga saan ka ba iho? Iho nga ba?" Sabi naman nung mama. Iho nga ba? Aba ewan ko po! At ang dami namang tanong. Hindi ko nga alam isasagot sa una tapos may sunod pang pangalawa!

"Ah.. eh.. hindi ko po alam eh" ay grabe Drail! Simpleng address mo di mo alam! Eh parang ibang dimension nga kasi ito eh. Malay ko ba kung may nag-eexist na ganun sa amin.

"Hindi mo alam? You mean nakalimutan mo? May amnesia ka ba?" Tanong nung kuya ni Brenda. Ano ba yung Amnesia? Pagkain ba yon? Parang longga-nesia? Relo? Bracelet? Aba malay. Tsk. Pano ba to.

"Ahm opo?" Oo na lang Drail!

"Oh my!"

"*gasp*"

Kanya kanya naman sila ng reaksyon. Nakakahawang sakit ba yun? O baka sinasabi nila na lalaki ako. Ay bakla na po sige!

"Im sorry to hear that. Bakit ka nagka amnesia? Naaksidente ka ba?" Pinapawisan na ako. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot eh.

"Ahm opo. Nasagasaan po ako ng anak nyo." Sabi ko naman.

"You're funny! Baka naman hindi rin niya alam ma. Baka nakalimutan din." Sabi naman ni Brenda.

" okay iho? Haha. Ahm. If you want pwede ka namang dito muna tumira pansamantala habang hindi pa bumabalik sayo ang ala-ala mo. Diba hon?" Sabi ng mama ni Brenda sabay baling sa papa niya.

"Sure hon. Basta wala kang gagawing hindi maganda sa pamilya ko ay hindi tayo magkakaproblema dyan."

"Hindi po talaga. Mabait po ako. Hihihi." Pag naman nahalata pa nila na lalaki ako ewan ko na lang.

"Err. Kuya pwede bang pahiram ng ilang damit mo? I think he needs a make over."-Brenda

"Yeah. Kailangan nga nya yon."- Kuya ni Brenda. Ang bait naman nila. Nag beautiful eyes naman ako nang makitang nakatingin sila sakin. Pasweet effect oha! Pak na pak!

Confused. (A Journey Across The Second Dimension)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon