Chapter 2

15 2 0
                                    

Pagmulat ko ng mata ay agad ko ulit iyong isinara. Tumama kasi yung sinag ng araw sa mata ko. Mugto pa naman. Ilang minuto pa akong nagadjust at humiga sa kama nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Drail bumangon ka na! Tanghali na! Pupunta ka pa sa takdaan!" Narinig kong sigaw ni tatay. Wow parang hindi narinig yung sinabi ko kagabi ah!

Well, siguro nga no choice na ako. Malungkot akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nakita ko yung bistidang  ipinapasuot sakin ni tatay. Siguro inilagay nya ito noong tulog ako. Para nga naman wala na akong kawala.

Nang matapos akong mag-ayos at magbihis at mag-ayos -_- ay tumingin muna ako sa kabuuan ng kwarto ko. Drama mode on. T_T

Pumagkit ako sa pader ng kwarto ko. Dahan dahan akong nag-walling.

"Inamin ko naman! Ayaw pumayaaaaag!" Huhu dapat ko nang tanggapin ang pagiging bakla ko! Sige na darna! Ibigay mo na ang bato! Ako na! Tinatanggap ko na! Palibhasa ikaw ang pinakamagandang bakla noong nabubuhay ka pa! Tiningnan ko naman ang poster ni darna sa gilid ng closet ko. Ang ganda ngang bakla nito. Kailangan ko na ring tumulad sa kan-aray!

Ano ba naman to! Bat ba kasi ako sa pintuan nag-walling! Bumukas tuloy.

Teka.. hindi naman ako sa pintuan nag-walling ah.

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko para masiguro.

O_O

A-ano to?!

Pader to kanina diba?! Wala naman akong ganito sa kwarto ko ah! Inisip ko kung ano ba ang nagawa ko at nagkaroon ng umiilaw na lagusan sa kwarto ko. Kumbinasyon ng Kulay blue at white ang liwanag na nagmumula dito. Ang ganda naman.

Lumapit ako para hawakan kung kaya kong hawakan (anu daw?). At tumagos yung kamay ko! Oh my! Tumagos yung kamay ko! San kaya ang labas nito?

*tok tok*

"Drail tara na at mahuhuli ka na! Nagagalit na ang nanay mo!" Sigaw ni tatay mula sa labas. No! Ayokong itakda! Tumingin ako ulit sa lagusan. Bahala na.

Pumasok ako dito at-

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh"

(Setting changed: Our Dimension)

Nagmulat ako ng mata. Umupo ako sa kama ko para mag-inat. Nagkamot din ako ng likod dahil makati malamang. Parang nagising na ako kanina ah? Deja vu? Wait.

Luminga ako sa paligid. Sheit wala na ako sa kwarto ah! San ba ito? Tumingin ako sa suot ko. Dress? Meaning totoo ung kanina? Yung lagusan and everything?! Oh noes!

Tumayo ako. Kanina bago ako nawalan ng malay ay nararamdaman kong para akong nahuhulog sa kawalan. Pag dilat ko naman ay nakahiga pala ako sa damuhan. May mga puno sa paligid. Parang park yata ito? Nasaan ba ako?

Naglakad na ako at may nakita akong pamilyar na mukha kaso maikli yung buhok eh. Gupit tomboy. Pero sigurado akong sya yun! Kaya't nilapitan ko ito.

"Marcus sis! Hindi ka ba nagpunta ng takdaan? Nasaan ba tayo? Grabe ang porma mo ha. Tomboy ka na ba ngayon?" Sabi ko nang mahawakan ki ang balikat nya at maiharap ko ito sakin.

(Imagine lalaking lalaki ang boses nya ah)

"What the f! Who are you?! Go away you gay! Yulk!" Nandidiring sabi ni Marcus.

"Ay joke time toh sis? Ano na!" Pangunglit ko sa kanya. Ang weird naman kasi!

"Get out of my face you disgusting creature! Look at yourself! Bakla ka! Lumayo ka nga!" Sabi nya sakin. Nagtatakha akong tumingin sa paligid. Lahat ng bakla parang mga lalaki. Ano ba ito? Diba bawal ang lalaki samin?

May napadaang tomboy pero mukhang babae yung itura. What is happening to the world?

Agad naman akong napaatras kay Marcus na parang hindi si Marcus. Umalis na din siya at iritang irita sa akin.

Napayuko ako. Nakakahiya naman kasi ang suot ko. Nakabistida pa ako samantalang sila parang mga lalaki kung manamit!

Nagoobserba pa ako sa paligid. Hindi kaya nasa ibang dimensyon na ako kaya ganito? T-teka. Hindi nga kaya? Yung lagusan...

"Tabiiiiiiiiiiii!!!" Narinig kong sigaw sa likod ko kaya napatingin ako.

"Kyaaaaaaaaaaaah!!" (Si Drail yan. Imagine tumili pero lalaking lalaki ang boses.)

Brenda's POV

Hay ang sarap talagang mag bike sa park tuwing umaga! Ang lamig ng simoy ng hangin, ang nga ibon na kumakanta. May mga taong nag jajogging at isang lalaking nakaharang sa dadaanan ko. Wait, what?!

"Tabiiiiiiiiiiiii!!!" Sigaw ko sa lalaki. Lalaki nga ba ito?

"Kyaaaaaaaaaaahhhhhh" tili nya at *booooogsh*

Aray ko naman! Buti may helmet ako at elbow pad. Bukod sa tuhod ko na medyo nagasgasan ay wala naman akong ibang nararamdaman. Nadaganan ko pala yung lalaki? Na nasagasaan ko. Asdfgh! Bat ba kasi humaharang?

"Kuya? Ate? Okay ka lang ba? Omg sorry! Ikaw naman kasi nakaharang ka sa daan eh!" Sabi ko sa kanya. Tiningnan ko sya kung may sugat o wala pero wala naman. Masakit lang siguro sa likod. Wooh thank goodness!

Sya naman tulala. Ay. Ang gwapo namang bakla nito.

"Ui teh are you okay? Halika tumayo ka." Inilahad ko sa kanya yung kamay ko. Inabot naman nya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin nya sakin. Problema nito? Insecure noh?

"Im sorry talaga. Hindi naman kasi kita nakita agad eh. May masakit ba sayo?" Hindi sya sumagot. Oh my! Baka na trauma na ito ah!

"Halika. Punta tayo sa bahay gagamutin kita doon." Mukha naman syang harmless eh atsaka bakla naman ito. Okay lang siguro. Walang kaimik-imik syang sumunod sa akin kasi hawak ko ang kamay nya. Nung tingnan ko sya ay tulala pa rin. Nakatitig sa kamay naming dalawa. Anyareh?

Confused. (A Journey Across The Second Dimension)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon