BAKLITA IX

14 1 0
                                    

"Hoy tignan mo nga kung humihinga pa yung gorilya na yun at kung patay na buhayin mo hindi sya pwedeng mamatay agad." Utos ko sa isang kasambahay ko.

At kausap ko ang mga mahahadera sa Viber. Halos thirty minutes na akong naghihintay at masyado nang matagal yun para saakin.

Pati ang mga mahahadera ay naiinip na rin.

"Madam iseserve na raw po nya.... "

Ngumiti naman ako.

"Oh! Nandito na. Wag kayong kumurap ah. Makakakita kayo ng gorilyang nakabikini...." Ako at inayos ang phone para kitang kita nila kung ilang layers ang bilbil nitong si Gori.

Nakita ko naman na nakasimangot sya habang dala-dala ang niluto nya.

Hindi ko naman mapigilang matawa at yung mga taong nasavideo call dahil sa itsura nya. Imagine, may hawak syang kaldero pero nakabikini. Eto ata ang literal na masakit sa mata.

Makapagrinse nga ng mata later. Ayokong mabangungot.

"What's with that face gori? Wag kang simangot. Ikaw din lalo kang papangit. Ang bright pa naman ng bikini mo, sayang." Natatawa kong sabi.

Nakarinig naman ako ng mga tawa sa phone ko kaya kinuha ko ang phone ko tinapat pa lalo sa kanya.

"Okay enough na. For my eyes only na 'to.... see you soon mga mahadera." At inend ko na ang call saka binaba ang phone ko.

"Tama na!! Apakasama mo talaga!!! Hindi ko alam na magagawa mo sakin to! Hindi mo ba alam na ako ang pinagkatiwalaan para bantayan ng ama mo!! Wala kang modo...." Lintanya.

Napaismid naman ako.

"Gusto 'man kitang seryosohin pero nakakadistract yang neon color mong bikini... effortless na talaga sayo maging payaso, ano?"

Mas lalo syang nagalit sa sinabi ko at nagwawala wala sa harap ko.

Inaalo naman sya ng mga kasambahay ko na kinataas ng kilay ko.

"Ang sama-sama mong bata ka!!! Wala kang puso!!! Salot ka!! Salot ka--*

Tumigil sya dahil pinaliguan ko sya ng niluto nyang sinigang. Oh? Edi nahimasmasan ang gorilya.

"Ahhhh ang init!! Init!!! Huhuhuhuhub sobra ka na talaga!!! Hindi ka na tao, ang sama sama ng ugali mo huhuhuhuhu wala kang puao huhuhu!!"

Tss,

"Wow anong drama yan? Sa kapal ng balat mo walang talab sayo yan. Hiya nga hindi ka na tinatablan. And please, nakikiusap ako. Tumigil ka. Hindi ka kagandahan para umiyak habang nakabikini. Ang traumatic tignan." Pangangasar ko pa sakanya.

"Sobra ka na huhuhuhuhu!! Ano bang maling ginawa ko sayo ha?!" Hagulgol nya sa harap ko at mas inalo pa sya ng dalawang kasambahay.

Kaya mas lalo akong naginit.

Mga tanga!

"Naks naman nagabroad lang pati utak lumipad. Gusto mo ba talaga sabihin ko ang mga pinaggawa mo dati. Sure ka na ba dyan?" Ako habang nakapamewang sa harap nya samantalang sya ay nakatangang nakatingin sakin.

Natulala naman sya sakin at habang lumalaki ang mga mata.

"Bukod sa pagiging tanga may talent ka pa pala. Ang galing mo pa rin humihingi ng simpatya sa iba 'no? Sabihin mo nga. Required ba maging pangit para kaawaan ng iba?"

Ako sabay tingin sa dalawang kasambahay na tumutulong sa kanya at binabalutan sya.

Mga basura.

Sila rin yung mga katulong ko na nakatayo sa labas kanina.

TONI BAKLITA (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon