HALOS mangatog ang tuhod ni Abigail habang titig na titig sa binatang kaharap niya ngayon. Ganoon din naman ang lalaking tinititigan niya.Matiim din itong nakatitig sa kanya. Kita ang emosyon ng kaguluhan sa mukha nito.
She can't believe na makikitang muli niya ang lalaki. Pero bakit ba siya nandito. Magkaibigan ba sila ni Sir Lewis? Hindi siya maaaring magkamali dahil narinig niya naman ang usapan nila kanina. Pero hindi ba ito coincidence? Bakit sa dami daming tao sa mundo silang dalawa pa ang magkaibigan ng amo niya? Shit! Hindi niya dapat pinoproblema 'yon. Kinakailangan niya ng lumabas sa opisina ng kanyang amo dahil baka naguguluhan na si Lewis sa kanila.
"Excuse me po." Magalang na sabi ni Abigail kay Cyu na nakatitig padin sa kanya.
"Abigail…" bahagyang umawang ang labi nito na pinagtuonan niya ng pansin.He is truly a man who have a hot body and good face. Namula ang mukha niya sa iniisip.
"Anong ginagawa mo dito?" Parang wala sa sariling tanong nito habang titig na titig pa rin sa kanya. Napayuko tuloy siya.
" Secretary ko siya, Cyu." Anang sabi ni Lewis.
So his name was Cyu? What a pretty name he has. At Least ngayon alam ko na ang pangalan niya.
"Nagtatrabaho po ako dito." Anang sagot niya parin kahit na sinagot na ito ni Lewis.
"Magkakilala ba kayo, pre?" Anang tanong ni Lewis na naguguluhang nakatingin sa dalawang nasa harapan niyang ilang minuto ng nagtititigan.
"I met her once, bro." Sagot niya.Nanatili ang titig niya kaya naman hindi alam ni abigail kung saan titig. Sa lapag ba o sa pintuan. Para siyang pinagkaitan na makalaya. Natatakpan siya ng malaking katawan ni Cyu na tumabon sa maliit niyang katawan.
"Do you even remember me, Abigail.?" Napalunok si Abi ng tanungin siya ng lalaki. Hindi niya alam kung dapat niya ba itong sagutin pero ramdam parin nito ang titig sa kanya ng lalaki.
"Yes, the man in the mall." Sagot niya. Tama naman siya. Right? Siya yon?
"Excuse me po.",Naglakas loob na ulit na sabi niya at tuluyan ng lumabas ng opisina para tumakas sa tensyon sa loob ng opisina.Hindi na niya hinintay sumagot si Lewis o si Cyu. Dire-diretso siyang lumabas sa opisina.
Nang makalabas, napahawak siya ss kanyang dibdib na malakas ang pagpintig ng puso niya. Wala naman siyang kasalanan pero para siyang kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Dahil ba sa iniisip niya ito gabi-gabi bago siya matulog kaya para na lang siyang nakakita ng multo kanina?
Nang kumalma, gumawa siya ng kape. Nagdalawang isip pa siya kung idadala na niya ba iyon sa loob ng opisina o wag na lang. Nakapag desisyon niyang idala na din 'yon. Bago pa niya mabuksan ang pintuan ng opisina,kusang bumukas iyon at nilabas si Cyu na mukhang kalmado na ngayon. Wala na ang kaguluhan sa mukha nito na katulad ng kanina.
"Ah." Umawang ang labi niya. Hindi niya alam kung babatiin niya pa itong muli. Walang lumabas na salita sa bibig niya. Napatitig na lang siyang muli sa mukha nito na labis na nag-papahanga sa kanya.
"What?" Anang tanong ni Cyu. Kumunot ang noo dito.
"Kape po." Anang sagot niya. Itinaas niyang bahagya ang dalawang cup ng kape na dala niya.
"No thanks." Sagit niya. Nawala ang ngiti ni Abigail sa mukha niya. Iniisip niya na masungit naman pala ang lalaking 'to. Akala pa naman niya ay may maganda itong ugali dahil sa itsura nito pero mukhang nagkamali siya.
Nanlaki ang mata ni Abigail ng kunin niya ang isang baso ng kape." Sir, akala ko po ba–"
"This tastes good." Sagot niya at ngumiti sa kanya. Naguluhan siya sa kinilos nito. Nanatiling nakatingin ito sa kanya hanggang sa magsalita itong muli.
YOU ARE READING
Untitled(Bachelor Series#1)
RomanceJacques Cyu Cruz Martinez never wanted a lovelife. He was a man who can live without a woman in his life.But his father setting him up in many blind dates with his business partners daughters.Hindi niya gusto ang bagay na iyon pero wala siyang magaw...