Summer 07 : Curiosity

18 4 0
                                    


Mabilis lang din na lumipas ang oras at uwian na namin. We fixed our things and left our room. I'm with Kali, and we're headed to Ella and Lotty's room. Sakto rin namang kalalabas lang nila ng classroom nila.

Naglakad na kami paalis ng school at dumeretso sa mall na 'di kalayuan dito. As we expected, the place was filled with a lot of students. It was so crowded that it made me want to go home already. They're all with their friends.

Pumunta kami sa malapit na kainin para kumain muna. Mabuti na lamang at hindi gano'n kadami ang mga tao dito. Naghanap kami ng upuan at doon pumwesto. Inilapag nila ang kanilang mga gamit at ako ang naiwan dahil sila ang mag-oorder.

Nakuha naman ang aking atensyon ng aking phone nasa ibabaw ng lamesa nang maramdaman ang pag-vibrate nito. I opened it only to see Farrel's chat. Ano nanamang kailangan ng taong 'to?

Farrel Arezo Mariano

sino kasama mo?

may ka-date ka 'no?

pinagsasabi mo

'kita kita mula dito

Agad naman akong napaikot ng aking tingin upang hanapin siya. Huminto ito sa labas ng kainan kung nasaan ko. Nakatayo siya 'di kalayuan sa amin. I was pretty sure that he was currently looking at me. Even though he's quite far from me, I could see the looks he was giving me. He was giving me his usual suspicious look, as if I had done something.

ginagawa mo dito, ha?

nako, makita ko lang na may ka-date ka talagang lagot sakin 'yang lalaking 'yan

tarantado

mga kaibigan ko kasama ko

gaya mo pa 'ko sa'yo

ay, wala ka palang girlfriend

sana mabulunan ka

Hindi ko na siya chinat pa at pinatay na ang phone ko. Nalimutan ko tuloy itanong kung ano ang ginagawa niya rito. Muli akong tumingin sa direksyon kung nasaan siya kanina. But he's now walking away. I just ignored it and looked away. Sakto namang pagdating nila Kali na siyang dala-dala na rin ang in-order nila.

Nagsimula na rin kami kumain nang maayos na namin ang mga pagkain. Kung ano-ano lang din ang pinagku-kuwentuhan namin habang nakain. Mabuti na lamang at hindi binanggit ni Kali ang tungkol sa nalaman niya tungkol sa akin.

Pero panay naman ang tingin sa akin ng babaeng 'to. Iba ang tingin na binibigay niya kaya sigurado akong tungkol ito sa bagay na 'yon. Pinanlakihan ko nalang siya ng mata at napanguso nalang siya. Mukha namang 'di kami napapansin ng dalawa.

Umalis din kami sa kainan na 'yon nang matapos kaming kumain. Tumambay lang kami sa mga upuan na nandoon dahil mga wala pang balak umuwi ang dalawang 'to. Good thing nabawasan ang mga tao dito. Hindi na katulad kanina na talagang punong-puno ang mall na 'to.

Nanatili kami doon hanggang sa naisipan na nilang umuwi. Parehas lamang ang daan nilang tatlo kaya sila ang magkakasabay, samantalang ako ay opposite ng way ng kanila. Nagpaalam na kami sa isa't isa bago naghiwalay ng landas.

Muling tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Tumigil ako sa tabi saka ito binuksan. Chat lang naman ni Farrel ang nakita ko na tinatanong kung pauuwi na ba ako at antayin siya sa sakayan para sabay kaming umuwi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at inantay siya sa sakayan ng jeep tulad ng sabi niya. Hindi rin naman siya gano'n natagalan kaya kahit papaano ay hindi ko siya nabungangaan. Sumakay na kami at umuwi na.

Eyes of a Stranger (Season Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon