Summer 25 : Breakfast

19 4 0
                                    


Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata nang magising ang diwa ko. Onti-onti naging malinaw ang aking paningin sa paligid. Inikot ko ang aking paningin saka ko naalalang wala nga pala ako sa bahay namin. Agad din akong natigilan nang maalala kung nasaan ako. Shit!

I slowly got up. Dito ako sa sofa na nasa living room natulog. I stretched my arm and checked the time on my phone, but it wouldn't open. I remember that it was already dead. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa.

I walked towards the kitchen when I noticed that the lights there were open. I felt like my feet got stuck when I saw someone's figure. It was Akomi. He's wearing an apron and cooking something. Hindi ko alam kung babatiin at lalapitan ko ba siya.

I ended up standing there while leaning my arm against the door with my arms closed in front of my chest. Pinanood ko siyang magluto at hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Mukha namang hindi niya pa rin nararamdaman ang presensya ko at 'di ako napapansin dahil nakatalikod siya sa direksyon ko.

But after some time and having already finished cooking, he turned around in my direction. He was stunned and wasn't able to move when he saw me. I fixed my posture and smiled at him.

"Good morning." I said. Saka lang siya nakagalaw matapos kong bumati.

He also smiled at me and said, "Good morning."

Lumapit ako sa kaniya para tulungan siya sa kaniyang dala. Tumanggi pa siya na ibigay sa akin pero wala ring nagawa nang hindi ko siya tigilan. Inilapag namin ito sa dining table. Agad niyang hinubad ang suot na apron at niyaya na akong kumain.

Umupo ako sa harapan niya. Inabot niya sa akin ang mga pagkain na kaniyang niluto at ako ang unang pinaglagyan sa plato. Nagpasalamat ako sa kaniya saka kami nagsimulang kumain. Tunog ng plato at kubyertos lang ang tanging ingay sa pagitan naming dalawa.

"How was the food?" Napaangat ang aking ulo nang magsalita siya. He was currently looking at me, waiting for my answer.

"It's good," I smiled. "I didn't know you could cook."

"Just learned..." He answered. Tumango-tango lang ako. "You love food, right?"

"Yeah," tumatangong sagot ko. "Why?"

He just stared at me with amusement, then shrugged. We continue eating while I'm still confused. Napailing nalang din ako at hindi na inisip pa ang sinabi niya. Lasing pa ata siya. I insisted on washing the dishes, but he didn't agree. But of course, I also didn't agree with him. Because of my stubbornness, he gave up and sighed in defeat.

Sumunod pa siya sa akin hanggang kusina at tumayo sa gilid 'di kalayuan sa akin. Nakasandal siya sa pader habang pinapanood ako. Hanggang ngayon ay mukha pa rin siyang 'di sang-ayon sa paghugas ng mga pinagkainan.

"Akomi, maghuhugas lang ako ng pinagkainan, 'di naman big deal 'yon," sabi ko habang sinasabunan ang plato.

"You already took care of me last night, dapat ako na diyan."

"Stay still," tinignan ko siya nang may pagbabanta nang sinubukan niyang lumapit.

Napahinga siya nang malalim at walang nagawa kung 'di ang bumalik sa pagkakasandal sa pader. Bumalik naman ako sa paghuhugas. Wala na 'kong narinig pa na pagtutol sa kaniya kaya namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Pinunasan ko ang aking basang kamay matapos maghugas. Habang siya ay nakasandal pa rin sa pader at nakatingin sa akin.

I looked at him, and he seemed to want to say something but was hesitating to say it. I raised my left eyebrow at him and crossed my arms in front of my chest, then leaned into the kitchen sink behind me. He cleared his throat when he noticed my lifted eyebrow. Hindi niya nagawang tumingin nang diretso sa akin. Unlike last night, he won't look away, even for just a second.

"Say it, Akomi." He looked straight into my eyes as soon as I mentioned his name. But instead of saying it to me, he looks like someone who's lost. Is he zoning out?

Kung kanina ay siya ang hindi magawang tumingin nang diretso sa mga mata ko ay ako naman ang hindi nakayanan ang tingin niya. His eyes are so pretty that it feels illegal to look at them. His stare makes me feel like a criminal for stealing a glance at it. This guy can literally take every person's breath away with just the stare in his eyes. Tumikhin ako para muling kunin ang atensyon niya. Napaayos siya ng pagkakatayo dahil doon.

"Did.. did I say something last night?" He asked. Tama nga ang hinala kong hindi niya maaalala ang mga sinabi niya.

"Yeah," tumatangong sagot ko. Para naman siyang kinabahan dahil sa sinabi ko.

"A-ano?"

"About husband.. and family." I answered. Mukha siyang natigilan sa naging sagot ko.

"What do you mean?"

Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Ang sabi mo ay may asawa at pamilya na ako."

"Oh... M-mali ba?"

"Mali, where did you even get that news?" Salubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Well..." Inantay ko ang sunod niyang sasabihin. "No one."

Lalong nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka. "Then, paano mo nasabing may asawa at pamilya na ako?"

"I-I saw you with a man and a kid the day you got back here. Ang akala ko asawa at anak mo 'yon," halos pabulong nalang ang huli niyang sinabi.

"Saan?"

"Sa mga stall na malapit sa village niyo. You were sitting and talking to a little girl with a man beside her."

Agad akong napaisip sa sinabi niya. Pilit kong inalala kung kailan iyon. Then a scenario popped into my mind. It was the night I met Akira and her father. Sa mga stall na napuntahan ko. Hindi ko alam na nandoon siya. But then another memory came into my mind. Don't tell me he was that person that I saw who was familiar to me.

Napahinga ako nang malalim at tinignan siya nang diretso sa mata. Siya naman ngayon ang 'di makatingin sa akin nang diretso. Paano kaya kami makakapag-usap nang kayang tignan nang mata ng isa't isa? Baka never na mangyari 'yon.

"She was my student, and that was her father." I explained.

Napa-'oh' naman siya at tumawa nang mahina. Nag-sorry pa siya na tinawanan ko nalang din. I can't believe he would think that I'm already married. He was the only guy I would approve of marrying and being my husband. Balak ko pa sanang itanong sa kaniya ang tungkol sa sinabi niyang 'girlfriend' at 'asawa' niya pero pinigilan ko nalang ang aking sarili. Baka ano pang isipin niya. Muli ko siyang tinignan, and this time hindi na siya umiwas pa sa tinginan naming dalawa. I feel like he was looking into my soul.

"I'm glad you're not yet married, Sol."

***

Eyes of a Stranger (Season Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon