01| Liham

10 2 4
                                    

Sa dinami-rami ng maari kong mahumalingan ay siya pa talaga, hindi ko rin mawari kung tama pa ba na bigyan ko siya ng pag-alala, ngunit hindi ko naman kayang itago ang pagmamahal ko sa kaniya, isusulat ko na nga lamang gamit ang tinta sa parirala.

Caleb's POV:

Kaklase at matalik na kaibigan ko si Ranz, magkahalong takot at kaba ang aking nararamdaman tuwing magkasama kami dahil alam ko sa aking sarili na unti-unti ko na siyang nagugustuhan. Lahat na ata ng love languages pinaramdam niya na sa akin, sa akin niya rin kinukwento lahat ng nararamdaman niya kaya panatag ako na hindi siya maiilang sa akin kung mangyaring magtapat ako sa kaniya.

Ngunit sa isang iglap ay may balita akong nalaman, nililigawan daw ni Ranz si Paulo. Natutulala nalang ako sa kwarto, alam kong wala akong laban kay Paulo, campus crush siya at napakasika. Kaya nung gabi na 'yon ay dinodomina talaga ako ng lungkot, para maibsan ay inisulat ko nalang ito sa mga liham ko.

Habang papasok ako sa klase ay bigla akong hinarang ni Krei, nagulat ako dahil hindi naman ako papansinin ni Krei nang walang dahilan.

"Caleb, alam mo na ang chismis sa buong campus natin?" maintrigang tanong ni Krei

"Hindi eh, nabusy kasi ako sa school works, wala ng panahon sa mga chismis" sagot ko

"Yung kaibigan mo na si Ranz, sinagot na siya ni Paulo!! Grabe bagay na bagay sila no??" sambit ni Krei habang kinikilig

Hindi ko na sinundan pa ng sagot ang sinabi ni Krei at dali-dali akong pumunta sa banyo, binuhos ko ang aking luha roon ngunit bigla namang pumasok si Ranz at nagbigay ng panyo. Ngunit hindi ko ito pinansin at pumasok na ako ng aming silid, simula noon ay madalang nalang kung kausapin ko si Ranz at ramdam ko na ang pagaalala niya kung bakit hindi ko na siya kinakausap.

Hindi ko maalis ang lungkot ko sa t'wing nakikita ko sa feed ko ang mga retrato nila ni Paulo, inggit na inggit ako ay sinisisi ang sarili na para bang may mali sa akin. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa mga school works, ngunit naaalala ko lamang kung paano kami nagtutulungan ni Ranz sa mga gawain na siyang nagpapabalik sa akin sa lungkot at nagpapatulo ng aking luha.

Isang linggo akong nagpaliban sa klase, punong-puno ang texts at tawag ng aking mga kaklase na nagtatanong kung okay pa ba 'ko, ganun din si Ranz na minu-minuto ang tawag na para bang alarm clock na gumigising sa aking diwa. Tiniis ko na hindi sagutin ang mga tawag niya at huwag siyang kausapin ngunit nagulat ako na isang gabi ay may kumakatok sa aking dorm at pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Ranz. Isasara ko na sana ang pinto ngunit pinigilan niya ako, tinanong niya agad ako ng "Kumusta ka, Caleb? Hindi na kita nakikita sa room, okay ka lang ba?" hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata, hindi ko namalayan na bigla na pala ako napayakap sa balikat ni Ranz.

Sinabi ko na lamang sa kaniya na nagkaproblema lamang ako at naayos ko na dahil ayokong malaman niya na naapektuhan ako sa relasyon nila ni Paulo. Bigla ko agad sinabi na "Papasok na ako bukas, wag ka magalala okay lang ako". Binigay sa akin ni Ranz ang dala niyang kape at nagpaalam, napaupo ako sa upuan at biglang naisip na sumulat na lamang. Sinulat ko lahat ng nararamdaman ko hanggang sa mapawi ko ito.

Pagpasok ko kinabukasan ay nadatnan kong nasa corridor namin si Ranz at Paulo habang magkahawak ang kamay, hindi ko napigilan na hindi ito pansinin, ngunit nilakasan ko ang loob ko at lumakad papalapit sa kanila hanggang makarating ako sa aming room. Hindi ko man lang pinansin ang bati sa akin ni Paulo at dali-dali akong pumasok at umupo sa aking upuan.

Papunta na ako sa susunod na subject hanggang sa hinablot ni Ranz ang aking kamay...

"Bakit ka ba nagkakaganiyan Caleb? Okay naman tayo noon diba? Bakit ngayon na pagkaway lang hindi mo na magawa?" pasigaw na sabi ni Ranz

Sa sobrang pagdadamdam ko ay bigla kong nasabi na..

"Manhid ka ba? Matagal na nga kitang gusto! Hindi mo ba nararamdaman yon?"

Sa pagpatak ng luha ko ay biglang tanong ni Ranz

"Ha? Ako? Magkaibigan tayo Caleb, tsaka alam mo namang hindi tayo pwede"

"Hindi pwede o hindi mo lang talaga ko gusto? Kasi magkaiba 'yon Ranz! Hindi ako tanga Ranz! Hindi mo ba napapansin na nilalayuan kita? Dahil naaapektuhan ako sa kung anong meron kayo ni Paulo!" sambit ko habang patuloy ang pagpatak ng luha

Sa gitna ng usapan namin ay bigla na akong tumakbo papunta sa room ng subject namin, habang nagtuturo si Prof ay hindi mabaling ang atensyon ko dahil iniisip ko pa rin ang tungkol sa amin ni Ranz.

Pag-uwi ng bahay ay sumulat ako ng liham para kay Ranz upang magpaalam na kaniya, isang linggo nalang at malapit na ang graduation kaya hindi na rin ako nagaalangan na ibigay sa kaniya ito dahil hindi na rin kami magkikita.

Tinawagan ko si Ranz kinaumagahan upang makipagkita sa kaniya, ngunit narinig ko si linya ni Paulo....

Continue on Part 2

Tinta sa Parirala Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon