Shit. Late na ako sa klase.
Isa akong working student at dahil nahirapan ako sa paghahanap ng trabaho, late na akong nakapag-enroll sa klase. Isang linggo na rin simula nung nag-start ang klase.
Bata pa lang, ulila na ako. 'Di ko kilala ang Papa ko, samantalang may iba ng pamilya si Mama. Kaya ngayon, ako lang ang bumubuhay sa sarili ko.
Dahil sa umaga ako nagt-trabaho, night classes ang kinuha ko. Late na rin ako sa klase, dahil 7:30 pm na at 7:00 ang klase ko.
Hinanap ko na ang building at room ko. Room 77 ang una kong pupuntahan.
Lakad-takbo ang ginawa ko at hingal na hingal ako nang makaabot sa room. Nagsitinginan naman ang mga kaklase ko, gano'n din ang Prof namin.
"Why are you late?" Tanong nito sa'kin.
"Uhm, naligaw po kasi ako, masyado po kasing malaki 'yung school." Sabi ko. Sinenyasan niya na akong umupo at nagpatuloy lang siya sa discussion.
Hindi ko namalayan na last subject na. Tinignan ko ang relo ko, 9:57 na. 3 minutes bago ang huli kong klase.
Tinignan ko naman ang schedule ko. Room 103. Teka, bakit parang nasa ibang building na 'to?
Lahat ng klase ko, iisa lang ang building. Nag-iiba lang ang rooms. Nakapagtatakang nag-iba 'to.
Nag-umpisa na akong maglakad at nang makita ko ang building, parang abandonado na ito. Wala rin akong nakikitang estudyante rito.
Weird.
Nasa second floor ang Room 103, at pinakadulo siya. Tahimik lang akong naglalakad, pinapakiramdaman ang paligid.
Nang makarating ako sa Room 102, ang masangsang na amoy nito ang bumungad sa'kin. Ang baho, kaya 'di ko na ito tinignan at umalis na.
Room 103. Sa wakas.
Tinignan ko ang Prof namin, at nakapagtataka. 10:00 pm palang, bakit nags-start na siya ng discussion?
"Uhm, Good Evening po, Ma'am." Magalang na bati ko. Itinaas naman nito ang kilay niya.
"Why are you late?"
"P-Po?" Tanong ko. "10:00 palang po, sakto lang po ako," sagot ko. Pinaupo niya nalang ako sa bakanteng upuan.
"Hi!" Biglang bungad sa'kin ng babaeng katabi ko. "I'm Mich. You are?"
"Zach," simpleng tugon ko.
"Buti nalang nakaligtas ka kay Mrs. Cruz, namamahiya pa naman 'yan sa klase," sambit nito.
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa mag-uwian na.
Mabilis lang din na lumipas ang oras. After a month, medyo nasanay na ako sa schedule ko. Naging close ko rin sila Mich, pero kahit anong gawin ko, lagi akong late sa klase. Kahit 5 minutes early akong dumarating, laging naroon na si Mrs. Cruz, nagdidiscuss.
Pansin ko ring laging galit si Mrs. Cruz kay Mich. 'Di ko alam kung bakit.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong ni Mich sa'kin. Tinignan ko naman ito.
"Ah, wala. Iniisip ko lang 'yung grades ko," sabi ko.
"Hm, panigurado pasado ka. Ikaw kaya ang highest sa exam natin!" Nakangiti nitong saad.
"Edi sa ibang subjects," Sabi ko habang natawa.
"Sus, kaya mo 'yan. Ikaw pa?" Nakangiting aniya. Napangiti na rin ako.
Dumating na ang araw kung saan kuhaan na namin ng card. Nandito ako sa office ng adviser namin, at nanlumo ako sa nakita ko.
Blanko ang grade ko sa Math.
"Ma'am? Bakit po blanko ang grade ko? Lagi naman po akong napasok, ako rin po ang highest sa test namin," sambit ko. Tumaas naman ang kilay ng adviser ko.
"Ano? 'Di ka napasok sa klase mo. 'Di ba Room 88 ka, kay Mr. Oliferas? Buong semester, wala ka," sabi nito.
"P-Po? Pero Room 103 po ang nakalagay sa schedule ko, kay Mrs. Cruz po," nagulat naman ang aking adviser sa sinabi ko.
"R-Room 103?" Utal niyang sambit. "Zach, matagal nang wala ang Room 103. Patay na sila Mrs. Cruz, papaanong nakapasok ka roon?" Bakas ang takot sa mukha niya.
"A-Ano pong ibig n-niyong sabihin?" Kinakabahan kong sambit. Napailing naman siya at may ipinakitang dyaryo sa'kin.
"Iyan ang dyaryo ng school, Zach. 5 years ago, nalaman ni Mrs. Cruz na may babae ang asawa niya— at 'yon si Mich. Nag-mental breakdown siya, pinatay niya lahat ng estudyante ro'n at binaril niya ang sarili niya," mahabang eksplenasyon nito. Tinignan ko naman ang lumang dyaryo. Sila Mich, ang mga kaklase niya... Nandito.
Fuck.
"Ma'am, magt-transfer na po ako," sabi ko. Hindi ko kaya rito, nakakatakot ang eskwelahang ito. Sobra-sobrang kilabot ang nararamdaman ko ngayon.
Days passed, inaayos pa rin ng teacher ko ang pagt-transfer ko.
"Z-Zach," nauutal na sambit ng aking guro. Pansin ko ang panginginig ng kamay niya at may inabot siyang papel. Papel na kung saan, pati ako ay kinabahan.
Certificate of Transfer
Mrs. Kristine Cruz
Approved."Si Mrs. Cruz..."
BINABASA MO ANG
Lost Pages
Short StoryA compilation of my top-picked one shot stories, written by yours truly. Different genres ahead. (unedited) lunaexi © 2023