Desidido na ako. Magpapakamatay na ako.
Huminga ako ng malalim at kumapit sa railings nitong rooftop sa isang ospital. Ayaw ko nang mabuhay. Mas gugustuhin ko nalang na mamatay.
“Hoy! Ano ‘yang ginagawa mo?” napalingon ako sa nagsalita. Naka-suot siya ng damit na pang-ospital. Marahil ay naka-confine siya rito.
“W-Wala kang pakialam!” sigaw ko rito. Tatalon na sana ako ngunit pinigilan niya ako.
“Sasayangin mo buhay mo? Bakit?” mapatitig naman ako sa mukha niya. Mukha siyang anghel. Teka, bakit ko naisip ‘yon?
Napa-upo nalang ako sa sahig at nagsimulang umiyak. Wala na akong pakialam kung magmukha akong bakla para sa kaniya, basta gusto ko lang umiyak.
“Pagod na pagod na akong mabuhay.” panimula ko. “Alam mo ‘yon? Lahat naman na ginagawa ko, pero ‘di pa rin sapat para kila Mama. Pagod na ako. Gusto ko nalang magpahinga.”
Umupo ito sa tabi ko, hinahagod ang likod ko. “Sa tingin mo ba, solusyon ang pagpapatiwakal?” natahimik naman ako ro’n. Solusyon nga ba ‘yon?
“Ako kasi, gusto ko pang mabuhay. Sana kagaya niyo nalang ako, kasi pahahalagahan ko talaga ang buhay ko,” tumingin ito sa langit. “Maswerte ka nga, kasi hindi mo nararanasan ‘yung mga bagay na nararanasan namin. Kasi, kung mararanasan mo? Mar-realize mo na sobrang importante ng buhay.” pinunasan pa nito ang luha sa kaniyang mga mata. “Hay, dami ko nang sinasabi. Oh siya, mauna na ako ah? Iinom pa ako ng gamot, tumakas lang ako eh.” tumawa pa ito bago umalis.
Sandali akong natigilan. Maya-maya’y tumayo ako at sumigaw. “Hoy, babae!” napalingon naman ito sa akin.
“A-Anong pangalan mo?” tanong ko. Ngumiti naman ito bago magsalita. “Jade Dela Cruz. Kung bibisita ka rito, nasa Room 302 lang ako ah? Bye, Bryan!”
Naglakad naman ito paalis. Teka, paano niya nalaman pangalan ko?
Napatingin naman ako sa suot ko. Stupid, Bryan. You’re wearing a school uniform and a fucking school I.D.
Tumingin muli ako sa langit. Grabe. I didn’t expected na mapipigilan niya ang pagpapakamatay ko.
Ilang araw rin ang nakalipas. Nakikipagdebate pa ako sa sarili ko kung bibisitahin ko ang babaeng 'yon o hindi. I wanna thank her dahil sa ginawa niya.
“Oh, bumisita ka talaga? Nagbibiro lang naman ako no’n,” bungad ni Jade. Hindi ko siya pinansin at nilapag ang dala kong mga prutas.
“Grabe ah? Ayaw mo bang nandito ako?” nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jeans ko. “Nandito ako para magpasalamat kasi... ano, napigilan mo akong gawin ‘yung gagawin ko noon. Alam mo na,” napakamot pa ako sa aking batok.
Ngumiti naman ito at binato sa’kin ang unan na hawak niya. “Wala ‘yon! Buti nga at naligtas kita!”
“Ano ba ‘to, ba’t manghahampas ka pa?” irita kong sambit. Nagkatinginan kami at biglang nagtawanan.
“Gusto mo gumala tayo? Sa hospital garden,” pag-iiba nito ng usapan. Tumango naman ako at nagtungo kami ro’n.
“Ano nga pala ang sakit mo?” tanong ko. Sana hindi siya ma-offend.
“Brain tumor,” panimula nito. “Malaki na nga eh. Kailangan na akong operahan kaso ayon, wala naman kaming pera,” natawa pa ito.
Tumikhim pa ako bago magsalita. “Uh, ano... Sorry sa pagtatanong.”
Hinampas niya ako. Sadista talaga ‘tong babaeng ‘to. “Wala ‘yon! Sanay na naman ako. Saka ano ka ba, kaya ko pang lumaban. May taong nagbigay ng lakas sa’kin para lumaban.”
“Sino naman ‘yon?” natatawa kong sambit. Tinaasan ako nito ng kilay bago sumagot. “Wala! Secret!”
“Damot mo naman!” nag-pout pa ako. Nagtawanan kami muli. Ewan ko ba, pero ang gaan ng loob ko rito sa babaeng ‘to.
Lumipas ang ilang buwan, napalapit na ako sa kaniya. Kilala ko na rin ang mga magulang niya. At...
Mahal ko na yata siya.
Nahihiya akong umamin kasi baka mamaya, hindi niya ako gusto. Ma-busted pa ako, e gusto ko nga siyang palaging nakikita. Edi magiging awkward para sa amin kung aamin ako.
“Oh, ano na naman iniisip mo? Babae?” oo, ikaw. “‘Wag kang mag-alala. Gusto ka rin no’n!” gusto mo ba ako, Jade?
“Sana nga,” tumawa pa ako at sumandal sa pader. “Malapit na operation mo, ah? Goodluck, hoy.”
Ngumiti naman ito. “Sana, maging successful. 50-50 raw kasi, baka mamaya matigok ako!” tumawa siya nang sabihin iyon at natahimik naman ako.
Nag-aalala itong tumingin sa’kin. “Uy? Anong nangyari sa’yo?”
Umiling ako at ngumiti. “Wala. Iniisip ko lang na baka kapag gumaling ka, ‘di na kita makita.”
“Imposible ‘yon! ‘Wag kang mag-alala, kapag gumaling ako, magkikita pa rin naman tayo ‘no!” tumawa ito. Maya-maya’y napahawak ito sa ulo niya.
“Aray,” daing nito. Nataranta naman ako at lumapit sa kaniya. “B-Bryan. Ang sakit,” humikbi ito.
“Shh,” I kissed her forehead. Pinindot ko ang button na ginagamit kapag may emergency.
“H-Hindi ko na kaya,” humagulhol na ito. “Ang sakit, Bryan.” sumisigaw na ito dahil sa sakit. Doble-doble ‘yung sakit na nararamdaman ko. Damn, seeing her suffering from that condition makes me weak. Fuck it.
“Doc, nandito na po kayo.” sambit ko. Lumabas ako sa kwarto ni Jade. Mas lumakas ang sigaw nito. Damn! Wala akong magawa. Sana ako nalang ‘yung nandoon, at hindi siya.
Mula nang mangyari ang insidenteng 'yon, mas lumala ang kondisyon ni Jade. Kailangan na raw talaga siyang maoperahan, ngunit wala pa silang pera.
I also did everything— I worked part-time jobs, at binenta pa ang iba kong gamit. Pero hindi pa rin sapat.
“Bryan,” mahinang tawag nito sa akin. Tinignan ko naman siya. Ang putla na niya. Pumayat siya at halatang pagod na siya.
“Hmm?” lumapit ako sa kaniya. She smiled weakly.
“H-Hindi ka ba napapagod? N-Na magbantay s-sa’kin?” tanong nito. Umiling ako at hinawakan ang kamay niya.
“Bakit ako mapapagod na mag-alaga sa taong pinakamamahal ko?” pinigilan ko na umiyak. Stop that, Bryan. Ang hina mo.
“M-Mahal mo ako?” hindi niya makapaniwalang sambit. “M-Mahal d-din kita, Bryan.”
Hindi ko na mapigilan umiyak. Hinalikan ko ang noo niya.
“Bryan, p-pagod na ako...” mas lalong lumabas ang mga luha sa mata ko. Tinignan ko ang magulang at kapatid niya, pati sila’y umiiyak na rin. “G-Gusto ko nang m-magpahinga.”
“Ang tagal mong lumaban, Jade. Proud ako sa’yo,” humagulhol na ako, kagaya no'ng parang una lang naming kita. “Kung pagod ka na... m-magpahinga ka na, Jade.”
Ngumiti ito ng mapait. “Bryan... I love you.” tuluyan na nitong ipinikit ang mga mata niya. Puno na ng iyakan dito sa silid.
I love you more, Jade. I will always love you.
“It’s been 3 years, Jade. Grabe, hindi ko inakalang ‘yung taong nagligtas sa’kin noon sa rooftop, mamahalin ko ng ganito.” hinawakan ko ang lapida niya.
“Dahil sa’yo, natuto kong pahalagahan ang buhay. Salamat, Jade. Salamat dahil niligtas mo ako noon. Utang ko sa’yo ang buhay ko. Mahal kita, Jade... Sayang lang at hindi kita nailigtas. Wala eh, Siya na ang bumawi ng buhay mo. Ipagpapatuloy ko nalang ang buhay ko, para sa’kin... at para sa’yo.”
BINABASA MO ANG
Lost Pages
Short StoryA compilation of my top-picked one shot stories, written by yours truly. Different genres ahead. (unedited) lunaexi © 2023