12

125 11 0
                                    

REED PARKERS POv

" Bakit na Naman" sabi ko ng sinagot yung tawag ni Preston, nag- aaya ng mag-inom pero di ako pumayag at dina pakikinggan yung susunod niyang sasabihin

Nag-aaral ako sa living room ng may nag doorbell kaya binuksan ko pero parang pinagsisihan ko kung bakit ko binuksan agad Ng hindi muna tiningnan sa peephole, akala ko naman kasi si Cahaya ang nag doorbell

" What are doing here, I told you na pass muna ako sa alak dahil kailangan kung mag double time  sa pag-rereview" inis na sabi ko ng  pagbukas ko  ng pinto ay nakita ko yung mga lokong kaibigan ko at may dala pa talagang alak

" Bro, Plano niya lahat ito damay lang rin ako" pagtatanggol ni Owen sa sarili niya

" Umuwi na nga kayo"

"Bakit, nakaka disturbo ba kami sa inyo, gusto lang namin makita ang future wife mo, sabi ni Preston

" Hey wag mo akong isali sa kalukuhan mo ikaw lang nagpupumilit na makita yung asawa niya" pagtatanggol ulit ni Owen sa sarili

" Mga litsi, pasok na nga lang kayo, basta pagkatapos nito umuwi na kayo"

" Relax Ang init ng ulo, gusto lang naman naming makita yung  future wife mo, kahit kasi picture niya pinagdamot mo sa amin"

tumahimik Ka nga 

Knowing Cahaya baka nga pumayag pa yun na dito na matulog ang mag mokong nato kapag nalaman niyang mga kaibigan ko  tong mga bwisit nato, hays ang hirap rin talaga kapag masyado kang mabait

" Wala yung hinahanap mo dito nasa duty niya" sabi ko ng mapansin na parang maykanina pa siya hinanap pagkapasok niya ng condo

" Ui parang masarap to ah" Sabi niya ng makita yung pagkain na niluto ko para kay Cahaya Para sana dina siya mapagod magluto ng makakain niya pag-uwi kaso itong bwisit na Preston kinain, sarap talaga batukan napailing nalang ako dahil wala na akong magawa kinain niya  na

Sa living room lang kami habang inu-ubos nila yung dala nila alak na isang bote habang nag rereview ako

" Hi doc" natigilan ako ng bati-in siya ni Preston at lumapit pa talaga ang mokong at nakipag shakes hands kaya nong dipa niya binibitawan ang kamay ni Cahaya binatokan ko na, bwisit na lalaki nakipag shake hands lang natulala agad

" Ah mga kaibigan ko si Preston at Owen"

" Hi good evening, nice meeting you both ahm mag enjoy kayo , feel at home, magpahinga lang ako " sabi ni Cahaya bago pumasok sa kwarto niya

" Dimo naman sinabi na maganda naman pala si doctora, Kaya ba mas gusto mong dito nalang mag-rereview instead pumunta sa bahay para sabay  tayong tatlo na mag-aaral, para mas ganahan Ka dahil nakikita mo siya"

Dahil sa sinabi ni Preston binatokan ko siya ng makita na lumabas si Cahaya sa kwarto niya,at baka marinig pa niya kung anong pinagsasabi nitong lokong to

" Doctora, gusto mo bang uminom " sabi ni Preston kaya binato ko na siya ng unan kanina pa siya Doctora ng Doctora

" Naku kayo nalang magluluto lang ako ng makakain" ito na nga bang sinasabi ko, ito kasing mokong kinain yung ginawa kung pagkain para Kay Cahaya

Habang hinihintay ni Cahaya ng maluto yung pagkain niya, nakikita kung  kunti nalang talaga babagsak na siya sa mesa dahil sa antok at pagod, pagkatapos niyang kumain niligpit at hinugasan lang niya ang pinagkainan niya at bumalik nasa kwarto niya

Palapit at palapit na yung board exam kaya nagdodouble time na ako sa pag-rereview,minsan nakatulogan kona yung binabasa dahil sa pagod, di narin kami masyadong nakapag usap ni Cahaya dahil palaging late na siya nakaka uwi dahil sa duty ako naman busy sa pag-rereview

Diko alam kung anong nararamdaman ko sa kanya pero, ang alam ko masaya ako na kasama siya, at habang tumatagal mas nakikilala ko siya, kung noon sinabi ko na di siya yung babaeng gusto kung pakasalan, feeling nagkamali ako don, dahil gusto ko na siyang pakasalan, diko alam pero nakikita ko nalang yung sarili ko na masaya kasama siya

Oo madami akong niligawan at inaminan na babae noon tungkol sa nararamdaman ko sa Kanila, pero bakit iba yung nararamdaman ko pagdating kay Cahaya

Kung noon madali lang sa akin aminin sa gusto kung babae na mahal or gusto ko na sila, pero pagdating kay Cahaya kinakabahan at naduduwag ako, kapag subrang lapit ko naman sa kanya ang lakas ng tibok ng  puso ko, diko alam kung gusto ko lang ba siya or mahal ko na siya

Sa totoo lang sinadya ko talagang don mag-aral sa living  room kahit puyde naman sa kwarto ko,dahil para makita ko kung naka-uwi pa si Cahaya or wala  pero  diko na siya naabutan dahil pati ako nakakatulogan Kuna yung mga nerereview ko

" Good luck alam ko kaya niyo" sabi ni Cahaya sa amin Kasama sila owen at preston dahil sasabay na kaming tatlo pumunta kung Saan kami mag te take ng board exam




Waves of destiny (Completed)Where stories live. Discover now