25

228 9 3
                                    

Wala siyang imik na sumunod sa akin kahit alam kung naguguluhan na siya sa nangyari

" Sakay" sabi ko ng  makita kong nakatayo pa siya sa harap ng sasakyan ko

" I have my own car Cahaya, kaya magmaneho kana lang at susundan kita" sabi niya habang gamit ang malamig niyang boses

" Parker please, makinig ka nalang please" para na akong tanga sa kaka paki-usap ko sa kanya dahil para nalang akong hangin na kinakausap niya, pagkatapos niyang sumakay sa shutgunseat  Dali dali na akong nagmaneho papuntang hospital, alam kung naguguluhan na siya dahil sa bilis ng takbo  ng sasakyan

" Are you out of your mind, Cahaya pinakiusapan mo ba akung  sumama sayo, para ibangga tong sasakyan mo, magdahan daghan ka nga" inis na sabi niya ng muntik na  kaming mabangga

Pagdating namin ng hospital dumiretso na kami sa emergency room kung saan si Scarlett naka confined, ang daming apparatus na nilagay sa katawan niya parang ako yung nahihirapan sa kalagayan niya

" We need you, she needs you parker " Kaya kumunot ang noo niya sa sinabi ko

" What?, At ano naman ang maitutulong ko sa anak niyo" naguguluhan at Sunod-sunod niyang  sabi habang di ina-alis ang tingin sa glass window kung Saan niya tinitingnan si Scarlett na walang Malay

"Ahm excuse me Doctora Cahaya, may donor naba kayo we need to do na blood transfusion as early as we can dahil kapag tatagal  pa mas magiging dilikado ang buhay ng anak mo" paliwanag ng doctor ni Scarlett sa akin

" Yes doc meron napo" sabi ko ng nakatingin kay parker

" Okay can you go with me to the transfusion room para  kumuha ng test sa dugo mo, to make sure na ka match yung pasyente"

kaya sumunod na kami sa doctor, may mga steps lang siyang ginawa at pagkatapos ginawa na ang  blood transfusion  para kay Scarlett

" Can you tell me  what's going on now?" Tiningnan niya ako gamit ang poker face niyang mukha, pagkatapos siyang kuhanan ng dugo I lead  him in the garden kung saan kami nag usap nong una

" I'm sorry, wala na kasi akong malapitan at mahihingan ng tulong" umiiyak na sabi ko at di alam kung anong sasabihin

" Cahaya can you stop crying, and talk to me straight to the point, Wala na akung oras sa kalukuhan mo, tapos kunang tulungan ang anak mo kaya dretsohin mo nalang ako dahil marami pa akung trabaho na iniwan sa opisina"

iwan ko bakit di to nauubosan ng luha ang mata ko kanina pa ako umiiyak habang hinahatid namin si Scarlett dito tapos ngayon umiiyak na naman Ako sa harap ng lalaking to kailan ba mauubos ang luhang to

" Parker I'm sorry I lied, I'm sorry please wag mo silang kunin sa akin diko kaya"

" What do you mean you lied?"

" Anak mo si Sahgie at Scarlett, after we broke up nalaman kuna nagdadalang tao ako, hindi ko na sinabi sayo, dahil paraan san pa, I'm sorry "

"Cahaya bakit mo ginawa Yun, ilang beses tayong nagkita,at nung mag-usap tayo Nung nakaraang Araw maypagkakataon kanang sabihin sa akin ang totoo pero dimo sinabi, ano bang balak mo habang buhay na itatago sa akin na  nagka-anak tayo  your too selfish Cahaya " pilit niyang pinipigilan ang luha niya na halatang kanina pa gustong tumolo dahil namumula na ang kanyang mata " kung dimo ba kailangan ang dugo ko dimo pa sasabihin sa akin ang totoo Cahaya" galit na sabi niya sa akin dahil tumataas na ang boses nito pero wala na akung pakialam, Ang mahalaga ngayon ligtas na Ang anak ko

" Oo hanggat kaya kung itago at ilayo sila sayo gagawin ko, dika lang nila makilala, hanggat di kapa nila tinatanong sa akin diko sasabihin sayo ang totoo dahil baka kunin mo sila sa akin at dahil baka may pamilya kana at ayukong  ako ang dahilan ng pagka sira niyo " I'm sorry kung naging selfish ako takot lang ako na baka kapag nakilala kana nila dimo sila tanggapin sa buhay mo  at diko gustong mangyari yun"umiiyak na sabi ko sa kanya

Waves of destiny (Completed)Where stories live. Discover now