"PLEASE WELCOME LADIES AND GENTLEMAN, THE DEBUTANT!!! DEVINA FLORENCIANA SANDOVAL ROMUALDEZ!!!"
Kasunod ng pagsasalita ng host ay malakas na palakpakan at sigawan mula sa mga tao dito sa loob ng venue. Kasabay ng tugtog ay ang pagbaba ko sa hagdan. Nakatutok sakin lahat ng ilaw na para bang ako ang pinaka maningning na bituin at tinitingala nilang lahat.
Pressure.
I smiled confidently while walking down in the grand red carpet. Kitang kita ko kung gaano kasaya sila mommy ng makababa ako sa enggrandeng hagdan na yon.
And the party goes on.
Ang daming bisita at hindi ko na alam kung sinong uunahin ko. Jusko sa lawak ba naman kase ng mga connections ng mga Romualdez eh dagdag mo pa mga Sandoval. Connections everywhere, showbiz industry, politics, business industry, sports industry CONNECTIONS EVERYWHERE. After eating, pinuntahan ko muna sila mommy sa table nila with the Tito's and Tita's.
Binati nila ako isa isa at nagpasalamat naman ako. They were just too busy teasing me about boys dahil syempre! Eighteen kana Ciana, masanay kana.
"Sa loob ng eighteen years, kitang kita ko kung gaano kaingat si Mikael dito kay Ciana. Pano na kaya ngayon na dalaga na itong anak mo brother? For sure maraming manliligaw dyan." humalakhak si Tito Mar, Kapatid ni papa. Oh my gosh nahihiya ako! Wag na pong pag usapan please!!
"Kagandang bata naman kasi nito ni Ciana manang mana sa Nanay". sabi naman ni Tita Kristine, asawa ni Tito Mar.
"Hindi naman ako strikto pag dating sa pagboboyfriend ni Ciana, matalino yang anak ko na yan alam nya yung makakabuti sakanya, right sweetheart?" tumingin sakin si Papa.
"Of course, Papa." I smiled.
"Baby ko pa din yan kahit eighteen na!! Bawal pa din mag boyfriend!!" pagmamaktol ni Mommy habang naiiyak na naman.
"Mommy!" humalakhak ako sa tawa. Ang cute ng mommy ko. She look so elegant tonight. Lagi naman.
"No boyfriend until 50 baby!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Humagalpak naman sa tawa sila Tito. Pati si Papa ay napailing nalang sa kadramhan ng nanay ko.
"Mommy hindi na kayo magkaka apo pag ganon sige ka! Ang ganda pa naman ng anak mo sayang ang lahi!" Halos hindi ako tumigil sa kakatawa dahil sa nagbabanta nyang mukha.
After makipag kulitan kala Mommy at sa mga Tito's and Tita's, pumunta muna ako sa table ng mga pinsan ko.
"Happy birthday cuz!!!!" niyakap agad ako ni Ate Katy. Anak sya nila Tito Mar at Tita Kristine. She's a year older than me. May kapatid din sya, si Kate yung bunso nila.
"Thank you." as usual kada magsasalita ako laging may smile sa huli kahit minsan hindi naman talaga ako natutuwa.
"Hindi na baby girl ang baby D namin" Humalakhak sila Kuya Cj kasama sila Kuya Warren at Brix. Mga pinsan ko din sa Father side at mga lokoloko din.
"Tigilan nyo nga ako, birthday na birthday ko oh" I rolled my eyes. Tinawanan lang nila ako at niyakap.
"Bawal pa din mag boyfriend ah," sabi ni Kuya Warren at hinalikan ang noo ko."Pag merong nagugustuhan, sakin mo muna sabihin para makilala ko agad." Kinindatan pa ako na para bang plano yon.
"Kuya!! Wala naman eh!" hinampas ko yung braso nya pero tinawanan lang ako.
Nasa iisang table lahat ng pinsan ko sa father side, yung pinsan ko naman sa mother side ay nasa ibang bansa at hindi ko rin naman masyadong close dahil minsan ko lang sila makita at alam ko din na may konting misunderstanding si Mommy sa family nya nung pinakasalan nya si papa kaya ganon. Pero we're good naman, civil nga kung tawagin nila.
YOU ARE READING
Here With Me (Romualdez Series #1)
RomanceDivina Florenciana Romualdez. A sweet daughter, lovely sister, and a wonderful lady. Coming from a known and wealthy family in Poblacion Verde. Admired by a lot but she never looked high of herself. Always gets what she wants but she never take the...