FIVE: BEAT

2 0 0
                                    

OH MY GOSH..

Hindi ako mapakali habang naglalakad kami sa hallway papunta sa engineering department ng kaming dalawa lang! Para akong tuliro na hindi ko maintindihan. Bakit ba kasi ako pa? Pwede namang yung bruha nalang eh!

Hindi naman siya nagsasalita kaya hindi rin ako nagsasalita. Hindi naman sa umaasa ako na kakausapin niya ako ah pero kasi bakit niya pa ako pinili kanina diba?! I mean, hindi naman required na mag usap pero bakit kasi ako yung pinili niya?! Oh my gosh. This is driving me nuts!

Hanggang sa makarating kami sa room nila ay hindi naman kami nag usap. Dumiretso nga kaagad siya sa upuan niya pagkapasok eh. Nakita ko pang nginisihan siya nung Dion, yung tropa niyang lagi niyang kasama bukod dun sa dalawa. Umupo nalang rin ako sa assigned chair para sa akin at ginawa na ang trabaho ko roon.

Habang nag o-observe ako ay nagkaroon sila ng group activity. By pair sila at may kung anong i-sosolve. Pinanood ko lang silang maghanap ng mga ka-partner nila. Magagamit rin to sa ginagawa ko dahil sa makikita kong team work ng mga students.

"Sir, walang partner si Wax!"

"Hala ako nalang!"

"Lah akala ko ba tayo na yung magpartner gaga!"

Napalingon ako sa maliit na kumosyon sa unahan. Looks like pinag aagawan ang isang Lopez. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan sila.

"It's alright, sir. Kaya ko naman pong mag isa." sabi nito. Napawi naman ang saya nung mga babaeng gusto siyang maging ka-partner. Napangisi ako. What?! Umayos ka Ciana! Delikado na yan!

"Ay Sir!" si Gerald, isa sa mga tropa ni Lopez. "Si Miss Romualdez kaya? Puwede naman siguro siya diba? Saka wala naman siyang masyadong ginagawa dyan..." malokong sabi nito.

Halos hindi maipinta ang mukha ko ng sabihin niya iyon. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Wala masyadong ginagawa?! Marami akong ginagawa dito gago! What the hell!!

"Nag o-observe si Miss Romualdez, Ge. May ginagawa yan." halos yakapin ko sa isipan ko si Mr.Valderrama sa sagot niyang iyon. Go Sir! Ilaban mo yan!

"Pero Sir, hindi naman po siguro makakasagabal yung ilang minutong pag sosolve nila ni Wax sa pag o-observe niya diba?" napahawak ako sa sentido ko. Kailangan talagang ipilit?! Pepektusan ko tong mokong na to pag di to tumigil.

Tumayo na ako at nagsalita na."Sir, kaya naman po siguro ni Mr. Lopez yan, saka may ginagawa rin naman ho ako." nakita kong nagsingisihan ang mga tropa niya habang siya ay titig na titig lang sa akin. Masyadong malalim iyon at hindi ko kayang tapatan kaya nag iwas kaagad ako ng tingin.

"Miss Romualdez, I think Gerald has a point." My eyes widened. Damn! "Be Joaquin's partner muna. Ilang minuto lang naman iyan at puwede ka ng bumalik sa ginagawa mo." sabi niya at ngumiti pa sa akin.

Naghiyawan naman ang mga mokong na kaibigan ni Lopez sa gilid. Parang mga tanga! Kasalanan nila ito! I was about to protest when someone held my hand and pull me to the side of the room kung saan naroon ang upuan niya. Matalim ko siyang tiningnan  ng nasa harap na kami ng upuan niya at binitawan ang kamay ko.

Damn this guy!

Kumuha pa siya ng isang upuan at nilagay iyon sa harap ng upuan niya. Nilagay niya rin roon ang papel at ballpen niya. Nakarinig ako ng konting panunukso sa paligid. Hindi lang ang mga kaibigan niya iyon. Nakikisali na rin ang iba niyang mga kaklase.

"Sit" utos niya.

Napairap ako."I'm not a fucking dog." mahina kong sabi pero sapat lang para marinig niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Here With Me (Romualdez Series #1)Where stories live. Discover now