FOUR: OBSERVE

1 0 0
                                    

"Miss, dito po kayo uupo."

"Thank you!" napairap ako ng mauna ng umupo si Hope sa likod.

Tangina naman kasi!

Nandito na kami sa engineering department at kanina pa ako na bubwiset sa bestfriend ko na to. Pinagtitinginan kami ng mga students dito. Nagtataka ata kung bakit may taga ibang department sa klase nila.

"Hala sis, wala si crushiecakes mo" malungkot na sa sabi nito. May halo pang pangaasar sa boses. Sinabunutan ko sya ng patago dahil sa katarantaduhan niyang ito.

Napalingon din tuloy ako sa paligid. May part sa akin na masaya dahil wala siya kase matitigil tong isa sa pang aasar pero may part rin sakin na malungkot.

Malungkot?! Wtf Ciana! Crush lang yan bakit ka nalulungkot? Ugh!

"Uy disappointed..."

"Mama mo disappointed" ganti ko. Napairap nalang ako at pinag krus ang mga braso ko.

"Ay no, very proud si mommy" tumawa siya. I rolled my eyes again. Putangina talaga.

Hindi na rin naman nagtagal ay dumating na ang prof nila. Pinakilala rin kami at sinabi niyo ang gagawin namin kung bakit kami nandito. Nag didiscuss na sila ng may pumasok. Napatingin kaming lahat roon.

My lips pursed in shock. Halos mangisay na naman ang katabi ko dahil nakita niya na kung sino ang pumasok na iyon. Damn!

"Good afternoon , Sir. We're sorry were late." parang niyakap ako ng yelo sa lamig ng boses niya.

Damn that voice!

"Mr. Lopez..." ang prof nila."First time late?" seryosong puna nito.

"My apologies, Sir." he uttered. Tahimik lang ang lahat habang pinagmamasdan sila at halos mapasinghap ako ng magtama ang mga mata namin.

Damn! Umiwas kaagad ako ng tingin dahil hindi ko kailan man kayang tapatan ang mga titig nya. Never!

Pinaupo na sila ng propesor at nagpatuloy na ng discussion. May mga kasama pala siya na hindi ko napansin kanina. Mga kaibigan niya ata. Tatlo sila at puro lalaki. Iyon ata ang dahilan kung bakit siya late.

What the hell? Why am I even thinking about that? Ugh!

Habang nag didiscuss sila ay ginagawa naman namin kung ano talagang pinunta namin rito. Ewan ko lang dito sa isa na puro panunukso ang ginagawa. Ni hindi ko nga alam kung inoobserbahan niya ba o sulat lang siya ng kung ano dyan dahil sa kaharutan nya. My god Hope!

"Oh my gosh sis, ang gwapo niya talaga..." tumili na naman siya ng mahina habang pinagmamasdan ang Lopez na iyon. Napailing nalang ako sa kalokohan nitong babaeng ito.

"Hindi nga natin alam first name niyan eh." sabi ko.

"What the hell? Crush mo tapos hindi mo alam?" mukha siyang nagulantang talaga sa sinabi ko.

"Duh! Malay ko eh ikaw lang naman ang nagpupumilit na crush ko yon eh. Hindi naman talaga dapat kaso wala eh assumera ka!"

"Ehem..."

Napatingin kaming dalawa sa unahan. Halos magpakain ako sa lupa ng mapagtanto ko kung gaano kami kaingay kanina. Tangina! Lahat ng mata ay nasa amin. Oh my gosh! Nakakahiya!

Umayos kami agad ng upo."My apologies Sir, you may continue na po..." maingat kong sabi.

Tinaasan niya ako ng isang kilay."Mamaya na yang crush mo Miss Romualdez, observe muna." . paalala nito na ikinatawa ng mga estudyante niya. Napapikit ako sa kahihiyan.

Bwiset kasi tong bestfriend ko at nakuha niya pa talagang tumawa. Palihim ko siyang sinabunutan pero wala rin dahil inasar niya pa rin ako!

Pagod akong sumandal sa upuan at napatingin sa kung saan siya nakaupo. My heart skipped a beat when our eyes met. A little smile was plastered on his lips. He tilted his head and looked a way.

Oh my god! I can't breathe! What the hell? Gago tingin lang yon Ciana. Para ka namang tanga dyan.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makalabas kami ng room na iyon. Gosh! We're gonna freaking do this thrice a week this month! Bakit pa kasi ako eh. Hindi ko ata kakayanin makasama sa iisang room yung Lopez na iyon. Hindi ko na siya crush! Nakakatakot yung presensya niya. I just can't!

"Morning, sis!" Hope greeted me.

Panibagong araw ang naghihintay saamin para sa observation na ito. Pupunta kami roon every break time ng department namin dahil doon lang kami vacant para mag observe. Hindi naman puwedeng maapektuhan ang subjects naming mga mag o-observe dahil talagang magrereklamo ako. Monday, Wednesday, And Friday iyon. Mas okay na yung thrice a week kaysa everyday kaya hindi na ako umangal pa.

Two weeks na naming ginagawa ito at malapit na ring matapos. Iyon ang ultimate prayer ko this month dahil para talaga akong mauubusan ng hangin kapag nasa paligid ang Lopez na iyon.

"Ay thursday pala ngayon. Sayang di mo makikita ang beloved Wax mo" pang aasar nito. Narito kami ngayon sa may bench dahil vacant kami ng dalawang oras. Kumakain si Hope habang ako, gumagawa ng plates. My gosh architecture pasalamat ka mahal kita!

"Wax?" si Dexter. Kasama namin siya ngayon dahil vacant niya rin. Kaming tatlo lang ang nandito sa Villaverde University. Sa ibang school naman nag aral yung apat. Liam is studying Legal Management, Markie is studying Med, Gigi is studying Education, while Patricia is studying Tourism.

"Yung crush ni Ciana sa department mo" kinikilig na sabi nito.

"Hindi ko na nga siya crush! Nakakatakot siya!" depensa ko.

"Oh, you mean Joaquin Lopez?"

"Yes!" si Hope ang sumagot. Itong babaeng to, parang siya ata ang may gusto roon. Napailing nalang ako at pinagpatuloy nalang ang ginagawa ko.

"Speaking of the hottie..." nanlaki ang mata ko sa binulong ni Hope. Para na naman siyang nangingisay. Tinulak tulak niya pa si Dex na halatang napipikon na sa kaharutan niya.

Pasimple ko namang nilingon ang kinababaliwan niya. There, on the other side of the huge hallway. Joaquin Lopez with his friends are talking about something on the bench. He's wearing a black tshirt with a print on it and a faded jeans partnering a white branded sneakers. Nasa isang balikat niya lang ang bag niya habang nakatayo at kinakausap ang mga kaibigan niya. Umiwas kaagad ako ng tingin, takot na baka magtama pa ang mga tingin namin.

"Hindi na daw crush pero titig na titig." isang nakakalokong ngisi ang ibinigay sakin ni Hope. Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko.

Lumipas ang mga araw at sa wakas dumating na ang pinaka hihintay ko. Last week na ng observation!

"Excuse me po..." Napatigil ako sa pagsusulat. Halos nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino iyon. Napatigil rin ang iba kong mga kaklase. Siyempre may sinasapian na naman sa likod ko. Damn!

"Yes, Mr. Lopez?" ang prof namin.

"Good morning, ma'am. Mr. Valderrama wants to excuse the students na nag o-observe sa amin. We don't have class tomorrow kaya kung pwede ay ngayon nalang daw po." magalang nitong saad.

Damn it! Bakit naman ganito?!

"Sure," sagot ni Mrs. Xavier."Discuss lang naman kami ngayon, no problem." agad naman kaming tinawag ni ma'am. Paalis na sana kami ng may pahabol na sinabi si Lopez.

"Isa lang po pala yung kailangan, Ma'am"

Natigil kami. Tiningnan ko ng masama si Hope para mapigilan pa siya sa kung ano mang binabalak niya.

"Oh sino sa kanila?"

"Miss Romualdez?" gulat akong tumingin sakanya. Napangisi siya sa naging reaksyon ko.

"Y-yes?" Dammit! Bakit ka nauutal?! Tangina naman!

Mas lumawak ang ngisi niya nga marinig niya ang pagka utal ko.

" I want it to be Miss Romualdez, Ma'am" he playfully said.

Here With Me (Romualdez Series #1)Where stories live. Discover now