7 : Just A Stranger

3.4K 147 18
                                    



Just A Stranger - It follows a story of a married woman and a young man with a girlfriend must navigate their feelings after falling in love with each other.

——

Charity

Inayos ko ang aking sarili pagkatapos kong maligo. It's just been three months since I've left the country.

But A lot had happened.

A lot had changed.

Nakikibalita din ako minsan sa mga katrabaho ko sa dating ospital na pinagtrabahuan ko. Ang dami nilang kuwento. Namimiss ko na din ang Pilipinas. Narealize ko na ganito pala dito. Maskalaban mo ang pangungilila sa mga mahal mo sa buhay.

But just a month after I left the country, my lola has been diagnosed with terminal stage cancer of the brain at sa dati kong ospital siya ngayon nagpapagamot. Sa estado ko ngayon, kakayanin kong ipagamot si lola. Ngunit hindi kaya ng konsensha ko ang katotohanang naiwan silang dalawa ng kapatid kong may kapansanan din. I need to go home. Mga kasama ko naring mga nurses ang nagsabi sa akin na hindi na maganda ang kondisyon ng lola ko. It was too fast. Everything was too fast. It was like destiny had been punishing me for leaving.

Nasira lahat ng mga pangarap ko para sa amin.

Cancer spreads like spitfire. It consumes the human body rapidly. Iyun ang nakakakatakot sa sakit na cancer. Ilang gabi kong iniyakan si lola. Halos hindi ko matanggap ang naging diagnosis sa kaniya ng doktor niya.

Maraming mga magagaling na doktor sa Pilipinas. Isa na roon si Ashton. My lola's oncologist is a female doctor. Hindi ko kilala dahil bago lang din. Si Doc Dina Ompico.

I had to thank the heavens for the approval of my two months leave from work kahit bawal pa akong humingi ng leave dahil wala pa akong isang taon na nagtatrabaho.

Nageempake palang ako ay hindi ko mapigilan ang mga luhang pilit na lumalabas mula sa aking mga mata. It's so painful. I miss them so much. Malaki din ang sama ng loob sa akin ni Lucas dahil sa pag alis ko.

I took my luggage including my passport as I wiped the tears that kept falling down my cheeks.

Tulala ako mula pagsakay hanggang sa makarating ako sa Pilipinas. Si Jellay na ang sumundo sa akin kasama si Lucas. Seeing my brother after three months pained me. He immediately ran towards me and hugged me tightly.

" Ate, namiss kita" He sobbed. I wiped his tears.

" Ate huwag ka ng umalis please" He muttered. I closed my eyes.

" Pangako hindi na kita iiwan pa." I promised him. A promise I need to keep.

" Jellay salamat. Maraming salamat" I told my friend.

She smiled

" Ano ka ba. Magkasangga tayo dito diba?" Saad niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapaluha sa sinabi niya.

Dumiretso na muna ako sa bahay pero saglitan lang dahil iniwan ko lang iyung mga bagahe ko para makapunta agad kami sa ospital.

It seemed like it was just yesterday the last time I was here. Parang walang nagbago. It's the same hospital. Halos ganon parin naman ang mga nurses na nandito. Mga kakilala ko parin sila. Kung tutuusin naman kase, tatlong buwan palang akong nawala.

" Doctor Montenegro is in the OR right now. May emergency lang silang OR ngayon." Wika sa akin ni Jelay. Ako naman ay tahimik na tumango lang. sa totoo lang hindi ako handang makita siya. I don't even know how to behave when I see him.

Just strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon