2 : Where the crawdads sing

6.4K 269 18
                                    

Where the crawdads sing, abandoned as a girl, Kya raised herself in the dangerous marshlands of North Carolina. For years, rumors of the marsh girl haunted Barkley Cove, isolating the sharp and resilient Kya from her community. Drawn to two young men from town, she opens herself to a new and startling world. However, when one of them is found dead, Kya immediately becomes the main suspect. As the case unfolds, the verdict as to what happened becomes increasingly unclear, threatening to reveal many secrets.

——

Charity

Alas singko palang ng madaling araw ay nagising na ako para magluto ng umagahan namin. Ashton is still peacefully sleeping. Maayos ko siyang kinumutan muli bago ako bumangon at bumaba na para magsaing ng kanin.

Dito rin siya nag uumagahan. He literally lives here.

Nang makapagsaing na ako ay nagluto na rin ako ng ulam. Ham at egg nalang din ang niluto ko para masmabilis. I still need to bring Lucas to school before I go for duty.

Habang nagluluto ay naramdaman kong nagising nadin pala si lola.

Tinulungan niya ako sa paghahanda sa hapag at inayos niya na rin iyung nagkalat na mga papel ni Lucas kagabi sa kaniyang mesa. Inayos ko narin iyung baon ni Lucas bago ko nilagay sa may bag niya.

Alas sais na ng umaga ng maramdaman ko si Ashton na yumakap sa akin mula sa aking likuran. Buti nalang at wala si Lola dahil mukhang ginising si Lucas.

" Goodmorning" He whispered then kissed me on the lips. He looks so good with his morning look. Kailan ba naging pangit ang lalaking 'to. Ang unfair naman yata at palagi nalang siyang guwapo.

" Kain na tayo." Untag ko. Ilang sandali pa ay bumalik narin si lola kasama si Lucas na papikit pikit pa ang mga mata.

" Kain na" Kinarga ko siya at inayos ang pagkakaupo sa upuan bago nilagyan ang pinggan niya ng pagkain. He led the prayer first before we ate.

" Sino susundo sa akin mamaya ate. Si kuya Ashton sana ulit" Tanong niya habang ngumunguya.

" Shempre si kuya na ang susundo sa 'yo. Hanggang alas tres ulit ang duty ni ate ngayon" Nakangiting wika ni Ashton. Lucas got used to him being fetched by Ashton. Nakasanayan na ng dalawa na magkasama. Kaya minsan ay napapansin kong walang OR si Ashton ng alas dos hanggang alas singko dahil parang naging responsibilidad na niya ang pagsundo sa kapatid ko kahit hindi naman dapat. And he's been doing it for months now. Parang hindi nagsasawang gawin iyon at mukhang natutuwa pa.

" Yehey! Alam mo ate sabi ng mga kaibigan ko daddy ko raw si kuya Ashton." Panimula niya habang kumakain.

Ashton seemed to be unbothered by what Lucas just said. Nakangiti pa ito ng balingan ko siya.

" Tapos tinanong nila ako kung sino nanay ko tapos sinabi ko naman na ikaw" Wika niya sabay tawa. Nag apiran pa sila ni Ashton na para bang ang ganda nung sinabi niya.

" Hay nako ang dami mong alam Lucas. Kumain ka na nga ang maleleyt na tayo oh" Turo ko sa orasan na nakasabit.

Napasimangot tuloy ito.

We got ready after eating. Inayos ko muna si Lucas bago ako mabilis na naligo at nagbihis. Si Ashton naman ay inaayos na ang bag ko. Talagang siya pa ang nag ayos ng bag ko bago niya ito bitbitin na parang nakasanayan na niyang gawin iyon.

" Let's go?" He asked. Tumango ako.

Binitbit rin niya iyung bag ni Lucas at pinagbuksan ito sa passenger seat samantalang ako naman ay sa shot gun seat na umupo. We almost do this everyday. Parang naging routine na namin iyon.

Just strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon